SIH5

267 28 0
                                    

Gabb's Pov

Nakarating na ako ng bahay at anong oras na din , naisipan ko namang tawagan si jaydee baka nasa bahay na siya ngayon.

Nakailang tawag na ako ngunit walang sumasagot , bahagyang tinapon ko naman yung cellphone ko sa sobrang inis ko ngayon.

Kelan pa naging sila ng mikki mouse na yun? At bakit hindi ako updated at mukhang sila gia din at jaydee pero ang nakakainis lang dahil muntikan na akong magmukhang tanga kanina.

Buti nalang at dumating yung epal na babae na yun at pumayag na tulungan ako , napapadyak padyak nalang ako sa sobrang inis ng malaman yung gusto niyang kapalit ng pagtulong ko sa kanya.

Damn it you jaydee! Kakalbuhin talaga kita! Alam kong wala ka din alam doon pero nagmukha akong ewan don kanina oh tapos nakakainis pa yung pag ka clingy ng mikki mouse na yun kay coleen.

Akin lang si coleen akin lang! Maghanap ka mikki mouse doon sa clubhouse na bahay mo or ewan , hays wala na akong panahon para isipin yan.

Napaayos naman ako ng higa ko nang biglang bumukas yung pintuan ko at iniluwa si manang na may dalang pagkain ngayon.

"Youngmaster , dinalhan na po kita dito ng pagkain mo baka kasi hindi ka na naman kumain ngayon dahil ayaw mong sumabay sa ate dana mo" sabi ni manang sa akin hindi nga kasi ako kumain nung umalis ako ng bahay kanina dahil ayokong sumabay kay ate dana , galit ako sa kanya dahil kinuha niya yung susi ng sasakyan ko.

Buhay bunso! Kailangan sumunod lagi sa nakakantanda , shonda kung baga! Argh paano kaya natiis ni ate jem yung ugali ni ate dana? Nakakapagtaka lang ah

"Salamat po manang!"

"Btw youngmaster? Bukas na po ang uwi ng mommy at daddy niyo galing business trip at mukhang may pupuntahan daw kayo bukas sabi ng ate dana mo" kahit naman umuwi sila sa Bahay parang wala din yung presensya nila dito kasi tutok lanh sila sa kani kaniyang laptop nila.

"Sige po manang maraming salamat po ulit , ako na po bahala dyan sa plato mamaya at wag niyo na pong balikan dito sa kwarto ko" saad ko kay manang at napaupo na ako ngayon saktong sakto lang tong dala niyang pagkain dahil kumakalam na yung sikmura ko , wala kasi ako masyadong nakain kanina ang sakit kasi sa mata tignan nila mikki at coleen dapat ako yung nasa tabi niya ngayon eh dapat ako yung dahilan ng pag ngiti niya eh dapat ako yun eh.

Hays nakakabaliw na tapos sa baliw pa ako nakipagkasunduan kanina argh! What a terrible day it is.

"Okay po youngmaster make sure na kakainin niyo po iyan ah" huling sabi ni manang bago umalis ng room ko , kinuha ko na yung tray at inilapag na iyun sa may baba.

Nagsimula na akong kumain ngayon habang mainit pa yung kanin at pati yung alam , may bigla namang tumawag sa phone ko kaya napatayo ako para kunin yun sa may sahig.

OTPC

"Nakauwi kana ng bahay niyo gabbo? Ano yun? Paano mo naging girlfriend yun? Eh diba siya yung pinatid mo nakaraan sa school?" Sunod sunod na tanong ni gia sabi ko na nga ba ay ito ang purpose kung bakit siya tumawag sa akin ngayon eh hays chismosa talaga.

"Mahabang usapan pero maiba tayo gia? Kailan pa naging sila ni coleen at mikki? Siguro naman ay nakuwento nila yan sainyo kanina" nagtatakang tanong ko for sure natanong na ni gia to sa kanila dahil si gia yung klase ng tao na kapag curious siya sa isang bagay ay magtatanong at magtatanong talaga siya.

"Last week daw naging sila gabbo at ngayon nga lang daw nalaman nila frances at lyza yung tungkol sa kanilang dalawa kaya kung naiisip mo na sisihin si jaydee sa sitwasyon na kinalagyan mo kanina ay huwag na dahil wala din naman siyang kasalanan eh" napasapak naman ako sa may lamesa ko fudge! Last week? Tapos wala man lang may kumalat na balita tungkol sa relasyon nilang dalawa?

"Paano mo naman nalaman na siya yung sisisihin ko sa awkward moments na nangyari sa akin kanina? Tapos pinagmukha pa akong walang ka date nung mikki na yun buti nalang at nagawan ko ng paraan" inis na sabi ko kay gia , pinaasa niya akong makakadate ko ngayon si coleem tapos iba pala ang matutunghayan at malalaman ko.

"So ano nga ang nangyari paano mo napapayag yung nakaaway mo nakaraan na magpanggap bilang girlfriend mo? Tsk buti nalang at mukhang totoo yung aktingan niyo kanina napaniwala silang lahat na magjowa nga kayo sabagay bagay naman kayong dalawa" napasapo nalang ako sa may ulo ko habang inaalala kung paano ako nagmakaawa don sa babaeng yun para lang pumayag siya sa kagustuhan kong mangyari.

"Mas bagay kaming dalawa ni coleen gia! Fudge! Hindi pa nga ako nakakaamin sa kanya tapos malalaman ko na may boyfriend na pala siya! Nakakainis" di ko na sinagot yung una niyang tanong sa akin dahil nakakahiya lanh ikuwento kung paano ko nilunok yung pride ko para manghingi ng favor dun sa babaeng yun.

"Ayan ang bagal mo kasi eh naunahan ka tuloy nung mukhang unggoy na yun! Ano you felt defeated na ba Gabrielle the great? Hahah" di pa nga nagsisimula yunh totoong laban eh , pasalamat lang siya dahil sinagot na siya agad ni Coleen

"Anong defeated pinagsasabi mo dyan? Gagawa pa rin ako ng paraan para mapasa akin si coleen no? Ano naman kung may boyfriend siya ngayon? Mag bi break din naman sila dahil walang forever sa mundong ito!" Iritang tugon ko sa kanya , tsk naniniwala akong hindi sila magtatagal at maghihiwalay din silang dalawa dahil hindi naman sila bagay eh.

"Hahaha halatang bitter na bitter ka gabb ah sa pagkaka tingin ko ng menu kanina na inorder natin ay wala namang ampalaya doon hahha anyway kitakits nalang tayo sa school , ibaba ko na yung tawag dahil may gagawin pa akong iba" natatawang ani ni gia at nagpaalam na ibaba niya na yung tawag.

"Sige bye!" Walang ganang sabi ko saka inilapag ko na yung cellphone ko sa may mesa.

EOTPC

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko kahit bad mood parin talaga ako sa ganap kanina , magbibreak din sila ng mikki mouse na yun at sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta si coleen pag nangyari yun.




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 PeppapigNgMNL48 ayan na par hehe

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now