Chapter 12

306 6 0
                                    

Past is past, move on and live in present

Nakatingin lamang ako sa babaeng nasa intamblado ngayon. The way she walk, she smile and stare at you. She's almost perfect. She is better than me. Yes, she is.


"Oh, anyare sa'yo?" Umiling lang ako. Oo na, naiinis ako kasi bakit pa ako nagustuhan ni Shawn? Ano naman ang dahilan niya para magustuhan ako? Ang layo-layo kaya namin ng ex niya.

"Insecure ka 'no?" Umiling ulit ako. Sa totoo niyan, napaisip ako. Paano kung laro lang pala ang lahat tulad ng dati? Paano kung masaktan ako? Paano kung ako na naman ang dehado? Talo parin ako hanggang huli.


Nakauwi na kami't lahat iyon parin ang nasa isip ko.

Ewan ko ba, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka, mahulog ako ng tuluyan sa kanya. At paano kapag nahulog ako, sasaluhin niya ba?

Fr: Shawn<3
Hi babe, saan ka?

Nag-unat-unat ako bago nireplyan si Shawn, kakagising ko lang kasi.
Alas syete na pala kaya nagugutom na ako.

RE:
Nasa bahay lang, kakagising ko lang kasi eh, ikaw?


Fr: Shawn<3
Kakagising ko lang din. Alas dos na kasi ako nakatulog kanina.

Bumangon na ako at bumaba, maingay na din kasi doon at halatang naglalaro na naman 'yong mga 'yon.

RE:
Ganoon ba? Sino kasama mo?

Ang o.a ko no? Para akong isang jealous wife. Eh sa hindi nga ako nagseselos. Natatakot lang.

Fr: Shawn<3
Kasama namin ang barkada. Nakita mo na ex ko diba? 'Yong contestant number 9 kagabi, si Jen.


Napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko naman 'yon eh, kailangan pa talagang e detailed?

RE: ahh, oo nakita ko. Ang ganda pala niya no? Bakit kayo nagkahiwalay?

Siguro naman its about time. Time to know the past diba? His past.

Fr: Shawn<3
Barkada namin siya. First love ko siya, nalaman niyang mahal ko siya kaya ng manligaw ako ay sinagot niya ako. Naging kami at masasabi kong nagbago talaga ang lahat. Akala ko okay na nga eh, masaya na talaga pero isang araw, nalaman ko na may iba pala siyang boyfriend, ako ang third party kaya ayon napagdesisyonan kong hiwalayan na lamang siya. Masakit dahil siya ang first love ko pero wala akong magagawa, mas mahal niya iyon eh. Kaya ngayon magkaibigan na lamang kami, pinagkaiba nga lang. Hindi na kagaya noon.

Dali-dali akong pumunta sa c.r at doon ibinuhos ko lahat.

Maganda siya at first love niya iyon. Kahit naman kasi sinaktan siya ng tao hindi niya parin mababago na siya ang unang minahal. Hindi ako tanga para umasa pa na kami talaga. Bakit? Ano pa't naging writer ako para hindi alam ang lahat. Oo nga, hindi magkapareho ang real world at imaginary world pero saan ba natin nakukuha ang mga scenario? Diba sa real world din? Nakakapagsulat tayo ayon sa takbo ng buhay natin. Ang pinagkaiba nga lang, hawak natin ang happy ending. Tayo ang gumagawa sa ending na akala natin totoo. Sa kwento, isa ang ang minahal ng karakter, kahit magkalayo siya lang ang laman ng puso, pero sa real world ba, pwede iyon? Oo ngat pwedeng siya ang mahalin pero isa lang ang hindi pwede. Ang ipagtagpo kayo at ibalik ang nakaraan.

"Ate Ellaine?" Naghilamos ako at lumabas na. I smiled bitterly. Grabi, napaiyak ako ng isang Shawn Valdez.


"Oh, saan ka pupunta?" Napalingon ako sa nagsalita. Shawn.

"Ah sa hacienda. May kukunin lang ako sa kubo" sabi ko sa kanya at naglakad na. Hindi naman talaga totoong hacienda bali isa siyang palayan na malawak at pagmamay-ari iyon ng nanay ko.

"Samahan na kita" nagkibit balikat na lamang ako. Bahala siyang sumama sa akin. Actually, pauwi na sana ako kaso nakita ko siya sa gym kaya ayon pumunta ako dito para malaman niyang nag.eexist ako sa mundong ito.

Naglakad na kami papunta doon, medyo malayo pa kasi ang hacienda at marami kapang madadaanan. Kailangan mo pang tumawid ng tulay tapos ang maputik na palayan.

"Opps, ingat ka" ngitian ko si Shawn ng muntik na akong madulas pero parang nang-aasar ang putik ngayon dahil na out of balance si Shawn at pareho kaming nahulog sa putik. Nakadagan ako sa kanya.

Those pointed nose, red lips, chinky eyes.

"Are you checking me out?" Napanganga ako sa sinabi niya. Langyang lalaking 'to.

"Ewan ko sayo" pinalo ko siya sa dibdib bago tumayo. Natawa naman siya.

"Sige tawa pa" ng nakatayo na ako bigla na naman niya akong hinigit kaya ang resulta puro putik na ako.

"Wala ka talagang magawa sa buhay" pinalo ko siya ulit at ang loko tinawanan lang ako? Hmp. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at seryoso akong tinignan.

"Mahal kita Zel, tandaan mo yan" sabi niya sabay t'ayo. Inalalayan niya naman ako.

"Uwi nalang tayo, ang dumi na natin oh. Tsaka ipakuha mo nalang kay Manuel ang kukunin mo sa kubo" tumango na lamang ako.

'Mahal kita Zel, tandaan mo yan'


Mahal nga niya ako. Sana din totoo ito. Sana... dahil alam kong unting-unti na akong nahuhulog sa kanya.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon