K A B A N A T A 12

1.4K 97 4
                                    

Nagdesisyon akong i-sulat lahat ng mga nangyari sa novel, lahat ng mga may kinalaman dito na natatandaan ko. Syempre, gumamit ako ng code na ako lang nakakaalam. Maganda na rin 'yung nag-iingat. I even sealed it with my kisses.

Oh diba. If makaagaw man 'to nang atensyon at least mga halik ko lang makakabukas doon. I laugh like a witch. Witch pa nga.

Then, I made a list ng mga bagay na kailangan kong pigilan. I crossed out the death of Eryll at 'yung sa Retina at Shire. I even include some unexpected events that will happen in the future even though I don't even have a clue about what will gonna happen.

Alam naman nating some things will never go according to our plans. Maganda na yung handa ka at aware ka na maraming pagbabago na magaganap.

Last week. The selection of two Reginas was continued.

Seya was chosen by the Crown Prince. He let the Emperor and the Empress choose the other one. And the most shocking part is, they chose me. Yes. Kahit na hindi ako kasali sa pagpipilian. Still, they chose me.

Gusto kong tumanggi pero Empress and Emperor na yan. I can't even do anything about it.

Everyone was shocked miski ako.

Pinanood ko kung paanong inaayos ni Corlyn ang mga gamit ko na dadalhin na sa Palace. Hindi pa rin ako makapaniwala na kahit anong pilit ko na pag-iwas ay pilit pa rin talaga akong hinihila palapit sa mga ayaw ko.

Ni hindi ko magawang magsaya. Malungkot ang mga mata kong inilibot sa bawat espasyo ng kwartong maiiwan ko. Kumportable na ako e.

Maybe this is the one I really can't change. Syempre, sa pagiging Regina nakilala si Seana. Kaya paniguradong 'di ito maaaring hindi mangyari.

Asar. Imbes na mabawasan ko ang t'yansang makita at makasalamuha sila ay mas lalo pa akong pinapalapit.

Tatlong araw, tatlong araw na simula nung lumipat ako dito sa palasyo kasama si Corlyn. Sa tatlong araw na 'yun, inaapprove-han ni Koronang Prinsipe ang Lady-In-Waiting ni Lady Seya. Samantalang ang akin ay wala pa rin.

Hindi ko pa name-meet si Kia. Siya yung naging lady-in-waiting ni Seana sa novel.

Argh! Hindi ko talaga akalain na nandito ako ngayon kung saan ay pinagtatambayan ni Prince Devour para sa mga paper works niya, office parang ganun.

Kaya lang naman ako nandito para kausapin siyang i-approve na magkaroon rin ako ng Lady -In-Waiting. Gusto ko na kasing mameet si Kia. Pero sa kamalas-malasan wala pala siya rito.

Nakikipagharutan sa mga knights niya.

'de jok lang, nakikipagsparring kasi'

err, why took him so long?

Kahit 15 minuto pa lang ako nakaub-ob sa mesa na nandito sa opisina niya ay naiinip na ako. Kanina pa akong nakikipagtalo sa sarili ko kung pupuntahan ko na ba siya ro'n sa Training Room pero mapride talaga ako e.

I slightly brushed my hair. I stand up and get out of that room. Niyaya ko si Corlyn na puntahan na sila. Tamang-tama naman na nakasalubong namin si Sir Disc, ang Head Butler dito na talagang pinagkakatiwalaan ng pamilyang Freed.

I just asked him if he can lead the way to where the Crown Prince is. Ilang minuto matapos ang mahaba-habang paglalakad sa pasilyo, nakarating na din kami sa wakas.

Nangingimay nga ang paa ko, partida naka heels at bigat-bigat pa ng gown na suot-suot ko. Asar akala ko biro lang na mabigat talaga ang mga gown na sinusuot ng mga prinsesa, totoo pala.

Paano ba naman kasi, parang ang gaan lang tingnan sa mga napanood kong fairytales at movies na napanood ko sa real world nung bata pa ako.

The Butler opens the door himself. Ang narinig ko agad ay naglalagitikang pagdidikit ng espada, kaluskos ng mga paa sa sahig, basta alam niyo na yun.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now