Chapter 10

31.5K 1.5K 592
                                    

Warning: SPG content.

Huminto na sa paghabol kay Castian si Kyros, bakas ang pagkabigo sa mukha. Ako naman, hindi makagalaw habang yakap-yakap pa rin ako ng anak ko.

"Mommy, Mau left me again!" sumbong ng bata sa akin. "Ninang doesn't know what to do with the kitties."

Hinaplos ko ang buhok niya, natatakot na lingunin si Rigor. Kinarga ko si Castian at humugot ng malalim na buntong-hininga.

"C-Czarina... sorry..." palipat-lipat ang tingin ni Kyros sa aming dalawa ni Rigor. I could feel the weight of his stare in my back.

"What's your name?" narinig kong bulong ni Castian kay Rigor. Nakaharap siya sa kaniya. I heard Rigor chuckled.

"My name's Rigor. What's your name?" sagot niya.

"My name's Castian. Mommy, look! We have the same eyes!"

Napapikit ako nang mariin at ibinaba si Castian. Binulungan ko ang anak na kailangan ko munang magtrabaho at sumama muna siya sa Tito Kyros niya. He pouted and looks at me one last time before going back to Kyros.

"Bye-bye, Mommy's boss..." tila nanghihinayang pa na wika ni Castian.

"Czarina-"

"Sa bahay na tayo mag-usap..." I gave him a reassuring smile and then gesture for them to go.

Castian waves at me and Rigor. Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya at nanatiling nakatitig sa sahig.

"You have a son," he finally says. Hindi ko mabasa ang emosyon sa boses niya. I suck in a deep breath and finally turn to him.

His voice didn't give away anything, but his eyes say it all. It burns with so much emotions while he's watching Castian walk away. He has questions, and he's looking for answers. Hindi niya halos matanggal ang tingin mula kay Castian.

"Rigor..." my voice is weak. He finally turns to me and searches my face for answers. I tried to blink back the tears burning in the corner of my eyes but I failed. Nang pumatak ang isang luha ko, doon na niya na-kompirma.

Siya naman ang humigit ng malalim na buntong-hininga. "Meet me at the apartment after the party." Malamig niyang wika at tinalikuran ako.

Pangisi-ngisi pa si Thyron na palapit sa amin pero nang mapansin ang tension sa pagitan naming dalawa ay nawala ang ngiti niya. He turns to me with a look of concern.

"He saw Castian tonight..." I chewed my lower lip as I watch him disappear inside the function hall.

"Gago. Seryoso ba yan?!" gulat niyang tanong sa akin.

I turn to him, weary. "Mukha ba akong nagbibiro, Thyron?"

He reaches for the nape of his neck and smiled at me apologetically. "Ano daw sabi?"

"He wants to talk."

Tumango-tango si Thyron at inakbayan ako saka niyugyog nang bahagya ang balikat ko.

"Kausapin mo nalang nang maayos. I'm sure you'll sort it out. And if it's any consolation, Rigor would never hit a woman no matter how mad he gets."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman nakakatulong ang sinasabi niya! Ginulo ni Thyron ang buhok ko na parang bata at iginiya ako sa loob ng function hall.

Kabadong-kabado ako nang makita ulit si Rigor. He's talking to a woman who bought his painting earlier. Pahaplos-haplos pa sa braso niya ang babae at halatang nasisiyahan sa atensyon na ibinubuhos sa kaniya ni Rigor. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at sumama nalang muna kay Thyron.

Deceret Series #2: Bleed for LoveWhere stories live. Discover now