#27 Axel~ Changing Minds

132 3 8
                                    

~~

Sorry kung may mistakes pero ang apelyido po talaga ni Francis ay Roquiza, asin as in Francis Ryder Roquiza.

~~~~Axel Nyx


Feeling artista kami kanina ni Francis sa classroom! Siguro ganun talaga pagnanalo no? Hehe, di ko kasi naranasan kasi nga diba, ayaw ko sa mga contest noon. Dahil kay Mitchie nakaexperience ako ng tagumpay!! Atleast first win ko kasama ko crush ko. Bwahahah! Thank you talaga Mitchie!! Sayang nga lang at hindi nakapunta parents ko pero pinakita ko naman video ko sa kanila eh. Hehe, proud na proud nga sila eh. Syempre, bilib din sila sa crush ko!

"Mori, bakit ka nakangiti?" sabi ng coach. Training namin ngayon sa gym at nagche-chestpass kami. Wala pa nga si Francis eh. Tinawanan tuloy ng mga kateammates namin. Nakakapagtaka lang ngayon, pito nalang kami. Wala yung mga 1st years at mga 2nd years.

"Sorry po Coach," sabi ko. Nakangiti pala ako. Hay, FOCUS!

"Di po makaget-over sa pagkapanalo," sabi ni Taizo. At nagtawanan lahat.

"Congrats pala," sabi ni Coach at tinapik yung balikat ko.

"Thanks po," sabi ko.

"Girlfriend mo ba yun?" tanong ni Coach. "Bagay kayo ah."

"Hindi po!" defend ko. Oo alam kong crush na crush ko si Mitchie (ewan ko lang, malay niyo LOVE na), pero di ko pa siya girlfriend no!

"Gusto mo din," asar ni Coach.

"In the near future pa daw po kasi," sabi ni Kris habang tuloy tuloy parin yung pagche-chestpass namin.

"Hoy, pinaghirapan ko yung pag-edit nung instrumental niyo," sabi ni Lance. "Dapat may share ako dun sa award."

"Grabe ka naman, mayaman ka naman na ah," sabi ni Xavier. "Ay, masarap ba yung cookies?"

"Oo masarap, wala pang 3 minutes ubos na," sabi ko. Trust me, para kaming asong gutom kanina sa classroom. Muntik na nga kaming mahuli nung teacher.

"Teka, wag niyong ibahin yung usapan!" sabi ni Ched, "Eh, alam ba niya na crush mo siya?"

"Hindi," sabi ko.

"Huh? Di ka pa umamin?" sabi ni Xavier.

"Di naman kasi ganun kadali ang pag-amin no," sabi ni Light. Yes! May kakampi ako!

"Oo nga," sabi ko at nginitian si Light at napa-iling nalang siya.

"Hindi," sabi ni Xavier. "Akala ko kasi MU kayo, yung Mutual Understanding."

"Wala,' sabi ko. "Swerte ko naman kung crush din niya ako no."

"Malay mo," sabi ni Kris, "Gusto ka rin pala."

"Oo nga,' sabi nilang lahat pati si Coach at yung kaisa-isa kong kakamping si Light. Nasan na ba kasi si Francis?! Dapat siya din eh! Dapat siya din ang inaasar dito!

"Pero si Roquiza nanalo rin diba?" sabi ni Coach. "Bakit pala wala pa siya hanggang ngayon?"

"Baka po nalate lang," sabi ko, "May balak rin po siyang umalis ng team."

"What?"

"Huh?"

"Ano?"

"Back-out?"

"Bakit?"

"Sayang!"

Halo-halo yung mga expressions nila at natigil ang pagchechest pass namin.

Her Boyish ActsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum