SIH17

302 38 6
                                    

Gabb's Pov

Naayos ko na yung maleta ko at umalis na ako ng bahay , dala dala ko lang ang gamit ko na mga damit dahil kinonfiscate lahat ni dad yung mga gadgets ko like cp , laptop and ipad pati na din yung atm at wallet ko.

Buti nalang talaga at may naipit pa akong isang libo sa may bulsa ko kahapon at tsaka may mga kaibigan akong mahihingan ng tulong.

Speaking of tulong sinabihan ako ni jaydee kanina na doon nalang daw ako mag stay sa kanila , wala naman kasi doon yung parents niya at siya lang ang nag iisa bali inaantay ko din siya na sunduin ako ngayon dito sa 7/11.

Beep! Beep! Beep!

Napatingin ako sa may labasan ng may marinig akong busina kaya agad na akong lumabas at dinala yung maleta ko at ipinasok na sa may sasakyan niya.

"Gosh gabbo! Grabe naman yang pag gulpi ng daddy mo sayo , argh sayang ang maganda mong face puro pasa na ngayon hays anyway gamutin nalang natin yan sa bahay pag uwi natin ngayon" nag aalalang sabi ni jaydee sa akin pagkapasok ko palang sa sasakyan niya , napahawak naman ako sa may panga ko medyo masakit pa kasi.

"Hindi tayo uuwi ngayon jaydee! Pupunta tayo sa school dahil may dapat akong asikasuhin" walang emosyong saad ko na ikinagulat niya napatingin siya sa akin na tila bay hindi agree sa sinabi ko.

"Gabb hindi tayo pwedeng pumunta doon ngayon kasi alam mo naman na diba? Baka hindi mo lang magustuhan yung mga sasabihin ng mga taong makakasalubong natin doon" sabi niya pa sa akin napailing iling naman ako, hindi ko pwedeng palampasin ang araw na to nang hindi nakakausap si coleen.

"Wala akong pake sa kanila jaydee , kailangan kong puntahan si coleen hindi ako papayag na ganituhin niya lang ako" inis na sabi ko sabay nakapakuyom ng kamay ko , dahil sa kanya itinakwil ako ni dad kaya magbabayad siya.

"Gabb..."

"Magdadrive ka ba papuntang school o bababa ako at mag tataxi nalang papunta doon ngayon?!" Inopen ko naman yung pintuan ng kotse niya dahil bababa talaga ako ng sasakyan pag hindi siya pumayag na pumunta sa school.

"Hays eto na magdadrive na ako pero bago yan pakitawagan mo na muna si gia na papunta tayo doon" napilitang saad niya binigay niya sa akin yung cellphone niya kinuha ko naman na iyun tapos dinial yung number ni gia.

"Oo na jaydee, tsk!"

OTPC

"Hello jaydee?! Magkasama na ba kayo ni gabbo ngayon? Punta nalang ako dyan sa bahay niyo pagkatapos ng klase ko" medyo malungkot na sabi niya sa kabilang linya , ni loudspeaker ko naman yun nang sa ganun ay marinig din ni Jaydee yung sinasabi niya.

"Ako to si gabbo ,nagdadrive si jaydee ngayon kaya ako ang kausap mo" walang ganang ani ko sa kanya , napatingin nalang ako sa may bintana at nagmumuni muni.

"Oh gabb? Kamusta ka balita kana? Nasundo kana ba ni jaydee dyan sa 7/11 pasensya na at hindi ako nakasama ngayon may pinaasikaso kasi yung prof natin sa akin--" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil nagsalita na ako kaagad.

"Pupunta kami dyan ngayon gia , nakita mo ba si coleen dyan sa campus?"

"Ano?! Gabb wag ka na munang pumunta dito sa ngayon , medyo hindi maganda ang bubungad sayo dito"

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now