Chapter 36

277 7 0
                                    


"Congrats bro!" sabay sabi ng mga barkada niya matapos ang halik na nagpapatapos sa ceremonya ng kasal. Iyong ibang babae naman ay sabay-sabay nilang inintsa ang flower crown nila.





Pumunta na kami sa reception area at sinimulan na naman ang pagsalubong ng bagong kasal. Nakakatuwa lang dahil kahit hindi magkakilala ang mga tao dito ay nakakaenjoy padin.





"Bro, gift namin sa'yo" ani ng isang lalaki at ibinigay ang regalo niya kay Pol. Kinuha ko naman iyong regalo namin ni Shawn sa kanilang dalawa at lumapit kami sa kanila.





"Ito o. Gift namin sa inyo" sabi ko sa kanila. May hinugot naman si Shawn sa bulsa niya at inilapag sa table ng dalawa.





"Bro, gift ni tito" nanlaki ang mata ng mga kasama namin ng makita ang ticket to Italy na inilapag ni Shawn kanina.





"Seriously? Si Tito Xav ang nagbigay?"





"Really? Pakasal na tayo hon ng bigyan naman tayo ng ganyan ni Tito Xav" natawa kaming lahat sa sinabi ng kasama nila. Napakayaman talaga ni Tito Xav lahat nalang binibigay niya.





"Pakisabi bro, salamat" aniya at kinuha ang ticket. Marami pang naki-chikahan sa kanila hanggang sa sinita na sila ng Emcee dahil magsisimula na daw ang flower throwing (Hindi ko alam kung ano ang tawag doon kaya hayaan na)





"Sali ka Zel" sabi ni Irish, umiling ako kasi nakakahiya pero nilapitan ako ng ibang babae at hinila palayo sa bisig ni Shawn. Sinamaan ko ng tingin si Shawn ng tinawanan niya lamang ako. Patay ka sa akin mamaya.





"Okay, One. Two. Three" sabay hagis niya sa bulaklak na hawak niya kanina sa kasal. Andoon lang ako nakatayo sa isang gilid at nakahalukipkip ngunit laking gulat ko ng biglang napunta sa braso ko ang mga bulaklak. Pinanlakihan ko ng mata ang mga babaeng naglagay niyon.





The OneWhere stories live. Discover now