#16 Jamie~Cars

303 11 3
                                    

Oh, what a shame, what a rainy ending given to a perfect day~

                            -Taylor Swift

It's raining again. Dear God, I know You did this for a purpose but I just can't help but feel guilt. Still, I'm thanking You for everything.

Hay, isipin mo nalang James na para ito sa mga flowers at mga puno.

"Nga pala James, sasali ka ba sa Talent Show? Sa Friday na yun ah," tanong ni Ryder. Katabi niya ngayon si Sir Light. Kakausapin ko ba? Work hours ko eh. Baka isumbong ako ni Sir Light sa father niya. Mabawasan pa sahod ko.

"Oo nga Jamie baka manalo ka," sabi ni Sir Light. Whew! Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para magsalita, hehe. At bakit parang walang nangyari kay Sir Light? He looks normal kahit heartbroken siya at tumingin siya kay Miss Aliana. At doon ko nakita na malungkot nga siya.

"Di ko nga po alam kung ano po yung talent ko," sabi ko para naman madistract si Sir Light sa kabiguan niya.

"Hmm, Volleyball?"sabi ni Sir Light.

"Basketball?" sabi ni Ryder.

"Basketball? Jamie?" sabi ni Sir Light. "Teka, oo nga! Ikaw pala yung ace ni Francis! Nagiging makakalimutin na ako. Ikaw pala yun! Oy, kayo ah, di niyo naman sinabi na may 'something' kayo."

"Huh?" sabi ko. Something? Kami ni Ryder. Napatingin ako kay Ryder. 

"Anong pinagsasabi mo Light? Bestfriend ko nga lang si James, unli" sabi ni Ryder na namumula sa galit.

"Eh bat ka namumula? Geez, magsisinungaling ka nalang halata pa!" sabi ni Sir Light.

"Huh? Pero bestfriend ko lang po talaga siya," explain ko.

"Wag kang maingay Jamie! Nasasaktan si Francis!" malakas na bulong ni Sir Light.

"Hindi ako nasasaktan!" sabi ni Ryder.

"Kwento mo sa pagong!" sabi ni Sir Light.

"Bakit? May pagong ba dito?"

"Maghanap ka!"

At yun di na yata nila napansin na nakaalis na ako. Well, back to work.

"Bakit ako maghahanap?"

"So ako yung maghahanap?"

~~

Natapos narin ang trabaho ko. At wala naring ulan. Pero di na ako aasa bukas. Baka kasi umulan na naman.

Ako pala naka-assign na magligpit at mag-lock ng cafe, may inattend na meeting kasi yung manager namin. At mukhang nakaalis narin ata si Ryder. Well, gabi narin kasi. Nag-earphones nalang ulit ako. Nakashuffle na to, para walang abala.

Wow, Mordred's Lullaby! Magandang song to, pang-dark fantasy like. Gee, nagiging girly na ata talaga ako. Dark fantasy siya kaya maganda. Pinarinig kasi sakin to ni Mitchie kagabi tapos na LSS na ako.

~Hush, child, darkness will rise from the deep,

and carry you down into sleep, child.

Darkness will rise from the deep,

and carry you down into sleep. ~

Well wala namang makakarinig ng boses ipis ko dito eh, solo ko itu guyths. 

~~~

Ang ganda talaga nung kantang yun! Lumalawak na naman imagination ko! And wow, natapos ko rin gawain ko dito.

Anong kaya yung susunod na kanta? Rock eh, ah Elmer by Gloc-9, well patapos narin naman na ako at ilalock ko na din naman yung cafe, so no need for music for now. Mahigit, 1 minute nga lang ng Mordred's Lullaby yung nakanta ko, nag-ayos lang naman kasi ako ng mga tables and chairs. And maglalock na ako ng cafe.

Her Boyish ActsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu