SIH9

202 26 0
                                    

Ella's Pov

Kala niya ba makakalimutan ko yung ginawa niyang paghalik sa akin nang ganun ganun lang? Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang inis ko sa kanya kahapon.

Gagawa gawa ka pa ng eksena kala mo naman tatalab yun sa akin, pwes manigas ka dyan naturingang nbsb at ngsb ako tapos magpapagamit lang ako sa kanya.

Sapat na siguro na tinulungan ko lang siya nung nakaraan dahil nakakaawa naman talaga siya sa date na yun pero sa second na pagkakataon never na hoy.

Namumuro na ata siya , palakad lakad lang ako sa hallway hanggang sa di ko na namalayan na napadpad na ako sa may rooftop.

Argh ang sarap ng simoy ng hangin dito ngayon nakakarelax at ang sarap sa pakiramdam.

"Ella? Pwede ba kitang makausap?" Halos kilabutan naman ako nang may biglang nagsalita at agad na akong napatingin sa may likod ko si jaydee lang pala.

"Nag uusap na tayo jaydee" sarkastiko kong saad sa kanya habang nakatingin pa din sa langit at dinadama ang pagdampi ng hangin sa aking katawan.

"Ella please pumayag kana , malalagot si gabb pag hindi ka niya nadala doon mamaya sa bahay nila" nagmakakaawang ani niya , sus kalokohan niya dinamay niya pa pati parents niya ngayon.

"Anong paki ko? Wala akong pakialam sa kanya if malagot man siya" maldita kong saad , dapat ba akong maging concern sa kanya ano ko ba siya? Di hamak na bully lang naman siya dito sa school.

"Wala nga ba ella? Kung wala lang talaga edi sana in the first place hindi kana pumayag diba na magpanggap?" Sabi pa ni jaydee napatingin naman ako sa kanya anong ibig niyang sabihin sa sinasabi niya ngayon?

"Naawa lang ako sa kanya nung una" mabilis kong sagot , tama naman ah naaawa akong tignan siya dun kaya ako pumayag sa gusto niya pero hindi ko naman lubos akalain na  may gagawin siyang hindi kanais nais na hindi lingid sa kaalaman ko.

"Pwes maawa ka na din sa kanya ngayon , ipit na ipit na siya sa sitwasyon ngayon at mas lalong magagalit yung parents niya sa kanya pag nalaman na hindi naman talaga kayo mag on ni gabb" medyo malungkot na sabi niya ang hilig hilig nilang magpa konsensya hindi porket mabait ako ay aabusuhin na nila yun.

"Mauna na ako jaydee at may pasok pa ako ngayong umaga" pag iiba ko nang usapan ayoko nang mainvolved dun sa gabbo na iyun.

"Please ella pag isipan mong mabuti , baka mag bago pa ang isip mo" huling sabi ni jaydee ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa classroom namin.

Nakaabang pa din si gabb sa may labas ng classroom ngunit dinaanan ko lang siya , wow huh grabe naman kinareer niya na talaga yung pagpapanggap ah.

"Ella please last na talaga--" nagmamakaawang sabi niya sa akin ,di naman ako nagpatinag sa pag mamakaawa niya ano siya hello?

"Bitawan mo ako gabb , wala na akong oras pa para makipaglokohan sayo at umalis kana please lang" ani ko at binitawan niya naman ako tapos yumuko nalang at nagsimula nang umalis.

Ako naman ay pumasok na sa classroom ko , tinignan lang ako ni lara na tila bay nagtataka kakalipat pa lang namin ng school tapos may malalaman siya agad na may jowa na ako dito.

"Hoy ellami kelan pa yan huh? Ang speed naman ata mag iisang buwan palang tayo dito sa school tapos may jowa kana agad? Alam na ba yan ng mommy at daddy mo?" Nakataas kilay na sabi ni lara malamang magtatampo yan ella hindi mo ba naman sinabi sa kanya yung tungkol sa usapan niyo no gabb.

"Mahabang storya lara , ikukuwento ko nalang sayo pag uwian na natin" naupo na ako sa may upuan at tinignan niya naman ako diretso.

"Abay dapat lang! Matalik na kaibigan mo ako tapos andami mo palang sinisikreto sa akin" maldita niyang saad sa akin , di ko naman ginusto na itago to sa kanya ngunit feeling ko hindi din siya sasang ayon sa ginawa ko.

"Itong isa lang naman lara , don't worry ieexplain ko sayo lahat mamaya sa ngayon magpokus mo na tayo sa klase" ayan nalang ang nasabi ko kasi baka magtuloy tuloy pa yung pagtatanong niya sa akin hanggang mamaya.

Gabb's Pov

"Problemadong problemado ka dyan gabbo ah! Ano na akala ko ba gagawa ka ng ibang paraan para mapapayag si Ella? Eh bakit nagmumukmok ka ngayon dito sa Private Room?" Natatawang ani ni gia napahawak nalang ako sa may mukha ko dahil nag iisip pa ako ng maaari kong gawin.

"Hindi na pumayag si ella sa gusto niyang mangyari gia hahah sino ba namang papayag sa ginawa niya nakaraan" rebat naman ni jaydee saka umupo na sa may upuan may hawak hawak pa siya na fries nyayon.

"Di ko naman kasi intensyon yun eh nasaktuhan lang na nandoon si coleen , argh di ko naman siya pinagnanasaan tsk!" Inis na sabi ko kala niya naman ang ganda ganda niya para magpakipot , well oo maganda siya unti pero sino siya para tanggihan ako ah? Wait may karapatan siyang tanggihan ka gabb dahil hindi ka naman niya kaano ano.

"Hay nako kung ako sayo mag isip ka nalang nang pwede mong maging palusot sa daddy mo , sabihin mo may sakit si ella kaay hindi makakapunta ngayon" suhestyon naman ni gia saka nag abot sa akin ng mineral water kinuha ko naman na agad iyun tapos binuksan upang makainom ako.

"Hindi maaari dahil maghihinala yun si daddy baka paimbestigahan niya pa yung profile ni ella" sabi ko naman saka tumayo na may pumasok kasi sa isipan ko at feeling ko effective yung naiisip ko.

"See you tomorrow nalang gia at jaydee mauna na ako dahil may gagawin pa ako , balitaan ko nalang kayo sa ganap later" dagdag ko pa tumango nalang sila at nagsimula na akong maglakad , sakto na naglalakad ako ay nakasalubong ko yung babaeng nakabangga sa akin.

Hinila ko na siya na ikinapagtaka niya tapos pumunta ako ng classroom nila ella ,sakto dahil naabutan ko pa siya at unting estudyante nalang ang nasa loob ng classroom nila.

"Ano na namang trip mo gabb , bitawan mo nga si eunice at wag mo nang subukan pa na gumawa ng hindi kanais nais----" singhal niya sa akin ng makita niya ako at ito na nga yung time para gawin ko na yung plano ko.

"Eunice? I Gabrielle Skribikin is deeply apologizing about what happened last last week , i know nasaktan kita sa mga nasabi ko kaya please patawarin mo na ako" sinsero kong sabi habang nakaluhod pa pilit naman niya akong pinapatayo ngunit ayaw ko gusto ko muna marinig yung salitang okay napatawad na kita.

"Napatawad na kita gabb, tumayo kana may kasalanan din naman kasi ako nung nakaraan kaya no need na gawin mo ito" sabi naman nung eunice bahagyang napangiti nalang ako ng pilit habang nakatingin kay ella na nakangisi ngayon

Abay nag eenjoy siya sa pinapanuod niya ngayon ah kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay hindi ko talaga gagawin to.

Argh nakakahiya naka dalawang beses na luhod na ako ngayong araw at hindi ko ineexpect na gagawin ko din ito.

"Haha okay pumapayag na ako basta ngayong gabi lang!" Sabi naman ni ella tapos iniwan na akong nakaluhod pa din , argh sa wakas mission success.

Pag natapos tong pagpapakilala ko sayo kila dad ay babawian na din kitang babaita ka dahil sa mga pinanggagagawa mo din sa akin.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now