#1: Mitchie~ Is Sis In Love?

1K 29 2
                                    

  "Ang babae para sa lalake, ang lalake para sa babae."

Jamie on the right--------->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Mie, lalabas lang ako ha, magbabasketball lang ako saglit!" sigaw ni Ate Jamie, papalabas ng pinto, dala-dala ang bola ng basketball. Nakasuot ng t-shirt at jogging pants.

"Sige po," sigaw ko. Naku, magbabasketball na naman siya. Si Ate talaga. Ang hilig-hilig sa basketball!

Clink!

"Sis, yow, dyan ka ba? Big bag daw ba bukas?"  may nagmessage sa akin.

"Kuya..... KAKLASE MO BA AKO PARA MALAMAN KO YAN??!!" reply ko.

"Schoolmate, peace ^^v "  reply ko. 

"I don't know hehe, dami mong friend na classmate mo, tapos ako tong tatanungin mo? -_-" 

Naku, si Kuya Ryder talaga, ako pa tatanungin, malay ko ba sa kanila basta kami big bag, ewan ko sa kanila, may laro yata ng basketball sila Kuya kaya nalilito ito.

"Haha sige thanks,^^ " reply nya at nagbye na kami. Kuya talaga. Kanina si Ate, ngayon si Kuya?

By the way, hindi ko siya Kuya, PRETEND to be lang, si Ate naman, sister ko talaga-er... kuya?

Kasi si Ate, tomboy, ata or gustong maging cool, wanna know why? Kwarto niya mga pictures ng mga basketball players. Tapos ung kilos niya lalake, salita niya lalake, pero sabi niya di daw siya magkakagusto sa isang babae religous kasi siya, para sa kanya, "Ang babae para sa lalake, ang lalake para sa babae."

Kaya nga wala pa akong nababalitaang may nagugustuhan si Ate sa mga girls. Baka BIsexual lang or hindi pa natatamaan ng puberty? Hay, ewan! Pero sana di talaga siya tomboy! ><

Pero sa lahat ng mga taong kilala ko, si Ate ang pinakamabait! Lahat ng sikreto ko alam niya, at tinutulungan pa ako. Ganun din si Kuya, mabait sa akin, ideal brother and sister ko sila.

"Mie, ate mo?" sabi ni tita.

"Wala po , nagbasketball po eh," sagot ko.

Sa bahay ng tita namin kami nakatira, si Mama kasi nasa ibang bansa at si Papa, well, hindi pa namin siya nakikita. Basta complicated life namin.  

"Pwede favor, bili ka muna ng asukal, kape tsaka gatas tapos kahit anong manguya!" biro ng tita ko. Tumawa nalang ako, grabe , palabiro talaga si Tita.

"Sige po," sabi ko tsaka tinurn-chat ko muna ung facebook account ko.

Lumabas na ako ng bahay, medyo malayo din ang tindahan sa lugar namin. Hindi kami mayaman, sakto lang, simple lang ang buhay, masaya na ako sa ganito.

Pero paano ko kaya gagawing girl si Ate? First of all, kailangan niyang mainlove diba? Wahhh!!  Sino ba pwede dyan?? Kailangan gwapo kayo matalino at mabait!

Pagkatapos kong bumili, pumunta ako sa basketball court. Hinahanap ko si Ate. Ayun! Nandun siya! Pero siya lang mag-isa doon. Bakit kaya wala siyang kasama? Solong-solo niya ang court. Teka, may lalakeng lumapit!

Nakakainis naman, ang labo na ng mata ko, sino ung lalake? Hmp! Gusto kong lumapit pero baka ma-ispoil ko love story ni Ate! Pero good thing naririnig ko sila!

"Miss, laro tayo, pwede po ba," sabi nung boy.

"Sige ba," astig na sagot ni Ate. Hmp! Magpagirl ka naman! Magpacute, ung ganun!

"Half-court lang ha, saglit lang kasi ako eh," sabi nung boy.

"Okay," tipid na sagot ni Ate.

"Shoot ka muna," sabi nung boy, wow gentleman! Bait ni boy ah. Nag-shoot lang si Ate Jamie. Nasa free-throw siya. Dinidribble niya muna at nagshoot at...

Her Boyish ActsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora