SIH15

227 30 4
                                    

Gabb's Pov

Magkasama na kami ni coleen ngayon at kabadong kabado ako sapagkat madami mga tao ang nakatingin sa amin dahil magkasama nga kami.

Nagbubulong bulungan pa yung mga iba first time lang kasi nangyari na magkasama kami ni coleen nang dalawa lang ganun, naglakad na kami papuntang parking lot at nang makarating kami ay pinagbuksan ko na siya ng pinto ng kotse.

Dapat gentlewoman tayo , si crush na yan oh haha pagkatapos niyang makapasok ay sumunod na din ako sa loob.

Ewan ko ba pero ang ganda ng mood ko ngayon ah feeling ko kasi good news yung sasabihin ni coleen , like ahm may gusto na siya sa akin ganun.

Ayoko mag assume agad pero ayun yung nararamdaman ko na mangyayari eh , nag open na muna ako ng audio nang sa ganun ay medyo maganda ang mood sa byahe papuntang restaurant.

Panay lang ako masid sa kanya sa may front mirror habang nagmamaneho medyo tahimik siya pero ang cute niyang tignan ngayon at tsaka halatang inaantok siya kaya itinabi ko na muna yung sasakyan.

Napatingin naman siya sa akin pero hindi ko na siya inimik sa halip ay kinuha ko nalang sa back seat yung maliit na unan ko nang sa ganun ay makaidlip siya ng komportable.

"Thank you for this gabbo" ani niya ng iabot ko yung unan sa kanya , argh yung mga ngiting yan , ayan yung nagpabihag ng puso ko coleen.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho at maya maya ay nakarating na kami tinapik tapik ko naman siya nang mahina lang para magising.

Nakababa na kami ng kotse at tsaka naupo na sa may upuan , nag order na din kami ng pagkain at hinihintay nalang namin iyun na dumating.

"Coleen? Hmp diba may sasabihin ka sa akin sabi mo kanina sa hallway? Pwede ko na ba malaman kung ano iyun?" Lakas loob kong tanong sa kanya sobrang kabado na kasi ako ngayon sa harap niya feeling ko matutunaw na ako sa mga tingin niya na nakakaakit.

"Hmp gabb to be honest lang matagal na talaga kitang gusto eh kaso nga lang mukhang late na ako dahil meron nang kayo ni Ella" diretsong sabi niya na ikinagulat ko well iniexpect ko naman na to kaso lang amg hindi ko inexpect yung sinabi niyang matagal na siyang may gusto sa akin.

Damn isa kana ata sa pinaka maswerteng tao sa mundo gabbo , mahal ka din ng nag iisang Coleen Trinidad.

Napalunok nalang ako oo nga pala may ella pa ako pero nagpapanggap lang naman kami eh , kaso hindi ko naman pwedeng sabihin yun pero if si coleen lang naman makakaalam siguro okay lang.

"I love you too din coleen , di mo alam kung gaano mo ko napasaya ng sobra dahil sa sinabi mo ngayon" nanlaki naman ang mga chinitang mata niya sa sinabi ko ako din eh pero wala sobrang nadadala na ako ng bugso ng damdamin ko ngayon at igagrab ko na tong opportunity na to para lang sa ganun ay maging akin na yung babaeng matagal ko nang minimithi.

"What?! But ella and you are together na right? So paanong ako ang mahal mo gabb? At tsaka hindi na ako pwedeng umextra sa relasyon niyong dalawa" takang tanong niya agad sa akin at napayuko nalang siya ,. Ewan nagi guilty ako sa nararamdaman niya ngayon bahala na sasabihin ko na lang talaga yung kasunduan namin ni ella si coleen naman to eh for sure at naniniwala ako na hindi niya ipagkakalat to sa school.

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now