Chapter 28

268 8 0
                                    

Napapakamot ako ng ulo habang iniisip ang kahibangan ni Chanlou. Take him home with me? Eh halos ayaw ko na ngang umuwi doon dahil sa kanya tapos ito pa at iuuwi ko siya? Nahihibang na ba si Chanlou?

"Calling the attention of Ms. Ellaine Hermosa. Again calling the attention of Ms. Hermosa please proceed to Dr. Valdez's office" napakunot ang noo ko. At bakit naman niya ako ipapatawag? 

"Hoy Ellaine, pumunta ka na dahil kanina ka pa hinahanap ni Dr. Valdez" napatingin ako kay Dianne at sinimangutan siya. Hindi naman kasi ako bingi para hindi madinig iyon.

"Oo na" nanghihinang tumayo na ako at naglakad papunta sa office ni Shawn. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? Hmp. Bahala na nga. 

"Good afternoon Dr. Valdez" agad na sabi ko pagkadating ko sa office niya. Ngumiti ako ng makita kong ngumiti siya sa akin.

"Come in Zel and please... cut the formality para namang hindi tayo magkakilala" ngitian ko siya at umupo sa harap ng mesa niya. 

"Okay Shawn, so... anong kailangan mo sa akin?" He stares at me before he took a deep sighed and answer me.

"Itatanong ko lang if you want to extend your contract. I can do that to you if you want to stay" ngitian ko nalang siya. Actually gusto ko pa ngang magextend ng contract pero naisip ko kasi na parang kailangan ko na ding umuwi. Ilang years ko na.mga bang hindi nakikita ang parents ko? Simula pa ata iyon noong naghiwalay kami.

"Nako wag na Shawn, gusto ko na munang magpahinga eh para naman magkalovelife ako 'no" malungkot na ngumiti siya sa akin. Tumayo na ako at akmang aalis ng magsalita siya ulit.

"C-can we even have a lunch together? O kaya kahit coffee nalang, okay ba?" Napaisip ako. Maybe ito na ang sign na kailangan ko siyang i-uwi sa Pinas no? Pero bakit naman ako? Ang sakit kaya ng ginawa niya sa akin. 

"Zel?" Napabuntong hininga ako. Kung magpapaapekto ako ibig sabihin mahal ko parin siya at talo ako.

"Y—yeah sure" Langya totoo ba ang sinabi ko? Tsk.

"Lets go" ngitian ko siya at sumabay na sa kanya. At paglabas palang ng office niya madami ng matang nakatingin sa amin. Dukutin ko mata niyo eh. 

Akala ko sa cafeteria lang kami kakain pero napansin kong papunta kami sa parking lot.

"W—wait, wala ka bang pasyente?" Kasi naman, alam ko kung ano ang buhay ng isang doctor. Mahirap. Parang wala ka ng oras para magkalovelife pero actually depende lang naman iyon sa iyo.

"Wala pa akong pasyente ngayon kaya sulitin na natin ang oras" tumango na lamang ako at sumaka sa sasakyan niya. Kahit naman kasi mayaman na siya hindi niya parin nakakalimutan ang buhay niya noon. Sinpleng sasakyan lang naman kasi ang gamit namin at halatang hindi niya ipinagyayabang ito.

"SO kumusta kana?" Andito na kami sa coffee shop malapit sa hospital. Langya nga kasi mukhang pwede namang lakarin namin iyon pero sabi niya naman sa akin 'ayaw lang kitang mapagod' kikiligin na sana ako sa doctor na'to kaso naalala ko ang ginawa niya sa akin noon. Gosh Zel— uso mag MOVE ON.

"Zel?" Napalingon ako sa kanya.

"H—huh? Ano nga ulit?" Ngumiti siya sa akin at inulit ang tinanong niya kanina.

"Okay lang naman. Masaya pero alam mo iyong hindi talaga masaya kaai namimiss ko na ang parents ko ilang years nadin kasi kaming hindi nagkita.... simula pa ata noong naghiwalay tayo" sabi ko pero syempre naging bulong nalang ang huli kung sinabi.

"Ikaw? Kumusta na kayo ni J—jen?" Shit. Bakit tinanong ko pa?

"Kami ni Jen? Wala namang kami ah simula noong araw na naging tayo" sumeryoso na siya. Napayuko nalang tuloy ako. Akala ko naman kasi na merong 'sila' noon. Oo na aaminin ko ng wala akong tiwala sa kanya peri dahil iyon sa takot— takot na" masaktan na naman ako.

"Ahh ganon ba? Eh i—ikaw, kumusta ka na?" Pansin ko lang. Panay ata ang pagkautal ko.

"Ako? Okay lang naman... ito ikakasal na .." natigilan ako, ikakasal na siya? B—bakit parang... ang sakit? Letchon ka Zel bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ngumiti ako ng pilit sa kanya bago nagsalita.

"So kailan ka naman ikakasal?" Buti nalang. Buting nalang talaga at hindi ako ng stammer.

"Kung kailan ka pwede" muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. 

"Oh, dahan-dahan lang kasi sa pagkain" sinamaan ko siya ng tingin ng tumawa siya. 

"Sige pa, tumawa ka pa. Nakakainis ka na ah" pinalo ko siya ng tawa parin siya ng tawa.

"Ikaw parin ang Zel na kilala ko. Ang Zel na madaling mapikon" sinamaan ko siya ng tingin. Ano 'to throwback thursday or flashback friday?

"Ewan ko sayo. Anyways Shawn, uuwi ako ng Pinas next month. Ikaw ayaw mo ba? Baka miss kana ng parents mo" Tinitigan ko lang siya ng hindi siya magsalita. Akala ko siya hindi na siya iimik pero as a minutes passed he already decide for his own best.

"Tama ka, i really need to go home. I also miss my country" ngumiti ako. Ngiting tagumpay.

The OneWhere stories live. Discover now