#3 Axel(Chanyeol)~Pinky Promise

645 23 1
                                    


Chanyeol as Axel (naiimagine ko na xD)

~~~~Axel

"It's nice too meet you po! Alexander Richard Mori po," sabi ko at inabot ang kamay ko sa ate ni Mitchie. Inabot niya naman at sinabing "It's nice to meet you too."

"Uhmm.. sige po, babalik lang po ako sa gym," sabi ko. Yes! Magkakilala na kami ng ate ni Mitchie! Whoop! Whoop! Yehet! Tumakbo na ako papuntang gym dala dala bag ko. Nakavarsity din ako tulad ni Ryder. Trip lang namin hehe xD.

Sa sobra kong tuwa dahil nakita ko na at nakilala ung ate ni Mitchie, muntik na akong madapa! Bwisit! Natisod yata ako. Lumingon ako para tignan kung anong pesteng bagay ang nagpadapa sa akin! Sa lahat ng-

Hindi pala pesteng bagay, isang magandang nilalang...

"Mitchie?" sabi ko. Nakapikit siya na parang nagtatago. Hawak hawak ang kanyang cellphone. Nasa likod siya ng trash can at nagtatago na parang isang kuting. Ang...

Ang...

Ang..

Ang CUTE niya!!!!

Bigla siyang napamulat at tumingin sa akin. Halatang nagulat siya.

"A-axel?" sabi niya at biglang tumayo. "U-uhmm hehe ^^7."

"Bat ka nandyan?" tanong ko. Napatulala siya sa akin.

"La lang, uhmm trip ko po hehehe ^^7," sabi niya na parang may tinatago. Napangiti ako, ang cute cute niya kasi eh. Naiinis ako, gusto kong pisilin yung pisngi niya! Buti pa si Ryder, dahil kuya-kuyahan ni Mitchie, napipisil nun ung pisngi niya! ToT/

"Wala ka bang klase?" tanong ko.

"Tapos ko na po kasi exams ko kaya po napaaga po ako ng uwi," sabi niya na nakangiti.

"Ahh, kami kasi napaaga exams kasi may laban kami ng basketball, sa ngayon, day-off namin, kaya after ng klase, uwian na namin," sabi ko. Actually dapat pupunta pa ako sa gym para mag self-practice pero nakita ko kasi si Mitchie eh. Parang chance ko na to para makausap siya!

"Ganun po ba, hehe, uhmm-"

"Tara sa canteen!" alok ko sa kanya at hinawakan ko kamay niya. Shiitake, kinikilig ako! Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, disrespectful I know, pero, argh! I just want to know her more? Nagulat siya sa ginawa ko at... Sheeeet. Nagblush siya!!! ><

"Ano gusto mong lunch?" tanong ko. Yes! That's a good MOVE! Nice step forward, rapper!

"P-po? Lunch? Hehe wag na po," sabi niya. wahh!!! Ang cute niya talaga!

"De, ayos lang, ano gusto mo? Fried Chicken o Menudo? Baka naman gusto mo ng Burger Steak?" tanong ko. Makulit ba ako?

"Uhmm, Sky flakes nalang po at tubig... hehehe" sabi niya habang nagblublush. Argh! Putik, ang cute.

"Haha, nahiya ka pa, okay lang sige kung ayaw mo ako nalang mamimili!" kulit ko sa kanya.

"Y-yung Menudo nalang po, hehe para po mura," sabi niya.

"Ok, ate dalawa pong Menudo tsaka juice narin po dalawa," sabi ko sa tindera. Pagkatapos nung tindera magserve, pumunta na kami sa mga tables. Doon kami sa may bandang harapan, nilapag ko na ung pagkain at umupo narin ako. Umupo narin siya pero tumitingin-tingin siya sa palagid. Weird but ...cute =3= .

"Pray po tayo," sabi niya. Takte, ang religious niya. Lalo akong naiinlove! >< Nakakahiya naman di ako religious!

"Ikaw mag-lead ng prayer," sabi ko bilang palusot.

"Ah.. sige po,

Bless us oh Lord, and these gifts, which we are about to receive from thy bounty, through Christ, our Lord, Amen." dasal niya kaya nagdasal nalang din ako. Kakain na sana ako after ng prayer ng biglang..

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now