#30 Jamie~ Yriel

70 1 2
                                    

~~~~Jamie

"Ang sarap naman ng niluto mo Mie," sabi ko kay Mitchie.

"Salamat Ate," sabi ni Mitchie sabay kain.

Tahimik kaming kumakain and as usual, wala si Tita kasi may trabaho. Napapaisip lang ako kung bakit napadaan si Yriel dito.

"Mie, bakit pala pumunta dito si Yriel?" sabi ko. Bigla namang nabulunan si Mitchie. Lagi nalang may nabubulunan.

"Ano kasi Ate,"sabi niya. "Gusto sana niyang sumali tayo sa contest ng papa niya. Teka kukunin ko lang yung flier."

Tumayo siya at kinuha yung flier at ibinigay sakin. Magaganap daw yung contest na to sa Sunday. Gusto ko sanang sumali pero busy eh. Part time, Sports, Scholarship. At Sunday lang yung araw ng pahinga ko.

"Sunday kagad? Bakit ba puro kantahan ngayong buwan?" sabi ko.

"Hmm...October Fest?" sagot ni Mitchie sabay tawa.

Biglang nag-ring yung phone ni Mitchie. At sinagot niya kagad.

"Hello," sabi niya. She smiled and she mouthed the name, "Axel"

Natawa nalang ako kasi parang kinikilig si Mitchie. Axel pa more.

"Pero pano po kami? May hati rin naman po kami dun ah"

"Pero nakakahiya po"

"Sige papaalam ko lang po"

"Ah sige po sasabihin ko po, salamat po," sabi ni Mitchie.

"Bye po,"sabi niya. "Bye."

"Bye."

"Bye"

Nakailang bye sila bago nagbabaan. Ano meron. Tapos abot tenga ngiti ni Mitchie.

"Ate, ate! Iniinvite tayo ni Kuya Axel at ni Kuya Ryder sa karaoke bar nila Ate Ariel, libre daw nila kasi nanalo daw tayo," sabi ko.

"Huh? E diba pinaghatian natin yun? Nakakahiya naman kung sila lang magbabayad?"

"Yun nga po sabi ko eh, pero sabi nila, wag na daw, pag nagbayad daw tayo, dapat daw nating bilhin yung buong bar. Kaya nga daw libre nila eh," sabi ni Mitchie. Grabe, buong bar?

"Kelan ba?" sabi ko.

"Sa Sunday!"

"Wow, parang nananadya yung araw ah, Sunday talaga?" sabi ko. Sunday yung contest, Sunday yung libre, Sunday yung rest.

"Yun po sabi eh," sabi ni Mitchie. Nanahimik ako, yun lang kasi yung araw ng pahinga ko. Igigive up ko pa ba si Rest Time?

Di bale, kailangan din namin ng Sisters' Fun Day. Yun yung bonding time namin dati nung mga bata pa kami. Ang tagal na nung huli naming bonding. Dahil kasi kay Papa at sa bwisit na ex ni Mama eh. Iniwan na nga siya at niloko ni Papa, maghahanap pa siya ng sakit sa ulo. Buti na nga lang at naghiwalay sila.

"Sige na nga, parang Sister's Fun Day, ganern?" sabi ko.

"Wahh! Oo Ate! Miss ko na yun! Ang tagal na nating di nagagawa yun!" sabi niya at parang kumikislap yung mata niya. Yung napalitan ng stars yung mata niya.

Yep, she's happy. At feeling ko kailangan ko na ng pahinga from all of the stressful things I have in this world. At kung masaya si Mitchie, masaya narin ako. Tsaka nandun din naman si Ryder eh, what could possibly go wrong?

~~~~

"Hindi! Ayoko!" sigaw ko.

"Sige na please, for fun lang naman!" sabi ni Ryder.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now