K A B A N A T A 26

1.1K 80 0
                                    

Three days at walang palya ko'ng inaaral ang iba't-ibang Political, Spiritual, and Economical Dogmas na mayroon sa lahat ng Nation na sakop ng Emperyo.

Halos umiyak na ako para maawa sila sa'kin na pagpahingahin muna ang utak ko dahil ang sakit sa ulo ng mga nabasa at binabasa ko.

Halos hindi ko na nga mabilang sa daliri kung ilang beses ba akong nagreklamo, hindi naman sa 'di ko nirerespeto yung mga paniniwala nila. IT IS JUST LIKE NO WAY IN HELL A MERE HUMAN LIKE ME WILL ABLE TO STAND THAT!!!

Tumakas ako sa pagbabasa dahil nahihilo't inaantok na talaga ako. Hanggang sa nakadating ako kung saan inilalagay ang mga sulat na galing sa labas.

Nakikita ko pa ang ilan na nagpapatas doon. Ang lalaki at ang tataas ng mga estante. Ang style ay parang sa library lang din.

Hinanap ko yung station ng C and D, looking for Seana's Letter for Prince Devour. Pero wala kahit isa roon. Maybe I should look at P or S. It's either name ko or name niya ang nakalagay sa folder na nakalabel du'n.

Got ya. Nasa folder siya na bilang sa P

Wow? Halos mapuno ng mga letter ni Seana ang nakalagay sa malaking folder na nandoon

Sealed na sealed. Ni halos lahat ay hindi pa nabubuksan. Grabe namang ignorance naman yun.

I decided to open it. Bakit? Kahit papaano ay may karapatan naman ako hindi ba? It was all mine - I mean not really. Ah basta, may karapatan ako. End of discussion.

Sa mga sulat ng totoong Seana ay laging may paunang ganito,

"Unto His Royal Highness, the Crown Prince of Blame Kingdom.

Princess Seana of Martyrdom sends greetings."

Bago pa ang nilalaman ng mensahe. Hindi siya kagaya ng modern pormat ng pagsusulat na nasa dulo pa kung kanino galing.

Sabagay, kasali din yan sa etiquette na pinag-aaralan namin.

*Cringe alert*

Just Kidding. Cringe siya pero katamtaman lang kasi ang lalamin ng English ng ate mo.

If ever na ma-ikumpara ang paraan ko ng pagsusulat at mga sulat ni Seana na naka file dito ay masasabing hindi talaga ako ang totoong Seana.

To be honest. I like all of her letters, kahit pa ang lalalim ang ganda niya pa rin basahin.  And it was like, how can he ignore this kind of letter. Nakakaaliw kaya.

Kahit malabo ay nagtry akong mag browse, na baka may response siya kahit isa under my name, Seana.

What do I expect from him? Syempre, wala. Wala ngang nabuksan na letters may response pa kaya?

I asked Lady Frine if I can retrieve the letters. Ilang pilitan pa ang nangyare before she gave in. Pinatas ko na lang ulit yung mga nabasa ko na para lang pumayag siya madami rin naman ang mga naiwan kasi kada year, months and twice a week ata nagpapadala si Seana ng mga handwritten letters. Kaya natambak talaga.

Gusto kong isipin na baka hindi nakakaabot sa kanya ang mga letters. Pero no, knowing na ang kakulitan ni Seana lagi ang nananalo kahit anong pag ignora pa ang ginawa sa kanya. Technically, talagang hindi pinansin ang mga sulat niyang iyon.

"My lady, saan ka ba galing?" ani Kira.

Nakita ko namang napatingin si Corlyn sa dala-dala ko at paniguradong namumukhaan niya ang mga liham na babasahin ko pa lang.

Naiiling nalang ako habang binabasa ang ilan sa mga sulat. Nakakahiya. Like, nararamdaman kong magkakaroon ako ng secondhand embarrassment kapag naalala ko ulit.

Inabot na ako ng takip silim pero hindi ko pa rin natatapos. Sa chamber ko nalang itutuloy. Habang naglalakad ay nagbabasa na rin ako ng isa. Sina Kira ang umaalalay sa akin para hindi ako matapilok o kung anuman. But seriously, sa sobrang sanay at saulo ko na ang pasikot-sikot ay alam ko kung saan at anong direksyon dapat ang gagawin ko.

"Your Highness." both Kira and Corlyn exclaimed.

Kasalubong pala namin sina Crown Prince Devour at Lady Seya. I acknowledge their presence by giving a quick, full-on nod in their direction before I walk past them.

Natigilan lang ng marinig kong pinauuna na ni Koronang Prinsipe sina Seya at ang mga Knights niya.

Hindi ko na sana papansinin pero sinenyasan niya rin sina Corlyn at Kira.

Ipinaiwan niya pa ang mga lalagyan ng mga sulat na bitbit nila.

Anong trip nito?

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at saka umupo sa isang gilid. Yun yung isang bilog na may tanim na maliit na bulaklak sa gitna pero yung gilid nun ay pwedeng upuan.

"Isn't that mine?"

"Nope. Sa akin. Originally, ako ang owner. So, may karapatan akong bawiin."

"You don't even read it kahit isa man lang. Napakasama mo talaga. Hindi ka marunong um-appreciate ng mga binibigay sayo. Okay sana kung sa lahat e pero sa iisang babae mo lang ginawa? Ang immature!"

"Sana ibinalik mo nalang. Hindi yung hinayaan mong magpadala sa loob ng what? Hindi mabilang sa daliri yung taon."

"You're talking as if you're referring to someone kahit pa ikaw naman yun. I did. Pero anong ginawa mo? Makulit ka pa rin."

Hindi ko siya pinansin at kinuha yung lalagyanan at bibitbitin iyon papunta sa chamber ko.

"Immature huh? Is that what you are doing now far from being immature?"

"Don't ignore me."

"Ha? Sino ka? Ako nga inignore mo, pinigilan ba kita?"

"Childish!"

Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang. Akala ko ay umalis na siya kaya ganon na lang ang gulat ko nung pumihit ako paharap para isara ang pinto ay nandoon pa rin siya.

Akmang paalisin na siya ay dumiretso ang tingin niya roon sa isang gilid kung saan nakalagay yung dapat na ireregalo ko sa kanya. Pipigilan ko pa sana ang paglapit nito pero wala na akong nagawa. Kaya, ginawa ko na lang ay pinatas ko yung mga ilang sulat na balak kong basahin.

Hinayaan ko na lang ding bukas ang pinto ng chamber ko. Baka iba isipin ng mga tao rito. Ayaw ko lang talaga magkaroon ng usapin. Na kasama pa si Koronang Prinsipe.

"Why didn't you give it to me?"

"Well, I just don't see the need to do that."

Binuksan niya yun. Nung makita niya kung ano yun ay alam kong naintindihan niya kung bakit.

mapride ako e

Ayokong may kagaya ng regalo. Joke, ayoko lang talaga masabihan na manggagaya.

"May I?"

"Go on. I mean, para sa'yo naman talaga yan. Kahit hindi ko naibigay."

"And it feels weird. YOU? For all of the people? Asking permission? To this shabby m―."

"to this shabby mere girl like you? don't make me laugh, that doesn't suit you." he cut my words and almost rolled his eyes while he mimicked those word

Kung hindi ko siya kilala, baka inisip ko na ang sinasabi niya ay hindi bagay sa akin ang salitang, "shabby" at "mere"

Too bad, hindi gano'n kundi ay di bagay sa akin ang magpakumbaba at umarte ng ganon. TSK! Epal talaga.

Akala mo ako lang.

"Likewise!"

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now