#13 Ryder~ Fall

336 12 14
                                    

~~~~Ryder~~~~

Yriel bakit ba kasi bumalik ka pa sa Pilipinas? Ang malala pa, nasa IISANG SCHOOL lang Tayo! Tapos last month ka pa pala nandito sa school?! Ganun na pala ako ka busy para di ka maramdaman. Sana nasa England ka nalang, kasama yung lalake mo.  

"Hay nako Francis, ang tahimik mo na naman," sabi ni Brandon.

"Hay, ginawa ko naman yung tips ni Sean pero parang naging baliktad," sabi ko.

Okay, andito na naman kami sa canteen, todo kain at kwentuhan at daldalan. Ganito lang talaga kami. Pagkain ang habol namin dito.

"Huh? Wala akong magets, anong tip-tips yung pinagsasabi niyo?" sabi ni Kaile.

"Hayy! Bakit kasi wala ka dito nung isang araw?" sabi ni Tenga, I mean, Axel. 

"Sorry ha, naghahanda lang ako para sa Talent Show, may opening show ako kasi diba ako yung nanalo sa Best Dance Routine," sabi ni Kaile. 

"Wahh oo nga no! Ang galing mo talaga Kaile! Biruin mo, partner/ solo ang dapat pero ikaw lang yung nagsolo! " sabi ni DeO

"Hay, uto-uto talaga, parang bata" bulong ni Sean. Di din naman narinig ni DeO. Busy kay Ryoma, na palagi na niyang dinadala sa school(kahit bawal)

"So , ano nga yung tip na yun?" sabi ni Kaile.

"Hay, explain mo nga Sean," sabi ko. 

"Bakit ako? Nakakatamad kaya!" sabi ni Sean. Pagdating sa chicks ang sipag maghabol!

"Ako nalang!" sabi ni Brandon. Oo nga, dapat siya nalang, machine gun bibig niyan eh.

"Okay, ganito kasi yun, di makamove on si Francis dahil nakita niya uli si Yriel, which is yung ex-girlfriend niya na iniwan siya para sa isang mas gwapong, mas athletic-"

"Pwede ba, dun na tayo sa pinakapoint ng story?" sabi ko. Aba'y, hindi ako humihingi ng matinding throwback! 

"Okay, okay, chill lang dude, so let me continue, di siya makamove-on, that's why, binigyan siya ni Sean, na loverboy 'daw' pero walang girlfriend na tumagal ng isang buwan-"

"HOY!Yung isa, tumagal ng 3 months!" sabi ni Sean. 

"Oo na, shut up, nagkwekwento ako eh! Then nagbigay si Sean ng tip, na maghanap nalang si Ryder ng ibang girl na may potential bilang isang girlfriend, then kapag nakahanap na siya ng girl na yun, kailangang mainlove si girl kay Francis, pero dahil mahirap maka move-on ang mga taong naiwanan, kailangang mainlove si Francis sa babaeng yung by the process, at dahil nga ang nakuha ni Francis ay may potential, may 79% possibility daw, ayon kay Sean, na mainlove si Ryder sa girl na yun," sabi ni Baekyun.  

Nganga ako dun ah. 

"Wow, ang ganda ng explanation, pero wala akong naintindihan," sabi ni Kai. "De joke lang, naintindihan ko, mabilis ka lang talaga magsalita Brandon! Parang machine gun!" 

"RATATAT COMBAT!" sigaw naming lahat, Masaya kami eh. xD 

"Ok ok, so sino yung girl?" tanong ni Kaile. 

"Ah si Ate Jamie, yung kinuwento ko sayo, yung ate ng crush ko," sabi ni Axel. Proud to be.

"Ahhh.... huh?" sabi ni Kaile.

"Ano bayan, di mo parin ba magets?" sabi ko. "Nako, Kaile wag kang slow."

"Pero diba yung Jamie-" sabi ni Kaile pero biglang may umepal.

"PAGING KAILE BYRNE, PLEASE PROCEED TO THE PRINCIPAL'S OFFICE RIGHT AWAY," 

"Hala!!" sigaw naming lahat. Bakit kaya siya tinawag ng Faculty? Baka may kabalbalan siyang ginawa!

Her Boyish ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon