SIH18

218 37 1
                                    

Gabb's Pov

Nakita ko na si coleen at sila Frances na nag uusap lang , sa sobrang galit ko ay nais ko siyang saktan ng matindi.

"Masaya no?! Masayang paglaruan yung feelins ko or namin ah? Ang lakas din ng loob mo na gawin to sa akin Coleen!" Inis na sabi ko sa kanya saka kinuwelyuhan siya madami namang estudyante ang nakatingin sa amin ngayon.

"Now you know gabb? Yung feeling na paglaruan? Don't you remember me? From kinder? Ako yung nireject mo at sinabihan mong pangit?! Nakakatawa ka alam mo yun? Pinaasa mo din naman ako noon kaya ngayon ako naman" nakataas kilay na sabi niya sa akin napabitaw naman ako ng pagkakahawak sa kanya , so siya? Siya yung babaeng nagustuhan ko noon pero dahil pangit nga siya at natatakot ako na kantyawan ng ibang mga kaklase namin ay nireject ko siya at nilagyan ko pa ng bahay ng antik yung bag niya.

"Ano di ka makapagsalita no? Nagulat ka? Mahiya ka naman gabb sinira ko lang yung pangalan mo pero yung trauma na binigay mo sa akin noon? Nananatiling nandito sa puso ko" dagdag niya pa halos manlumo naman ako sa narinig ko ,yung galit na naramdaman ko ay napalitan ng awa sa kanya.

Matagal ko na siyang hinahanap pero di ko akalaing siya yun? Siya yung pangit na babae na nagkagusto sa akin.

"Gabb?! Okay ka lang ba?" Sabi niya sa akin nang makaalis na sila ni  coleen at frances , halata sa mukha ni jaydee na nasasaktan din siya kasi nadamay din siya dito dahil sa kagagawan ko.

"Si ella kailangan kong puntahan si ella ngayon" sabi ko sa kanya at tsaka tumakbo na ako palabas , masakit pa yung sugat ko sa mukha at pati yung paa ko ngunit kailangan kong makita si ella at makahingi din ng tawad sa parents niya.

Kasalukuyang nagmamaneho na siya ng sasakyan ngayon papuntang bahay nila ella.

Galit ako sa ginawa ni coleen at ngayon ko lang narealized si ella , nakalimutan ko na need kong mag explain sa kanya dun sa kasunduan namin.

Maya maya ay nakadating na kami sa bahay nila , bumaba na ako at nag doorbell na ngunit wala pa ding nagbubukas hanggang ngayon.

Kapansin pansin din na parang wala akong ingay or kahit anong tunog na maririnig dito sa bahay nila at wala ding bantay sa labas man o loob.

"Gabrielle?" Napatingin naman ako sa taong nagsalita ngayon, it was lara yung bestfriend ni Ella taga dito din ata siya based sa damit niya na pambahay.

"Oh lara?? Alam mo ba kung nasaan si ella ngayon pati yung mommy niya?" Takang tanong ko sa kanya , ibinaba niya naman yung dala niyang plastic ngayon.

"Kakaalis lang nila Gabb papuntang airport , dun na kasi mamamalagi si Ella sa ngayon kasama yung mommy niya, mahahabol mo pa naman ata siya kung aalis na kayo" seryosong saad niya tumango nalang ako at nagpasalamat sa kanya at dali daling pumasok ng sasakyan ni jaydee.

"Ako na magdadrive dong akin na yung susi mo" sabi ko sa kanya at iniabot niya naman sa akin iyon pinaandar ko na ng mabilis yung sasakyan nang sa ganun ay makarating kami agad ng airport.

Fast forward nakarating na kami ng airport at bumaba na ako upang maghanap sa loob , ganun na din nag ginawa ni jaydee nasa kaliwang side siya ako at sa may kanan banda.

"Please ella...." Sabi ko sabay nilibot libot yung paningin ko, i need to apologize sa kanya muna bago siya makauwi ng states.

Ilang minuto na ang nakakalipas at wala pa din akong ella na nakita same lang kay jaydee na ngayon ay hinihingal na sa walang sawang pagtakbo mula kanina pa.

"Mukhang nakaalis na ata sila gabb? Ano tara na uwi nalang tayo" aya niya sa akin pero ako naman ay panay lang tingin sa paligid at nagbabakasakali na makita ko siya baka kasi ito na yung last naming pagkikita.

Nabuhayan naman ako ng makita ko yung yaya niya at agad na akong tumakbo papunta doon sa kanila.

"Ella?! Ella?!" Tawag ko sa pangalawang beses ay nilingon niya na ako at tila bay nagulat pa siya ng makita ako.

"O-oh g-gabb anong ginagawa mo dito? Wait lang mom susunod po ako sainyo" Sabi niya naman sa mommy niya na nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin batid kong siya ay galit sa aking nagawa.

"I just want to properly apologize to you ella , im sorry dahil ginamit kita sa sarili kong kapakanan , im really sorry dahil nasira ko yung tiwala ng magulang mo sayo , nadawit din ang pangalan mo dahil sa kalokohan ko" malungkot na sabi ko sa kanya , hinawakan niya naman ang kamay ko at yung isa naman ay ginamit niya upang iangat yung mukha ko at mapatingin sa maganda niyang mukha .

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin gabb,. Ginusto ko naman na tulungan ka , ayun nga lang nasayang lang yun dahil binilog ka din ni coleen" malungkot din na sabi niya sa akin , halatang halata ang lungkot sa kanyang mga mata.

At nasasaktan ako na makita siyang ganito dahil isa na din ako sa rason kung bakit siya malungkot.

"Mag iingat ka dun sa states ella , gustuhin ko man na humingi din ng paumanhin sa mommy mo ngunit mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para doon" aniya ko sa kanya habang nakatingin sa mommy niya na nag aantay matapos ang pag uusap namin.

"Ikaw din gabb, bye!" Sabi niya sabay tumalikod medyo gumaan naman yung pakiramdam ko dahil doon, tumalikod na din ako at naglakad na din papalayo pero napatigil ako nang bigla niya akong tawagin.

"Gabb?! I love you!" Sabi niya sa akin na ikinagulat ko ,di ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya ngayon napatulala lang ako sa sobrang pagkagulat.

"I don't need your answer ngayon, sapat na sa akin na malaman mo na mahal kita at dahil don ay tinulungan kita ,it was my fault kaya wag kang maguiilty!" Sabi niya sabay ngiti sa akin tumalikod na siya habang ako ay pinagmamasdan lamang siya na papasok sa may waiting area.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon pero hindi ko alam kung mahal ko na din ba siya or nadala lang dahil sa sobrang kaba ko kanina dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"I'll wait sa pagbabalik mo ella at baka pag nagkita tayong muli ay ma confirm ko na itong nararamdaman ko" mahinang sabi ko sabay pumunta na kay jaydee at naglakad na nga kami palabas.










Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now