#29 Ryder~ Pictures

109 2 2
                                    


~~~~Ryder

"Nga pala, Yriel," sabi ko, "Wag kang ma-offend ha."

"What is it?" sabi niya. Medyo lutang siya ngayon which is new. Currently, she's walking with me and my bike. Akward kaya. Just imagine, kasama mo yung ex mo na may mahapding history.

"Bakit ka naglipsync?" sabi ko. "At bakit ganung kanta ang kinanta mo?"

"Is it bad to sing pop-songs?" she said, raising an eyebrow.

"Anong nangyare sa classical musics? Kaya ka nga pumunta sa England diba? To enhance your voice para maging isang classical singer," sabi ko. It's the truth. Kung narinig niyo lang ang dati niyang boses. Sobrang ganda, parang anghel. Kaya ko nga siya niligawan diba?

"But Classical songs are boring," sabi niya, "No one likes classical songs anymore. It's garbage."

"Who says?"

"People."

"And you're still not done impressing them?" sabi ko at hindi na siya nagsalita. Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit ba kasi siya nagbago?

"Why do you care?" she whispered. Di ko na siya maintindihan. Babalik pa ba siya sa dati?

"Nga pala," sabi ko, trying to bring up the real topic. "Ano yung gusto mong pag-usapan, Yriel?"

Tumigil siya saglit at tumingin sakin.

"France, alam kong may gusto ka kay Jamie," sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kailangan ba 'straight-to-the-point'? Walang liko-liko? Ano isasagot ko?

"Wala naman na akong pag-asa kasi pinaasa kita diba? Kaya tanggap ko," sabi niya at diretsong nakatingin sa mata ko. Seryoso na nga siya. Sanay na akong English speaking siya mula nung bumalik siya galing England but a mother's tongue? This is new.

"Pero France, mangako ka," sabi niya at seryoso na talaga siya. Di ko na nga alam kung anong sasabihin ko eh. Magsasalita pa ba ako?

"Mangako ka na hindi mo sasaktan si Jamie," sabi niya.

Napatulala ako. Bakit bigla siyang naging concern kay Jamie? Hindi ko magets. Anong meron? Si Yriel pa ba to? As far as I remember, bully siya ng buhay ni James. Anong nangyare?

"Mangako ka!" galit niyang sigaw.

"Promise!" napasigaw na rin ako sa gulat.

"Nadala na ako France, ayaw ko ng dagdagan ang problema niya. Sumasama lang yung loob ko sa kanya kasi napapasaya ka niya. Parang kinalimutan mo na naging girlfriend mo ko pero kasalanan ko naman diba?" sabi niya. "Kung hindi lang sana ako naging isang social climber at kung hindi lang sana ako naglandi, edi sana tayo pa."

"But I considered it as a blessing in disguise," sabi niya at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse niya sa may kanto. Hindi pa rin nagfu-function ang utak ko. Parang ang bilis ng pangyayari at hindi ko maintindihan. Ano ba ang koneksyon ni Yriel kay James?

"By the way," sabi niya. "There's a contest at my father's karaoke bar. I want you to join for her. The prize is cash. They need it."

Pumasok na siya sa kotse na niya at sinabihan ang driver na uuwi na siya.

Nagbike ako pauwi pero wala parin ako sa sarili ko. Ang daming tanong na hindi mabigyan ng sagot. It all started when Kuya Will showed up. Ano bang meron sa kanya?

Mission OldSun

Tama! Kabarkada naman siya ni Kuya diba? Ako ang bahala sa intel ng mission na ito. Agad kong hinanap si Kuya sa bahay nang makauwi ako. Ngayon lang ako nabadtrip dahil sa laki ng bahay namin. Paano ko siya hahanapin?

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now