SIH16

221 34 8
                                    

Ella's Pov

"Sigurado kana ba talaga sa gusto mo ella? Di pa natatapos yung first semester natin dito tapos nagbabalak ka nang bumalik ng states? Ano iiwan mo ako dito?" Nag aayos na ako ng mga gamit ko , nagdecide na kasi ako na bumalik nalang sa states nagpaalam na din ako kay daddy at pumayag naman siya.

"Hmp buo na ang desisyon ko lara nagpaalam na din ako kay daddy at kay mom , si mommy hindi pa siya pumapayag pero alam ko naman na di niya ako matitiis at papayag din siya sa gusto ko" gusto kasi ni mommy na makasama ako dito sa manila kaso mukhang need ko nang bumalik sa states.

Baka kasi magtanong pa siya about sa amin ni gabb at ayoko naman nang sabihin sa kanya yung totoo , magagalit siya sakin pag nalaman niyang nagpanggap lang kami na mag couple ni gabbo.

Ayoko din naman na sisihin niya si gabb dahil siya ang nagpasimuno nitong lahat kaya mas mabuti nalang na ako na ang umalis.

"Is this because of gabb? Ang sabi ko sayo layuan mo siya hindi yung literal na aalis ka ng bansa ella" medyo inis na sabi ni lara nakatingin lang siya sa akin ng masama ngayon at nakahawak sa may kwelyo niya banda.

"Mas mabuti na yung ganito lara nang sa ganun ay hindi ko na siya makita pa at tsaka nag usap na kami kanina about dun sa usapan namin at siya na mismo ang naunang nagsabi na itigil na namin yung pagpapanggap dahil nga ay nanliligaw na siya kay coleen at sinabi niya na ang totoo dun sa kanya" sinarado ko na yung maleta ko dahil tapos na ako sa pag aayos at tsaka naupo na sa may kama ko ngayon.

"Ang gago niya literal! Ayan na ang sinasabi ko sayo ella eh ginamit ka lang talaga niya at nagpagamit ka naman sa unggoy na yun , hays nakakainis ka ella bakit lagi ka nalang ganyan madaming umaabuso sa kabaitan mo" singhal namang muli ni lara napahawak nalang ako sa may bandang batok ko ,. Naiintindihan ko naman si lara kung bakit siya nagagalit ngayon dahil concern lang siya sa akin.

"It's okay lara. , Kasalanan ko naman eh at tsaka masaya ako para sa kanilang dalawa lalo na kay gabb ilang taon na siyang may gusto kay coleen at ngayon ay nagbunga na din yun" napangiti nalang ako ng mapait ,masaya naman talaga ako para sa kanila pero syempre nasasaktan din ako on the other hand.

"Lakas mo ella,. Hay nako ako ang naiistress sa mga pinanggagagawa mong babae ka anyway alis na ako magkita nalang bukas sa school" pagpapaalam niya sa akin kumaway nalang ako sa kanya bago siya lumabas ng kwarto ko, napahiga nalang ako agad dahil sa pagod at napatingin sa may taas.

Di ko naman mapigilang hindi maluha ngayon , hays bakit ka ba kasi nahulog dun ella? Ang tanga tanga mo talaga.







________

Gabb's Pov

Napamulat ako bigla ng mata ko nang may marinig ako malakas na pagkatok sa may pintuan ng room ko kaya napabangon na ako at binuksan kaagad iyun.

Napatingin naman ako sa taong nasa harapan ko ngayon at si dad lang pala pero laking gulat ko nang bigla niya akong pagsasapakin sa mukha.

Na sanhi upang ako ay matumba , dumating din naman kaagad si mommy pero hindi nagpaawat si daddy at itinayo ako tapos kinuwelyuhan ulit.

Lasap na lasap ko na yung sariling dugo ko ngayon at hindi ko mawari kung ano ba ang kasalanan ko kung bakit niya ako pinagsasapak at halatang galit na galit siya.

"Hon?! Bitawan mo yang anak mo , hayaan mo muna na magpaliwanag siya please hon tama na" nagmamakaawang saad ni mommy kay daddy ngunit nakatikim pa din ako ng suntok galing sa kanya , tinulak niya ako na sanhi upang mapahiga ako sa may sahig.

"Ang gago mo talaga no?! Talagang ginamit mo pa si ella para magpanggap na girlfriend mo?! Di ka ba nahiyang bata ka! Napakatarantado mo at wala ka nang ginawa kundi ipahiya ang pamilya natin! Ano pa ba ang pinagkakaabalahan at kalokohan na naiisip mo huh! Magsalita ka ngayon din!!!" Galit na galit na saad ni daddy nagtaka naman ako kung saan niya nalaman yung mga yun.

Damn ang sakit na marinig muli sa kanya yang mga katagang niyan , well tama naman siya tarantado naman talaga ako.

Napatingin ako sa may likuran ni daddy at nakita kong nakangiti si ate dana. , For sure siya na naman ang may pakana nito pero paano niya nalaman tong mga to mga kaibigan ko lang naman at si ella...

"Dad I'm sorry--"

"Hindi ko kailangan ng sorry mong hinayupak ka! Pack your things now! Nakakahiya yang ginawa mo sa Amat's family ., Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya and i want you gone in this house ngayon na mismo!" Pilit pa din na pinipigilan ni mom si dad na makalapit sa akin ngayon , napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sinabi niya na malaking kahihiyan lang ako sa pamilya.

"Hon kumalma ka wag mo namang palayasin ang anak natin, makakahingi pa tayo ng paumanhin sa mga kaibigan natin kaya---" mahinahong sabi ni mom pero tinignan lang siya ng masama ni daddy ngayon at tinanggal yung pagkakahawak nito sa may beywang ni dad.

"Paumanhin?! Ayan kaya nagkaganyan yang anak mo dahil lagi mong tinotolerate! Kaya lumaking ganyan yan! Ano nalang kaya ang sasabihin ng dad ni ella pag nalaman nila to?! Damn pati mga articles na kumakalat ay mahirap nang pigilan at kalat na kalat na to sa social media yung recordings na yun! Lumayas kana ngayon gabbo din dahil kung hindi? Gugulpihin kita hanggang sa mawalan ka nang hininga!" Sigaw niyang muli , napapunas nalang ako dugo ko sa may labi dahil at pati ilong ko ay nagdudugo na din.

Tinulungan naman ako ni mom na bumangon samantalang si dad ay nauna nang lumabas ng room ko, nakangising nakatingin lang si ate dana sa akin ngayon bago tuluyang umalis.

Napaisip naman ako sa nabanggit ni dad na recordings? Sino kaya ang may pakana nito? Agad ko nang kinuha yung cellphone ko at tsaka chineck yun.

Sobrang daming notifications ang natanggap ko sa facebook at puro lahat yun ay criticism , napatingin ako sa messenger at nakita ko yung sinend nila gia at jaydee sa akin.

Video siya pero nasa baba yung cam , napakuyom nalang ako ng kamay ng marinig ko yung boses na yun.

Damn paano niya nagawa sakin to? Akala ko ba mahal niya ako? At paanong nangyari to? Anong makukuha niya sa pag exposed nung deal namin ni ella?

Argh humanda ka sa akin ngayon coleen hinding hindi ko papalampasin tong ginawa mo sa akin ngayon, pinaikot mo lang pala ako.

Argh kasalanan kong lahat ng ito dapat hindi ko sinabi yun sa kanya masyado akong nagpadalos dalos dahil sa saya na nararamdaman ko.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now