#24 Mitchie~ OldSun

145 5 4
                                    

~~~~Mitchie~~~~

"Jamie..."

Nagising ako bigla. Narinig ko kasing may bumukas ng pinto. Si Kuya Axel lang pala. Mahigit isang kalahating oras na pala simula nung nangyari yung insidente. Nasan na ba sila Tita? Ang tagal naman yata nila, 10:30 na ng gabi na kasi. Kanina pa akong 9:00 naghihintay dito sa clinic.

"Mitchie, kumusta ate mo?" sabi ni Kuya Axel. Gusto ko sanang sabihing okay lang siya, pero hindi naman talaga. Napailing nalang ako sa kanya. Nagtataka lang ako. Healthy naman si Ate, bakit siya nagkaganito?

Siguro dahil sa lalakeng yun.

Napaupo si Kuya Axel sa tabi at tinignan yung kamay ko na nakahawak kay Ate.

"Babalik daw yung doctor kapag nandito na yung tita mo para ma-explain daw niya," sabi ni Kuya Axel. "Kinausap ka na ba Ate mo?"

Umiling ako kay Kuya Axel. Ayaw ko na ring magtanong kay Ate baka hindi pa siya handang sabihin samin kung ano talaga yung problema. Tinitigan ko si Ate. Nakatulala siya sa kawalan. Hindi naman ganito si Ate kapag kasama ko siya.

"Kuya Axel," sabi ko. "Si Kuya Will ata..."

Biglang humikbi si Ate. Napatingin kami bigla kay Ate. Umiiyak na naman siya.

"Ate," sabi ko. Bigla nalang humagulgol si Ate sa pag-iyak.

"Jamie?" sabi nung lalakeng nagpicture samin. Lahat kami napatingin kay Ate. Magkakilala sila?

"Ate," sabi ko pero di niya ako narinig. Mukhang gulat na takot si Ate. Lahat kami nagtaka. Anong meron?

"Jamie," sabi nung lalake.

"Will, kilala mo siya?" sabi ni Kuya Fynn.

"Hindi mo ba ako naaalala, Jamie?" sabi nung Will. At unti-unting lumapit kay Ate.

"W-wag," sabi ni Ate. Bakit parang nanghihina siya? Ngayon ko lang nakitang nanghina si Ate ng ganito. Siya pa mismo ang nagturo sakin kung pano mang-inis ng mga lalake pero bakit ngayon nanghihina siya. Anong meron sa Will na yun?

"Ate, okay ka lang ba?" sabi ko at nilapitan siya.

"Jamie," sabi nung Will. "Ang tagal kitang hinanap."

Hinanap?

"Wag!" sigaw ni Ate at lahat kami nagulat sa ginawa niya.

"Ate," nag-aalala kong tanong sabay lapit sa kanya.

"Jamie," tanong ni Kuya Ryder.


Biglang humikbi si Ate. Iiyak ba siya? Hindi ko to gusto. Hindi to maganda.

"Ate? Anong problema?" sabi ko sabay hawak sa balikat.

Tuluyan siyang umiyak at nag-aalala na ako. Bakit siya nagkakaganito? Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak uli.Tinignan ko yung Will na yun at ang mukha nya puno ng pag-aalala.

"Ayoko na, ayoko na, ayoko na, ayoko na," bulong ni Ate sabay takip sa tenga. Kinabahan ako. Para kasing isang malaking problema to.

"Jamie, hayaan mong magpaliwanag ako," sabi nung Will at lumapit kay Ate. Tinitigan siya ni Ate ng ilang mga segundo at makikita mo na unti-uning natatakot si Ate sa kanya.

"Ate, sino ba siya?" sabi ko.


At bigla nalang siyang tumumba.

Her Boyish ActsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin