SIH14

222 32 9
                                    

Gabb's Pov

Pasipol sipol lang ako ngayon habang naglalakad papuntang locker room kukunin ko kasi yung jersey ko ngayon dahil may practice kami sa gym at naka sibilyan ako ngayon.

Sila gia at jaydee ay nasa court na ngayon mga baliw kasi hindi man lang ako inupdate in advance na kailangan pala nakasuot na ng jersey shirts and shorts kapag pupunta ng court.

Bigla naman akong napahinto ng makita ko si coleen ngayon na nakatayo sa may locker room ko mismo at may hawak siya na bagay na hindi ko makita dahil medyo maliit siya.

"Oh coleen sinong inaantay mo dyan ngayon?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin , grabe yung tibok ng puso ko ngayon.

"Coleen?" Napakalas naman siya ng yakap sa akin at hinawakan yung dalawang kamay ko , damn coleen bakit mo ba ginagawa to ngayon? You are really good at confusing people lalo na at gustong gusto pa naman kita.

Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil naiisip ko yung ginawa mong paghalik sa akin kahit sa pisnge lang yun ay napaka big deal nun sa akin.

"Gabb i have something to say to you can we have a lunch later? Pagkatapos ng practice game niyo ngayon?" Nakatingin siya ng diretso sa akin ngayon , napaiwas nalang ako ng tingin dahil nga naiilang ako hindi talaga ako makatagal sa eye to eye pag siya.

"Hmmp sure! pero baka magselos yang boyfriend mo coleen pag nalaman niyang mag la lunch tayo later?" Sabi ko sa kanya baka masapak pa ako ng mikki mouse na yun at tsaka umiiwas na din ako sa gulo ngayon pero syempre once a bully always a bully pero outside of the campus nalang minsan para hindi ma report diba.

"Wala na kami ni mikki , I'll explain later sige na aalis na ako see you nalang wait kita sa may classroom niyo mamaya" pagpapaalam niya ewan ko lang ah para akong tanga ngayon na panay ngiti sobrang ganda kasi ni coleen damn it.

Oh tukso layuan mo ako char haha so ayun kinuha ko na yung jersey ko at nagtungo na sa may basketball court pagdating ko ay nag wa wanbiwan sila jaydee at gia.

Pansin ko din ang bilis ng galaw nilang dalawa at mahigpit na this time ang depensa nila nalalapit na din kasi yung elimination round kaya mas lalo namin dapat pag igihan ang training.

"Ngiting ngiti ka dyan gabbo ah! Ano na naman bang ganap? Napapadalas na yang pag ngiti mo dahil kay ella ah!" Pang aasar ni jaydee sa akin , speaking of ella fudge may dinner pala kami later pero okay lang dahil lunch lang naman yung meron sa amin ni coleen.

"Baliw hindi si ella ang dahilan ng pag ngiti niyan ni gabbo kundi si coleen , i saw them sa may bandang locker room at nakayakap si coleen sa kanya" saad naman ng kakarating lang na si Cole , fudge akala ko walang may nakakita sa amin.

"Damn gabb babaero pa din pala! Ang tindi mo gabbo grabe dalawang babae ang nagkagusto sayo yung isa girlfriend mo na yung isa campus crush pa" saad naman nitong si Alice sa akin may hawak siyang bola tapos pinasa niya agad sa akin pero nasalo ko naman , mukhang may galit sa akin to ah.

"Di ako babaero no , si Ella lang sapat na"

"I'm not convince though , the way you looked at coleen kanina? You seems not contented sa so called girlfriend mo gabb? Kung may "girlfriend" kana dapat nilalayuan mo na yung ibang lumalapit sayo hmm for ex. coleen" diniinan niya pa talaga ying term na girlfriend. , Eh pwede naman na entertainin ko si coleen eh dahil nagpapanggap lang naman kami ni ella na magjowa at tsaka kuntento naman na ako kay coleen.

Sadyang naunahan lang ako nung mikki na yun na manligaw at ngayon na mukhang may pag asa ako kay coleen edi igagrab ko na.

"Ano bang ipinuputok ng butchi mo alice huh? Kung may problema ka sa akin sabihin mo nang diretso huh hindi yung nagpaparinig ka pa dyan ngayon , duwag lang?" Inis na saad ko sa kanya napatingin naman at lumapit na agad sila jaydee at gia sa may side ko.

Pag hindi ako nakapagtimpi baka upakan ko na tong alice na to hindi porket ka sosyo ng parents ko yung parents niya ay hindi ko na siya papatulan.

"Layo layo ka nalang sa pag mamay ari na ng iba ayun yung point ko! Kakahiwalay palang nila mikki at coleen and you know what's funny? It was because of you daw! That Ella seems so kind and beautiful kaya sana lang wag mo siyang lokohin ng basta basta , you are dating someone sa mall eh alam mo naman na may girlfriend ka at boyfriend yung taong kasama mo?!" Nakahawak na sila jaydee sa akin at gia. , Takte iniinis talaga ako ng babaeng ito di porket pinsan niya yung mikki na yun ay may karapatan na siyang makisali sa usapan namin magbabarkada.

"By the word itself hiwalay na nga diba?!Damn chismosa ka palang hinayupak ka eh! Ano bang pakialam mo sa buhay ko huh?! Eh ano naman kung kasama ko si coleen? Ano bang problema don?" Wala akong nakikitang mali doon sadyang ang alam lang nila ay taken na ako kay ella which is a play lang naman.

"She kiss you in the cheeks nung hinatid mo siya sa bahay nila? She hug you in the hallway near the locker room? And lastly you're taken? Tell me that it's not a problem huh?! As a cousin ni Mikki masasaktan ako para  sa panig niya!" Sigaw niya sa akin pinipigilan din siyang makalapit nila cole at iba pa naming ka team mates ngayon.

"Di ako na update na paparazzi kana pala alice ah , nice job ah ituloy mo lang yang sidelines mo baka sakaling mas yumaman ang pamilya niyo, im sorry ah pero honestly me and ella are just......" Sa sobrang inis ko muntikan ko nang masabi na nagpapanggap lang kami na magjowa ni ella buti nalang at napigilan akong magsalita ni jaydee.

"Gabb stop!" Ani niya sa akin,. Medyo kumalma naman ng kunti dahil doon bagay kay alice na hindi pinapansin eh , mahilig manira ng mood.

"Anong nangyayari dito ngayon ah? Bakit niyo hinahawakan si Skribikin at yang si De leon! Is there something wrong here" bungad na sabi ni coach napaalis nalang ang hawak ni jaydee at gia sa akin ganun na din sila cole kay alice.

"Wala naman po coach" ani naman ni gia pinagpagan ko nalang yung damit ko at tinignan ng masama si alice argh kung hindi lang ako pinigilan ng mga kaibigan ko ay siguradong bugbog sarado kana sa aking babae ka.

You are really pissing me off hindi lang dahil pinsan ka ng mikki na yun kundi sobrang demanding mo din nung naging captain ka noon sa highschool days ko.

Gladly na ako na ang pumalit sa posisyon mo ngayon dahil hindi mo naman deserve na tawaging captain ball ng team na to.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now