#26 Jamie~ Under My Nose

134 3 4
                                    

Jamie~~~~~~~

He left. And I'm alone again.

Naramdaman kong kumalam yung sikmura ko. Lumilindol na ba sa loob ng tiyan ko dahil sa kagutuman? Buti nalang dumating yung cookies ni Kuya Xavier. Sumakay na ako sa tricycle at kinain na ng cookies ni. Wah! Ang sarap sobra! Sino kaya nagbake nito? Baka siya? Hmm, ang sarap talaga! Swerte naman ng girlfriend nun.

Nakarating na ako sa café. At medyo busy na rin. Patuloy lang akong magserve ng mga customers. And as usual, nandun si Miss Sapphine with her computer.

"Goodafternoon po," sabi ko sa kaniya. "Here's your order, Mam."

"Ah, salamat," sabi niya sabay type sa computer niya.

"Miss, wait lang," sabi niya sakin nung muntik na akong umalis.

"Bakit po?" tanong ko.

"Well," nag-aalangan niyang tanong. "Can I interview you?"

"Sorry po, Mam. On-duty po kasi ako eh," sabi ko. Baka kasi magalit si Manager eh. At kung hindi niyo naitatanong, kaibigan ni Mama ang manager ng café na to. Kaya ako dito nagtrabaho pansamantala. At first nga, ayaw niya eh kasi daw 15 yrs old lang ako pero dahil humingi kami ni Tita ng permit sa barangay, natanggap rin naman ako. As long as malinis ang records at magiging records ko.

"Ah, ganun ba?" sabi niya sabay tingin sa screen ng laptop niya. "Pwede bang mamaya? Anong oras ba end ng shift mo?"

"Po?" tanong ko. "Naku po, wag na po kayong maghintay. Mamayang 6:30 pa po kasi."

"No, it's fine," sabi niya. "And I'm sorry for taking your time."

"Okay lang po," sabi ko at bumalik na ako sa trabaho ko.

And at last 6:30 na, uwian na. Tapos narin akong magligpit at nagpaalam na ako sa manager namin. May aasikasuhin pa daw kasi siya sa loob kaya siya na lang daw ang magla-lock ngayon. Hinanap ko si Miss Sapphine. Naalala ko tuloy yung letter ni Sir Light. Mukha yatang tinamaan talaga siya kay Miss Sapphine.

"Uhm, Miss?" may narinig akong boses and I'm sure that it belongs to her.

"Ah, hello po," sabi ko. Pinaupo niya ako sa isang bench na gawa sa puno. Malapit kasi ang café sa park kaya maraming ganito.

'I'm Aliana Sapphine Lee by the way," sabi niya sabay abot ng kamay. I shook it and I told her my name.

"I'm Jamie Irish Lopez," sabi ko. Naglabas siya ng notebook at isang ballpen at sinulat niya ang pangalan ko.

"How old are you?" tanong niya.

"I'm 15 years old," sabi ko.

"15?" sabi niya. "Wow, that's so cool! I'm 15 too!"

"15 ka din?" tanong ko. I thought she was 16 or something.

"Oo, kaya wag mo na akong i-po," sabi niya.

"Ah, sige," sabi ko. "Tungkol saan pala yung interview?"

"Ay, oo nga pala!" sabi niya at naglabas ng recorder.

"Seryoso?" sabi ko. As in, para siyang mini-reporter. Para saan kaya yung iinterviewhin niya?

"Well, for a school project," sabi niya at i-on ang recorder. "This is Aliana Sapphine Lee interviewing 15 year old Miss Jamie Irish Lopez about love."

"Love?!" sabi ko. I mean, ini-interview ako about love? What do I know about those? Diba nga nagpapatulong pa ako kay Ryder. Pwede bang si Ryder nalang.

"Yes! It is one of the emotional crisis of a teenage person, so what's the first thing you think when I say "Love?"

"Hmm," sabi ko. "God and Family. Though, those are two, but you see the point, right?"

Her Boyish ActsWhere stories live. Discover now