#5 Jamie~ Operation: B.A.G

508 16 3
                                    

~~~~Jamie

"Mitchie! Walang mangyayari kung gugulong-gulong ka lang diyan sa kwarto mo! Dali na malelate na tayo!" sabi ko. Paano ba naman kasi , kagabi pa KINIKILIG. Bumaba na siya at umupo sa lamesa at nagdasal at kumain, at ang itsura ng lola? Abot TENGA ang ngiti! 

Nakuniform na ako, tapos siya? Kagigising palang -_-

"Ate ate, nagbasketball ka ba kagabi? =v=" tanong niya bigla. 

"Hindi, my part time job ako diba? Tapos may exam pa mamaya, ano ako hello? Hahayaan ko bang bumaba grades ko?" sabi ko.

"Aw... :( sayang," 

"Bakit sayang?"

"Hehe, wala lang. =v=" 

"Nako ito talaga, eh kumusta naman exam mo kahapon?" 

"Ayos lang, hehe don't worry ate, inspired naman ako,"

"Inspired? Sus, ikaw, ingat-ingatan mo rin pagdadaldal mo ha, you'll never know, baka naturn-off na yun sayo!" 

Bigla namang lumaki yung mata niya.  And note, nakanganga.

"Ate! Di ko kasi mapigilan itong mouth ko! Sadyang madaldal lang talaga ako! Ate, wag ka namang manakot, amf!" 

"Hmp, bahala ka, mauuna na muna ako, mas makakapagreview ako sa school! Ikaw magreview ka din! Mas madaling magsink-in ang mga lectures kapag nagrereview ng madaling araw," sabi ko. Oi, tip na yun ha, totoo kaya yun.

"Okay po, ingat po sa pagpunta sa school!" sabi niya. 

"Bye!" 

Naglakad-lakad ako. 1s 2s 2p 3s 3p 4s 3d 4p 5s 4d.... uhmm...  5p 6s 4f 5d 6p 7s 5f 6d. Tama ba? Hay. Tama naman. Ano pa ba yun? Ahh... yung mga Kingdoms pa pala. 

"James!" 

Kingdom Plantae, Kingdom Animalia, Kingdom Fungi. Ano pa ba yung isa? Ah! Kingdom Protista!

"James!"

Hindi, may dalawa pa eh. Ah! Archaea at Bacteria! Tama, tama. Tandaan mo na yung dalawa Jamie ha? Then out of nowhere-

"Aray!! Putspa! " napasigaw ako. Paano ba naman kasi, may bumato sa akin ng isang lata, ay hindi, Yakult pala. YAKULT??!!! Lumingon ako sa pinanggalingan. There HE is. Pinulot ko kaagad yung YAKULT at binato uli sa kanya. Maduga nga eh, nailagan niya!!!! 

"Problema mo?!" sabi ko.

"Problema ko? Di ako pinapansin ng taong kanina ko pa tinatawag hahaha! xD Tara sakay na!" sabi ni Ryder. Oo si Ryder, grabe kung maka bato no? Yakult pa! Susyal!! Nasa likod niya ay ang isang magarang kotse. *.* Takte, ang cool ng kotse!

"Sakay na," sabi niya. Tinitigan ko lang siya. For real?! Sasakay ako sa kotse?

"Di kita kinikidnap, ihahatid lang kita! Hahaha!!" tawa niya. Mahilig talagang tumawa tong lalakeng to. Nakatitig parin ako sa kanya, Hm.. magpagkakatiwalaan ko naman siya eh. Pumasok na ako sa kotse. Wow.. ang.. O.O

Ang linis, at mabango at malinis! At may DRIVER!! Ok, ako na ignorante. 

"Uhmm.. thanks ha," sabi ko. 

 "Hehe I just want to talk to you right away, yung tungkol sa kahapon,"  sabi niya. Kahapon? Ah!!

"Di nga! Tutulungan mo talaga ako?!" 

"Oo nga! Unlimited?!"

"Salamat dude!" sabi ko. 

"Tsk, ito o, may hinanda ako mga steps! Pero secret muna yung ibang mga steps hehe! This is Operation: B.A.G (Be A Girl) "

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now