#2 Jamie~At School

720 24 2
                                    

Ryder=Suho

Axel=Chanyeol ^-^

~~~~Jamie~~~~

Nasa school na ako ngayon. Test namin ngayon. Di ako pwedeng bumagsak, scholar kasi ako ng academy na ito, Princeville Academy. Mga mayayaman ang mga estudyante, yung iba scholars. Nirecheck ko kagad ung test papers ko. Hmm.. okay naman, sana mataas makuha ko.

"Mam, tapos na po ako, pwede na po akong umalis diba?" sabi ko habang dala dala bag at libro ko.

"HUH??!! TAPOS KA NA?!!" sigaw ng mga classmates ko.

"O-oo b-bakit?" sabi ko. At lahat lang sila nakatulala sa akin. Umalis nalang ako, ang awkward kasi. 

Nirerefresh ko lang naman utak ko after ng isang madugong test ng Math, MAPEH at Computer. Naglakad ako sa hallway, may nakita akong mga tambay. Cutting classes to ah.

"Pre, tignan mo chicks oh," sabi nila. Hay.. 

"Kaso, lalake yan eh," sabi ng isa.  

Siyempre, alam kong ako ung pinag-uusapan nila no. Dirediretso lang ako ng lakad, sana di nila ako pagtripan, mga bwisit. 

"Teka lang, Miss," sabi nila. I-SEEN mo lang sila. Kaya mo yan. Pero hinawakan nila yung kamay ko eh. 

"Ano bang problema niyo?!" sabi ko,

"Aba, palaban, sayang cute ka pa naman, tibo lang!" sabi nila at nagtawanan. Naiinis ako, nilalait na naman nila ako. 

"Gusto mo bang halikan kita para maging girl ka ulit?" sabi ng isa. Napatingin nalang ako ng masama sa kanila. Gusto ko silang suntukin pero ayaw ko. Baka mawala scholarship ko. Naiinis talaga ako. Naiinis din ako sa sarili ko! Bakit ba kasi naging ganyan ka? Bakit ka pa ba kasi naging boyish?! Ugh! 

"Hoy, anong ginagawa niyo?" sabi ng isang boses. Nabitawan naman ako nung mga tambay. 

"Takte si Francis!" sabi ng isa. At nagtakbuhan sila. Ryder? 

"Francis?" napalingon ako. Nakasuot siya ng isang varsity jacket, na may number 7 at name na "Suho" (weird) atmay hawak na bola ng basketball at nakabackpack siya. 

"Jamie okay ka lang ba?" sabi niya. 

"Uhmm.. oo naman!" sabi ko at nilakasan ko loob ko. 

"Tsk, pabayaan mo nalang sila," sabi ni Ryder at inakbayan ako. "Mga gunggong lang yung mga yun!" 

"That's not cool," sabi ko at inalis ung akbay niya sa akin pero binalik parin niya. Tinitigan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya na parang bata, napangiti na lang ako. Pero naalala ko na naman ung mga pintas nila sa akin. 

"Sabi ko, kalimutan mo na sila!" sabi ni Ryder at pinisil pisngi ko. What the?

"I told that's not cool!" sabi ko. 

"Ang cute mo kasi!" 

"Anong cute? Gwapo ako! Gwapo, i repeat , gwapo!" sabi ko.

"Hahahaha!!! Cute mo talaga!" 

"Huh?!!" sigaw ko. May sira ba tong lalakeng to sa ulo.

"Halika dun tayo sa canteen, kain tayo, libre ko! " sabi niya at kinaladkad ako papuntang canteen. Geez, what a guy. Pumunta na kami sa canteen at bumili na siya ng pagkain. Sabi ko wag na niya akong ilibre pero di rin niya sinunod. Grabe, Chicken with rice libre niya sa akin?! 

"Pray muna tayo," sabi ko habang nakaupo. Nagdasal nalang ako at pagkatapos sinabi ko,"Itadakimasu." 

Tinitigan ko si Ryder, nagdadasal parin siya. Religious din pala. Pagkatapos niyang magdasal kumain na siya. Kinain na niya ung chicken. Tinitigan ko ung plato ko. Chicken with rice. Siguro mayaman siya. Nanlibre ng lunch. Siguro maginhawa buhay niya. 

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now