K A B A N A T A 20

1.8K 84 9
                                    

Habang minamasdan ko ang paligid. Hindi ko masabing may kinahaharap na problema ang Celeria.

"Oh. Sorry, okay ka lang ba?" nag-aalalang ani ko sa batang natumba dahil nasagi ko.

Madumi at medyo may punit ang suot-suot niya. Halatang sa murang edad ay pinagtatrabaho na siya.

"Okay lang po. Huwag niyo na po akong hawakan, marumi po ako."

"Pero may sugat ka."

"Sanay na po ako."

"Come with me, I'll treat your wounds."

"TIM!" napalingon naman kami sa babaeng may kaedadan na. "Letche ka namang bata ka. Bakit nandito ka pa rin. Boss J—"

"Ah? Anong kailangan niyo sa anak ko?" kung kanina para siyang tigre na manlalamon, ngayon ay parang kuting na napakaamo.

er, plastic.

Hindi rin lumagpas sa paningin ko kung paanong napakislot at dumaan ang takot nung batang nagngangalang, "Tim" no'ng binigkas ng babae ang salitang, "anak"

"Tinitingnan ko lang kasi kung nasaktan ba siya. Nabangga at nasugatan ko yata."

"Okay na siya. Pwede na kayong umalis." medyo marahas na sabi nito. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa dahil mabilis niya kaming tinalikuran habang madiin pa rin ang pagkakawak nito kay Tim.

"Teka lang." pigil na habol ko, nang huminto siya ay nagsalita na ulit ako. "Alam kong wala akong karapatan na umepal o kwestunin ang paraan mo sa pagdidisiplina mo sa anak mo. Pero sa tingin ko, sobra na naman yata."

my mind keeps saying, 'Keep your nose out of it'

But I know to myself that I can't tolerate that kind of treatment.

"Eh, ano bang pake mo? Sino ka ba ha?" malakas at iskandalosang bigkas nito

Akmang ibubuka ko na ulit ang bibig ko pero may pumigil na kamay sa akin. Paglingon ko si Eian na. Umiling ito sa akin na para bang sinasabing huwag na akong gumawa ng eksena, lumipat ang paningin nito sa paligid namin na sinundan din naman ng mga mata ko. Do'n ko napansing unti-unting dumarami ang mga taong natigilan, nakatingin at nakapalibot sa amin.

Sa 'di kalayuan, nakita ko rin ang dalawa pang bata na hindi nalalayo sa kalagayan ni Tim. Punit-punit at may mga sugat din ang mga ito.

Napabuntong-hininga ako bago hinayaan ang sarili ko na lumayo muna upang makaiwas sa gulo. At baka mapatalsik pa kami ng namumuno du'n kung sakali dahil dayo lamanng naman kami at kami pa ang mag-uumpisa ng gulo.

"Eian."

"You want me to check them?"

Tumango ako, "Something was wrong. Ako lang ba? You can leave me here and check them."

"Pero,"

"Maawa ka na't mahabag. Those kids need to be rescued."

***

Habang wala sa tabi ko si Eian. Nagdesisyon akong magtanung-tanong. Nalaman ko na palaging ganun daw ang trato ni 'Emilia' sa mga bata. At narinig ko pa na bagong salta lang doon ang mga bata, nagtataka nga raw sila at bakit dumadami at papalit-palit ang mga batang dinadala at inaalis do'n.

Hindi kaya?

Dito sa bayan na 'to nagsimulang dalhin ang mga batang nawawala sa iba't-ibang bayan?

Sa Celeria ba unang pinakalap ang mga batang naaabuso?

Pero bakit parang ang aga naman yata, taong 2022 pa lumaganap ang abduction cases ah? at ang natatandaan ko hindi yun sa Celeria.

Hindi kaya ang katotohanan talaga ay ganitong taon nag-uumpisa ng gumalaw ang samahan ng Blackpeard. At sa taong 2022 lang napansin?

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now