K A B A N A T A 16

1.3K 77 0
                                    

Dahil sinisimulan na ang pagpili sa karapat-dapat na maging Crown Princess sinabihan na kaming malimit ang paglabas namin sa palasyo at paglabas-pasok sa mga bayan na ilalaan sa amin upang obserbahan.

Nasa library ako maghapon kaya pagdating ko sa chamber ko, napansin ko agad yung papel na may abiso kung saan at kailan ako pupunta sa isang bayan.

Sa Celeria. Ang sabi marami na raw ang nagpapadala o naipadalang sulat sa palasyo ang mga mamamayan na naninirahan doon.

Kinabukasan na pala ang punta ko. Isa sa mga knights niya ang ipapadala niya para sa aming dalawa ni Seya.

Pain. Nalaman kong si Fellious ang isinama niya kay Seya. Paano ko nalaman? syempre, narinig kong pinag-uusapan ng mga Royal Maids na ka close nung lady-in-waiting ni Seya.

Si Eian naman ang makakasama ko. Ibig sabihin siya talaga ang nakasama ni Seana noon sa novel.

Paniguradong mahaba-habang byahe ang naghihintay sa akin bukas. Sa dami ba naman ng lugar na dadaanan namin bago makarating doon. Ang lawak kasi ng Blame Kingdom kaya minsan may nababalewalang mga lugar.

Kaya siguro naisip ng mga nakakatanda na ang mga magiging kalahok ng Regina ay papupuntahin sa mga lugar na maliliit na bayan lang. Sus, tinatakbuhan lang nila yung mga responsibilidad na dapat ay sila ang gumagawa. Para sa Regina, my ass! Excuse lang nila kamo!

Now I'm curious kung bakit kaya lahat ng maliliit na bayan ay malalayo at laging nasa pinakadulo pa? At sa halip na sila yung mas payapa at tahimik, doon pa sumesentro ang gulo. Yun ang point, kasi pag maliit na bayan ang nasa isip natin palagi o ang pinaniniwalaan natin ay mas tahimik at malabong magkagulo kasi maliit na bayan nga.

Parang automatikong nakaset na sa utak natin na ganoon nga. Kung ako rin nga naman, mula sa perspective ng mga depraved na tao mas pipiliin ko yung lugar na hindi maiisipan na may ganun na pala sa lugar na yun.

So far, habang binabasa ko yung reports na nagsasaad patungkol sa lugar ng Celeria wala naman akong nakikitang red flag at puro common issues lang na kahit saan pwedeng maranasan.

I'll give the papers the benefit of the doubt and accept what it says, for now.

Maliit na bayan pero may 30 karatig na lugar na may 37,135 na populasyon at kabahayan na humigit sa 8,925.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now