K A B A N A T A 11

1.5K 91 2
                                    

Napansin kong parami nang parami ang mga naaapektuhan ng "influenza" sa mga taong naninirahan sa West. Lalong-lalo na sa Bayan ng Retina.

"INFLUENZA" sabi noon sa novel, ito ay severe infectious disease at talagang madami itong pinahirapan.

Mas mapanganib talaga para sa mga matatanda ang "influenza", sila kasi talaga target ng sakit na ito .5% lang ang posibilidad na mabuhay sila. Habang ang mga edad na nasa 30's pataas 50%, habang sa mga bata naman ay nasa 10% lamang lalo na sa mga infant pa lang, kung saan mahihina pa ang pangangatawan.

Hanggang maaga kailangan mapigilan na ang pagtaas ng porsyento ng mga naapektuhan nito. Hangga't wala pang namamamatay.

Ang influenza ay nagsimula nung biglaang magkaroon ng smog. Isiniwalang bahala kasi nila, inakalang simpleng ulap-usok lang ito.

Hanggang isang araw, unti-unting nanghihina ang mga hayop, mapa-ibon man na nakakaapekto na rin sa mga naninirahan doon.

Hindi nila napansing ang smog ay kumakalat na rin maging sa mga inumin nila. Umabot sa puntong ang buong lugar ay naging maulap, pinaghalong usok at hamog ang mga 'yun.

At ang nakapagpawala lang nito ay ang Anti-Magic Sword. Oo gawa lang sa magic ang smog na kumalat noon. Ito ay kagagawan ng isang bayan na tinatawag na Shire. Ang alam ko may alitan ang Shire at Retina kaya nagawa nila 'yun.

Nagdesisyon akong pumunta roon. Isasama ko rin yung mga taong nakaisip ng solusyon para maresolba ang mga nangyayare. I won't take the credits na sa simula pa lang ay hindi naman sa akin. Isasama ko yung mga dapat na nando'n at talagang mapapangaralan.

Inabot din kami halos ng isang araw bago makarating doon. Nasa pinakadulo pa kasi ang bayan ng Retina mula sa Royal Capital.

"What are you doing here?" Lumingon ako para makita kung sino ang nagsalita sa likuran ko.

And there he is. Oh? So this is Prince Giveon. Remember sa mga kamay niya namatay si Seana. He will become the Head of Justice in the future. That's why.

Since I woke up in this world. I didn't get a chance to see him. Palagi kasi siyang nasa mga mission at talagang malalayo.

"Trying to help. Bakit bawal ba?"

"Bago ah! Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga gan'to?"

"Secret! Baka ikamatay mo."

He looked at me bored. "This isn't the time for bullshitting around, Seana."

"I'm not."

Nilingon ko kung nasaan sina Mourn, Ei, and Viorr. They inspect the area with their gear. Alam kong ilang minuto lamang ay makakaisip na sila ng maaaring solusyon. Ganoon sila kabilis mag analyze sa bawat problemang kinahaharap ng emperyo. Kaya nga they will surely make a name in history.

"Prince Giveon."

We both looked at the person who was now calling for my brother. He's the Royal Messenger na kasama namin dito.

Ewan huh, bakit ayaw pa nilang ipadala na lang sa mga eagles, hawks o kung ano man ang mga sulat na nanggaling sa palasyo. But then, hindi ko sila masisisi gano'n ka importante ang bawat mensahe na pinapasok at inilalabas sa bawat emperyo.

Ang pagiging Royal Messenger ay parang pakikipagsapalaran na rin sa kamatayan. Kailangan ligtas mong maipadala ang bawat sulat malayo man ito o kung sa lugar na mapanganib man ito ipadala.

Kaya, I salute those Royal Messengers. Nag-iimprove rin naman. I know they always provided them with enough protection for them to go back into the palace safely.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now