Chapter 32

284 8 0
                                    


"So, tara na?" napataas ang kilay ko ng makita ko si Shawn na nasa labas ng tinitirhan ko. Anong ginagawa niya dito at bakit niya nalaman kung saan ako nakatira?


"Seriously Shawn? Wala ka bang pasok ngayon?" dahil as far as I know alam kung ako lang ang na end of contract at hindi siya.


"Nakiusap ako kay Tito na bago man ako umalis ng Canada, nakagala na muna ako dahil baka kasi hindi na ako makabalik dito" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Seriously?


"Anong trip mo Shawn? Tsk. O siya pasok ka muna baka kasi anong sabihin mo diyan at hindi kita pinapasok" sabi ko sabay irap sa kanya. Nakakainis naman kasi, kakagising ko lang at lalabas sana ako para bumili ng makakain ng bigla siyang sumulpot sa pintuan. Ano bang problema ng isang 'to at ginugulo ako?


"Sabi ko nga, gagala tayo sa Canada punta tayong Edmontong Mag skating tayo" napanganga ako sa sinabi niya. Ano ba talaga ang nakain ng isang 'to at ako ang napagtripan niyang isama?


"Shawn naman e. Busy ako at wala akong oras gumala kasama ka" sabi ko at tinalikuran ko siya pero bago pa ako makatalikod ay nakita ko siyang sumimangot. Ang cute niya.


"Sige na Zel, ngayon lang naman e. Tsaka alam ko naman kapag nakauwi na tayo ng Pinas ay hindi ka na naman magpapakita sa akin. Sulitin na kasi natin ang Canada" ano pa nga ba ang magagawa ko? Kainis naman kasi 'tong unggoy na 'to e.


"Oo na sige na pero bago 'yon daan na muna tayo sa isang fast food diyan para kumain" sabi ko at pumasok na sa kwarto para mag-ayos. At dahil kagigising ko lang ay matagal akong natapos dahil naliligo pa ako. After one hour ay lumabas na ako at nakita kong nakaupo lamang si Shawn doon habang tinitignan ang isang libro. Ang librong ibinigay ni Miguel sa akin noong andito pa si Dianne.


"Ikaw ang nagsulat nito?" napakagat labi ako at tumango. He smiled then stand up.


"Let's go" I don't know kung anong nangyari sa kanya o kaya ano ang reaction niya sa nabasa niya. Nagkibit balikat na lamang ako pagkatapos ay sumunod sa kanya. Andoon na siya sa loob ng sasakyan at parang malalim ang iniisip pero nang mapansin niyang nasa loob na ako ng sasakyan ay tsaka siya bumaling sa akin at ngitian ako.


Natatakot ako sa reaksyon niya na para bang ayaw niya sa nagawa ko. Galit ba siya kasi ginawa kong kwento ang naging love story namin? Eh wala pa nga 'yong ending e. Kung makareact naman 'tong taong 'to. Mawawala naman siya sa book at the end e.


"Hey" untag ko sa awkward silence na namamagitan sa aming dalawa. Ewan ko but I feel it awkward.


"I don't know Zel kung ano ang i-rereact ko dahil all this time ako ang nagkamali sa ating dalawa but you still right it kahit alam mong nasaktan kita..." napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Iyon ang iniisip niya? Na habang sinusulat ko iyon ay nasasaktan ako? Totoo iyon pero I choose to write it dahil kapag dumating ang panahon na makalimutan ko siya atleast titignan ko lang iyon just to remember the love experience that we had.

The OneWhere stories live. Discover now