K A B A N A T A 10

1.6K 106 3
                                    

"Hindi ko alam kung minamalas ka lang talaga o ikaw 'yung malas e."

Kung hindi ko 'to pinsan nasapok ko na 'to. I heard him chuckle. Nakwento ko ba naman kasi kung anong nangyare nung isang araw. At ang baliw, tinawanan pa ako sabay sabing, "hate na hate raw talaga ako ng asawa kuno ko raw"

Haha. Self-proclaimed wife kasi ako ni Devour, kaso ngayong ako na si Seana, nakipagdivorce na rin ako ng hindi niya alam.

"Hindi na tayo magpinsan, paano yan pwede na?"

'Ew' anang sabi ng utak ko. Sinadya ko ring mabasa niya.

"Sorry, ha. Hindi ako fan ng incest e. Magkadugo man tayo ngayon o hindi. At least aware tayong minsan nang nanalantay ang iisang dugo sa mga kaluluwa natin 'no."

"Maghunos-dili ka nga."

"Biro lang naman ah? oo at hindi lang naman isasagot, daming dada. Ganda ka niyan?"

"Ano namang connect kung maganda nga ako?"

"E, ano nga naman kung ganda ka?"

Napairap ako."Magsama nga kayo ni Devour. Minsan ang gulo niyo."

"Naks! lakas maka-devour a? close kayo? ang kapal nang mukha, nasa first name basis ka na, samantalang yung isa? anong tawag sayo? At kailan pa naging magulo si Prince Devour?"

'never niya akong tinawag na, "lady Seana or Princess Seana o kung anuman basta approved sa akin'

"Ang dami mong tanong. Hindi bagay sa'yo, para kang bakla. Pasalamat ka't talagang madaldal si Prince Kaito kung hindi baka pinagdududahan ka na ngayon pa lang."

"Porket madaldal bakla na agad?"

"Oo lalo na kapag ikaw."

Napagkwentuhan namin lahat ng mga bagay na nagagawa namin noon sa past life namin. Anyway, hindi kami sabay na napunta dito mas nauna ako sa kaniya. Ang sabi niya pa ang nangyare raw sa totoong Prince Kaito ay bigla na lang daw itong hindi nagising.

Before na magkita kami, isang week pa lang yata bigla na lang siyang nagising na nandito na siya.

Once in a month lang pinagtitipon ang mga nobles, royalty, at commoners sa Azellan para sa etiquette and swordmanship.

Sa Azellan kasi mapa-babae ka man, susubukan ka pa din kung may kakayahan kang humawak ng espada. Para sa self-defense daw.

Ang sabi Combat Training daw ang una naming gagawin. Tapos na kasi kami sa mga ettiqutte eme e.

Combat Exercise. Sword lang gamit namin. Gumamit sila ng magic para makagawa ng illusion at isang higanteng halimaw. Na tinatawag na Zypherus. Ang alam ko isang dekada muna ang makakaraan bago ulit ito magpakita. Nung mga panahon na 'yun ay era pa ni King Havor.

Ibig sabihin, malaki ang t'yansang bigla-bigla nalang itong magpakita.

"It doesn't possess offensive power but instead it has thick armor. Hindi rin kayo masasaktan kaya gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya. The time limit is five minutes per person. The sooner you defeat, that means the higher the chance you can defeat the real Zypherus. Ano mang antas o ranggo ninyo sa buhay."

Sabi nung Trainee na nandito. Sa pagkakatanda ko, he is Sir Arlxx may pinakamataas na posisyon sa combat. Kumbaga nasa Rank S na.

Nagsimula na, inuna muna nila ang royalty, pagitna ang mga commoner bago ang mga nobles. Naupo na lamang ako sa gilid dahil mamaya at huli pa naman kami. Malayo ako kina Jiara kaya wala akong makausap. Hindi din mahagilap ng mga mata ko si Kaito.

"WOW!" napalingon naman ako kung bakit umingay ang training room.

Si Seya na pala. She took less than a minute, huh? Not that bad.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSKde žijí příběhy. Začni objevovat