K A B A N A T A 23

1.2K 80 11
                                    

Grand Queen Dowager

Grand Queen Freciana Ester D. Freed ika-labing isang naging reyna sa emperyo.

They said she's too strict. Kahit si Prince Devour ay hindi masungitan ang Lola niya. Akalain mo nga naman may kinatatakutan pa pala siya?

Exclusive:

“Isang malamig na prinsipe di umano takot sa lola niya”

After that night, hindi na siya kagaya ng dati. After King Yrrol died, naging mailap siya, mahirap na siyang lapitan. Lumalaki na yung pagitan sa kanila ng mga pamilya niya.

And they can't even find a way to break that wall. If she was present at any gatherings, she would never talk or approach anyone and vice versa. Her aura was too much for everyone, they couldn't bear it. It was out of their reach, even though they wanted to.

It's hurt. Ang mawalan ay napakahirap. I've been there. Nung namatay ang lolo ko sa real world na hindi ko manlang siya nakakasama ng matagal. Minsan naisip kong magbago, na sabi ko lalayo na ako sa iba.

Na hindi ko matanggap tapos maiiyak na lang ako bigla. Pero hindi yun gusto ng lolo ko. Nung mga araw na hindi ko matanggap, lagi siyang nagpapakita sa panaginip ko.

Maybe he wants to say na, let him go. I should and must let it go. Yung galit, yung pain, yung regret. Nasa puso ko yan lahat. Galit, kasi I feel like responsible for his death. Alam niyo yun, kasi mahilig akong mag imagine, minsan may papasok nalang sa isip ko na, I didn't mean to, there was always a time na parang namamatay siya dun sa isip ko pero it's for my character na may characteristics niya, and boom, reality hits me.

He's dead. At hindi ko yun matanggap kasi why now? napaisip ako, kung hindi ngayon, kailan? when you were ready? the truth is, hindi tayo kailanman magiging ready na mawalan. Na kahit alam natin na dadating dun sa puntong mawawalan tayo, never tayong magiging handa. Handa man o hindi, masakit pa din.

She's here because Crown Prince Devour's birthday is drawing near. As far as I remember wala 'to sa novel. Hindi siya kailanman umattend sa kahit anong okasyon na naganap kahit pa noong ikoronahan si Prince Devour at nung ikinasal ang dalawa.

I wonder why. Hmm.

When I saw her in front of me and that was three days ago. I can say she's truly intimidating. Feeling ko nga, medyo nangatog pa ako nung nagtagpo ang mga paningin namin.

Pero syempre, hindi ko pinahalata.

Everyone was busy preparing a grand celebration for our beloved Crown Prince. Tsk. He seems not liking it though. Pero wala siyang magawa lalo pa't nandito si Grand Queen Dowager.

Bilang hindi naman ako masyadong mahilig sa mga gatherings lalo na ang mga birthday party. Nagpasya akong pumunta muna sa Veranda. Mamaya pa naman ang pagbibigay ng regalo, so doon muna ako.

Akmang nanamnamin ko na ang lamig at ganda ng view ay natigilan ako sa paghakbang ng makita kong nandito din pala si Grand Queen Dowager.

"If you don't want to be here. You can leave as much as you want."

Napaawang ang mga labi ko. No wonder why no one even accompanied her here. She's shooing people away.

She's intimidating at nakakakaba. Kaya paniguradong lahat ng sinabihan niya ng ganito ay dali-daling umaalis.

But not me... The more someone pushes me away, the more I stay. Pero hindi sa kaso na I'll chase someone so desperately katulad nung ginawa ng totoong Seana kay Koronang Prinsipe.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now