K A B A N A T A 21

1.2K 82 1
                                    

Kir The Esquire

"Papa! I will become the greatest knight that the Blame Kingdom-uh, that the World could've had."

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko na ulit yun. A little girl na gustong maging knight huh?

"Do you even how to swing a sword, little girl?"

oh. so the angel is here

Girl, you should have read the atmosphere, she's talking happily about her dream but then, you unintentionally break her heart.

Inumpisan ko na ulit maglakad. "I'm sorry but I'm a boy."

La? Boy siya? Mukhang girl e. Ang haba ba naman ng buhok. Wow! lalaki siya pero ang ganda niya na, paano pa kaya kung babae pa siya

"Lady Seana! Lady Seana." ani nito at saka natutuwang inikutan ako.

"When I grew up. Let be me your knight." ani nito at may aksyon pang kunwareng may hawak-hawak na espada.

"I, Kir the Esquire will protect you at all cost."seryosong ani nito at saka nagfacial expression na napakatapang.

I giggled. Such a cutie.

Trivia: Esquire

a knight attendant or son

Mahina kong pinisil ang matatampok niyang pisngi gamit ang kaliwang kamay. Nakahiligan ko na kasing gawin yun, lalo na sa bunsong kapatid ko sa real world.

Nawala ang ngiti ko sa labi at tumunghay sa pagkakayuko sa kaniya. Bigla kasing sumulpot sa isip ko yung imahe na, isa siya sa mga batang sana'y makukuha ng Black Organization. Napakabrutal noon. He died at a young age. Those rascals, take him away to his dreams.

Nang bumaba muli ang tingin ko sa kaniya, nakita ko siyang nakatunghay sa akin. At pinapanood ang mukha ko, ang reaksyon ko.

I smiled at him to ease his curiosity. "Can't wait to see you achieve what you're aiming for, Kir."

Lumapit naman ang ama nitong si Sir Louie. Humingi pa ito ng paumanhin sa kakulitan, "daw" ng anak nito.

Tinanguan ko lang sila at nagpaalam na para bumalik sa ginagawa kong paglalakad patungo sa Tree House na nandito sa palasyo.

Kitang-kita kasi doon ang buong kaharian ng Blame Kingdom. And I found it comforting. Simula nung madiskobre kong may Tree House pala dito ay mas malimit na ang pagpunta ko roon.

Mataas ang Tree House na nandito. Kumbaga, kung hotel siya ang pinakadulo nito ay parang nasa 5th floor na. Matibay at halatang ginamitan ng magic ang Tree House upang hindi maluma at magiba.

Nang makarating sa dulo, nakangiti kong pinagmasdan ang paligid. Kitang-kita ko yung magagandang ulap at halaman na mga kulay berde na ang sarap pagmasdan.

I like to stare at things associated with color green. Sabi kasi, para maipahinga ang mga mata tumingin sa malayo at tumitig sa isang pwesto.

Mag-isa nga lang ako rito dahil ayaw naman sumama sa akin nung dalawa. Dahil sila'y natatakot at hindi sanay sa mga matataas na lugar.

I love how warm and inviting the scenery is.

Napapikit ako sa lakas ng hangin na dumampi o sumalubong sa buo kong katawan. Inayos ko ang buhok na medyo napayid ng hangin.

Nang tumingin ako sa baba ay nahagip ng mga mata ko si Yro. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya tumingala siya sa gawi ko.

Hindi ko naman napigilang hindi kumaway. Na para bang close kami. Una dahil sanay na ako, at pangalawa dahil ganito mga galawan ko sa totoo kong katawan. Pangatlo, feeling close ako e, bakit ba?

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now