Lahat kami ay napalingon doon at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko na tumakbo papunta kay Shawn ang bata. Napatingin ako sa kanila, magkahawig sila ni Shawn at hindi mo maipagkakailang mag-ama sila.
Hindi pa nga ako nakakabawi ay may nagsalita na naman sa likod ko.
"Honey hindi mo man lang pinasabai na nakauwi ka na, kung hindi ko pa nakita ang kotse mo sa labas ay hindi ko talaga malalaman" aniya at lumapit kay Shawn tsaka siya hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Jen!!
Tinignan ko si Shawn na ngayon ay nakatingin lamang sa akin at parang hinihintay ang reaksyon ko. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Tumabi si Jen kay Shawn. Ang upuan kasi nila ay mahaba iyong ginagamit sa Mang Inasal.
Hindi ko alam kung napansin ba ako ni Jen o wala dahil kahit na magkatabi kami ay panay ang ngiti niya kay Shawn. Tinignan ko ang parents niya at ngitian na parang sinasabing okay lang ang ako kahit halatang hindi. Aba! Sino ba naman ang may gusto sa nangyayari ngayon? Ang asawa mo lang naman ay may anak na pala at may honey na.
Naiinis na talaga ako sa nangyayari ng may naisip ako. Hindi kaya ay nagmamadali si Shawn na pakasalan ako dahil dito? Napainom ako ng tubig ng nanggigiligid na ang luha ko, napalingon silang lahat sa akin at pati na si Jen.
"Gosh! May bisita pala kayo? Nako sorry hindi man lang kita napansin" ang sarap niyang e- mod- mod sa sabay na nasa harap niya.
YOU ARE READING
The One
Teen Fiction"we have known each other for years and now we've finally found each other" -Shawn ♥ Zel Let's witness how their love story works if they are both first timers in what you called LDR (Long Distance Relationship) 01. 20. 15