#23 Jamie~ Second Chances

198 5 9
                                    

Si Yriel nag-lilipsync?

Pinatay ang tugtog. Gulat na gulat ang lahat.

"Naglilipsync siya?"

"Hala, girl, fake lahat?"

At nagsimula ang mga bulungan. Hindi nila alam kung ano ang irere-act. Or maybe, naghihintay sila ng magsisimula.

"Di ka naman pala marunong kumanta eh!" sigaw ng isang lalake. At nagsunuran na nga yung iba.

"Boo!"

"Cheater!"

"Lip-sync pa more!"

Sigaw ng mga tao. Halos lahat sinisigawan siya. Alam kong paiyak niya siya at tama nga ako pero, galit siya nang lumapit sakin galing sa stage.

"What?! Happy now?!" sigaw niya sakin, umiiyak.

At sinubukan siyang kausapin ni Ryder pero umalis lang siya. Nagtinginan kami ni Ryder. Pati rin yung ibang mga tao napatingin sa kin.

Ako na naman? -_- Di na nga ako nag-react eh. You're welcome Yriel. Nakita nalang din naming tumakbo si Kaile papunta kung saan pumunta si Yriel.

"Uhmm, sorry for the commotion, well I-I guess that was the last contestant," sabi nung MC. "Now it is time for judging! But before that may we call on Kaile and his special guest, Sean!"

Huh? Pero pinuntahan ni Kaile si Yriel. Another commotion? -_- Napatingin yung MC, sa Right Wing ng stage, at tumakbo then bumalik, then nagsalita ulet.

"Seems like Kaile didn't make it,"sabi nung MC.

"Aww, sayang girl, wala si Kaile of your dreams,"

"Sayang!"

"Hay, sana may next time!"

"But don't worry for may we call on, Sean and Lance!!" sabi nung MC.

Lance? Sino yun?

Biglang tinutukan nung spotlight yung lalakeng gulat na gulat na parang kagigising lang. Ah, so siya pala. Dumeretso yung isang lalaki na si Sean daw(narinig ko sa mga girls eh) sa stage at tinawag yung Lance.

"Hoy! Pag di ka pumunta dito, kakatayin kita!" sigaw ni Sean.

"Oo na! Wait lang! Nahiya naman ako! Mas matanda ako sayo no!"

At nagtawanan lahat ng tao. Pano ba naman kasi halos magkandarapang tumakbo yung Lance papuntang stage. Then may binulong si yung Sean at tumalikod na sila. Siguro sasayaw sila.

Then biglang tumunog yung We Will Rock You, na may baril effect. Taray ah, infairness, alam kong sasayaw sila. At infairness alam ni Kuya Lance yung steps.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Ryder. Katabi ko na pala siya.

"Oo naman," sabi ko. "Eh ikaw? Kilala mo si Yriel diba? Bakit di mo sya pinuntahan."

Napabuntong-hininga si Ryder.

"Naging harsh kasi ako sa kanya eh," sabi ni Ryder.

"Huh? Ikaw gagawa ng masama?"

"Di mo kasi naiintindihan," sabi ni Ryder.

"Then explain it to me," sabi ko. Tumingin siya sakin na parang nagdadalawang-isip. Nice -_- dalawang-isip pa-more.

"Well, I should've given her a second chance" sabi ni Ryder. Finally, kala ko di niya sasabihin.

"Bakit? Anong chance?" sabi ko.

"Because," sabi niya, " She's my ex-girlfriend."

"Ah.. huh?" sabi ko. "Huh?"

Girlfriend?

Her Boyish ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon