#22 Axel~ You Give A Gentleman A Life

184 6 4
                                    

~~~~Axel

Whoo! Finally done, nakakakaba sobra! Ang galing ni Mitchie kanina, ilang eyes to eyes yun! Next contestant naman ngayon ang nasa stage. Ang Contestant #3 naman Tango, pero magaling din. Honestly, lahat magaling- uhm, kayo nalang mag-judge nung Contestant #1 hehe. Lumingon ako kay Francis at Ate Jamie, binigyan nila ako ng thumbs-up. Lumingon ako kay Mitchie.

"Uy! Mitchie, okay ka lang?" tanong ko. Paano ba naman kasi, niyayakap na niya yung tuhod niya.

"Nakakahiya..."

"Huh?"

"Yung kanina," sabi niya.

"Huh? Bakit?"

"Muntik na kong madapa!" sigaw niya. "Nahalata mo ba? Argh!"

"Di nga, wala naman akong napansin-"

"Wehh... =3="

"Oo nga promise!"

"Okay, haha," sabi niya. "Fine, move on na ko."

"Bilis ah," sabi ko.

"Hehe, peace, wahh, ang galing nung nagtatango!" sabi niya at nanood na kami. Magaling nga talaga.

Yung next contestant, nagbeatbox yung lalake, at yung babae naman yung nagrap. Cool yung babae, pero mas cool parin si Ate Jamie. Nga pala ano kaya yung magiging talent nila ni Francis?

"Kuya Axel! Sila na ni Bakla at ni Panget!! Yung mga BFFs ko!" sabi ni Mitchie. Tumingin ako dun sa stage. Isang underwater-sea-theme ang nakahanda sa stage.

"Ako'y isang sirena~" kanta nung bakla.

Geez! Kahit bakla siya maganda boses niya. At meron siyang partner na naka-mask. Naka-mask? Maganda ang production number nila. At marunong ding magrap ung nakamaskara. Pero bakit nakamask?

"Bakit nakamask yung isa?" tanong ko kay Mitchie.

"Hmm, panget daw kasi siya, pero promise maganda siya! Medyo chubby lang naman siya eh. Siya lang nagsasabi nun, pero pinanindigan niya lalo ngayon eh, pero ang galing niyang sumayaw no? Silang dalawa ang nagko-choreo ng mga trip naming sayaw," sabi ni Mitchie. At tumingin ako sa dalawang nasa stage. Hataw ang performance, at yung aura nila, nakacapture yung audience. At bigla silang nagchange ng song.

"Because you know, I'm all about that bass~"

Kanta nung Panget pero nakamask lang din siya. Magaling talaga silang sumayaw. Siguro mananalo na sila. Kung baga, 'kinabog!' BOOM!

"Well that was full of energy for Contestant #5, ayan nahihirapan na ang mga judges, okay next up i Contestant #6!" sigaw ng MC.

"WOOHHH!!! BESTFRIEND NAMIN YAN!!" sigaw nila Sean at iba pa.

Nakakatuwa, present pala silang lahat, maski si Ryoma. Nakita kong may hawak na electric guitar si Francis, at si James naman, nasa drums. Wait, drums??

"Magdadrums si Ate?" tanong ni Mitchie.

"Akala ko alam mo," sabi ko.

"Ang akala ko, kakanta din sila,"

"Nakakagulat to ah, panoorin nalang natin," sabi ko.

"Oo tama," sabi ni Mitchie. "GO ATE!!!"

Pinanood namin habang nagkacount si Ate Jamie gamit ang stick niya, ng 1.. 2.. 3-

"Shot through the heart! And you're to blame,"

Bon Jovi?

"Darling you give love a bad name..." kanta ni Francis. Nang biglang nagbeat si Ate Jamie ng-

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now