#28 Mitchie~ Alibis

144 3 10
                                    

~~~~Mitchie

Family problem...

Kelan ba to matatapos?! Nababagot na ako pero most importantly ay si Ate. Hindi ko mabring-up yung contest kasi malay niyo, magbreak-down na naman siya, diba? Sakin na nga lang binigay ni Kuya Ryder yung kalahati nung prize ni Ate. Mukha rin siyang nabahala nun. Ang dami kong gustong malaman! Sino ba kasi si Will? Bakit ganun yung reaction ni Ate?

Pero gusto kong mapasaya si Ate. Ang dami na niyang pinapasan na problema. Buti nalang nandyan si Kuya Ryder. Pero how could I make her happy while investigating OldSun?

"Kerrybells mo lahat ng problem mo Ganda," sabi ni Bakla, "Donchaworry, tutulungan ka namin ni Panget as much as possible."

"Oo nga,"sabi ni Panget, "Tsaka kami na ni Bakla ang bahala sa ibang objectives ng mission niyo. At kung kailangang mag-acting, kerry namin yan!"

"Salamat talaga ha," sabi ko at nagbeso-beso na kami at nagpaalam na sila.

Naiwan ako sa guardhouse ng school. Eh kung, pumunta kaya ako sa gym? O di kaya tumulong nalang ako sa cafe ng school or sa canteen?

Eh kung unuwi nalang ako at mag-aral? At tumulong sa bahay?

Busy si Ate sa Volleyball, Cafe, school, edi ako nalang magliligpit ng bahay para pagumuwi si Ate, para maaliwalas yung paningin niya. At ako ang magluluto! Tama, at uuwi narin ako.

Paglabas ko ng gate, biglang may black na van ang tumigil.

Kidnapper!!

Kumaripas ako ng takbo pabalik ng school. Ayaw ko pang mamatay! At pano kung ransom money ang hanap nila? Trust me wala kami nun!

"Hey! Jamie Junior!" sabi niya. Hala, she sounds familiar. Lumingon ako pero malabo yung mata ko, (remember?).

Bumaba siya sa van at naalala ko siya.

Siya yung nanigaw sa Ate ko nung naglipsync siya last week diba?

As far as I know, she's the La Fortesa right?

"I'm sure you know me," sabi niya.

Yeah, she's Ariel, or something. Oo siya yung babaeng nambubully kay Ate!

"Uh, hello po," sabi ko.

"Why are you still here?" sabi niya sakin at nakatingin talaga siya.

"May hinabol lang pong seatwork," sabi ko, "Eh kayo po?"

"How is your sister?" sabi niya. Change topic? At bakit tinatanong niya iyon? Magsosorry ba siya?

"Okay lang naman po siya," sabi ko. "Bat niyo po natanong?"

Sasagot na sana siya ng biglang may nagsalita.

"Ah Yriel, akala ko umalis ka na. Teka bat nandito ka pa Mitchie?" sabi nung lalake. Si Kuya Kaile siya as far as I can remember.

"May inayos lang po, sige po una na po ako," sabi ko. Well mukha rin naman meron silang pag-uusapan, di na ako eepal. Baka sabihing chismosa ako.

"Sige, ingat ka na lang," sabi ni Kuya Kaile.

"Sige po," sabi ko at naglakad na. Nag-iisip ako kung ano lulutuin ko. Eh kung, Adobong Kangkong kaya. Miss ko na yun.

"Wait!" sigaw ni Ate Ariel. Lumingon ako at nakita kong lumapit siya. Mukha namang nagtataka na gulat si Kuya Kaile.

"My father is holding a contest at his bar and the winner will have a decent prize. Think about it Jamie Junior," sabi niya sabay bigay ng isang papel. Isa itong flier ng isang contest sa isang karaoke bar.

Her Boyish ActsOn viuen les histories. Descobreix ara