#25 Ryder~ Resiliency

140 5 5
                                    

~Ryder

Inaalala ko yung mga kanina.

Pagpunta ko sa school, pilit na umaarteng boyish si James. At may sinasabi siya tungkol sa 'X' daw niya. Natatakot daw siya sa kanya. At bago naman magsimula yung contest, sinabihan ako ni Mitchie na pasayahin ko daw ang Ate niya. Parehas silang mukhang problemado. Tapos nagkagulo pa nung naglipsync si Yriel, nadamay pa nga si James nun. Nanalo nga kami as 1st runner up pero nagkagulo nung nagkita sila ni Kuya Will.

Come to think of it, what's her problem with Will?

"Oy, bunso," sabi ni Kuya at pumasok na sa kwarto ko, "Matutulog ka na nga lang, dilat pa mata mo."

"Di ako makatulog eh, ikaw nga di pa tulog!" banat ko.

"What's in your head?" sabi niya at medyo seryoso. Tinignan ko siya at napabuntong-hininga na lang ako.

"My friend James," simula ko, "After all she's been to, she's still strong. Ang dami-dami kayang problema nun."

"Ah, yung Jamie," sabi ni Kuya, "Pero sigurado ka bang friends lang talaga ang tingin mo?"

"Oo naman"sabi ko pero nagtaas lang siya ng kilay, " Yang mukha mo Kuya, itigil mo nga yan! Matutulog na ko."

"Haha, magkapatid talaga tayo," sabi niya sabay bato ng unan sakin. "Matulog ka na't panaginipan mo siya!"

Tumayo siya para umalis pero bigla akong may naalala. Hindi ko tuloy nabato yung unan sa kanya.

"Ay, Kuya, kilala mo ba kung sino nagbayad ng bills nila James?" tanong ko.

"Hindi," sagot niya.

"Eh si Kuya Will nasan nun?" tanong ko. Tumingala siya para mag-isip.

"Nawala bigla eh, di ko na nga rin matawagan," sabi niya. "Alis na ko. Matutulog na rin ako."

At umalis na siya.

Pero gusto kong malaman kung ano connection ni James kay Kuya Will. Hindi naman daw ex-boyfriend. Eh ano? Hindi kaya muntik ng maging sila noon pero ayun iniwan siya in a traumatic matter?

Kung titingnan din, they do look perfect for each other. Parehas brown hair, brown eyes. Gwapo, cute. Matangkad si Kuya Will.. They're both smart. The perfect two.

No, wait! Hindi siya pwede kay James! Sa pagkakaalam ko, sinaktan niya si James noon kaya nagkaganun si James. Di rin naman sila bagay.

Pero wait, kung iniwan ni Kuya Will si James bakit niya sinabi na, 'Ang tagal kitang hinanap' ? Hindi kaya, si James yung nang-iwan? Pero sabi rin sakin ni James na gusto niya mainlove kasi di pa niya nararanasan. Edi hindi rin love-something.

Or maybe, one-sided love! Si Kuya Will lang ang may gusto kay James! Pero bakit nagkaganun si James?

~

"Hala, Francis," sabi ni DeO habang may pinapakain sa loob ng bag niya, "Ang tindi naman ng eyebags mo."

Nasa canteen kaming magbabarkada. Monday na at ang kulang lang samin si Kaile at Brandon.

"Atleast hindi katulad ng eyebags ni Taizo no!" sabi ko sabay kain ng ulam ko.


~~

"Achoo!" Taizo sneezed. "Siguro may nag-iisip na naman tungkol sakin. Siguro may secret admirer na talaga ako."

"Secret admirer?" sabi ni Kris. "Sino namang malas na babae yun?"

~~


"Taizo?" tanong si Kai. Nakalimutan ko palang hindi pa nila kilala yung mga kateammates namin ni Axel.

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now