Chapter 30

318 8 0
                                    

A memory with many sweet moments are never easy to forget,

A memory that I used to love because in there I can see the love you have for me,

But I guess it will only remain as a memory,

a memory that will never be cherish anymore.

Ipinikit ko ang aking mata habang nag-iisip ng maaring idugtong sa bago ko na namang e-popost na poem. Kanina ko pa kasi gustong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Nababagabag ako sa sinabi ni Miguel sa akin ang masaklap pa ay nag promise ako. Yes alam ko naman na wala ng love ang namagitan sa amin at alam kong gusto niya lang akong protektahan pero ano ang gagawin ko? Para kasing mali na nangako pa talaga ako sa kanya. 

Ewan ko na talaga, wala akong maisip na magandang gawin ngayon. Kinuha ko na lamang ang librong ibinigay sa akin noong nakaraan ni Miguel. I still can't believe it na naging libro ito. Parang noon lang hinihiling ko na sana kahit paaano ay may magbasa man lang ng gawa ko but look at this now, napublish na talaga ang volume one ang kulang na lang ay second half ng librong ito. Hmm paano ko ba ito lalagyan ng ending? Iyong tipong imaginary lang alam ko naman kasing wala ng kami ni Shawn alangan namang gagawa pa ako ng ending na kami parin ang magkakatuluyan. Yes-- The One nga ang title kaya nga siguro may idadagdag na lamang akong karakter at iyon ang masasabi kong The One talaga.

Habang nakatingin ako sa book ay biglang may nagmessage sa akin sa fb. It's Ezra matagal na din akong walang balita sa babaeng ito a. Kumusta na kaya siya?

Ezra: Hey. Kailan ang uwi mo?

Hmm, may asawa na kaya ang babaeng ito? Ewan ko ba.

ZelEllaine: Next month pa e. Ikaw, Kumusta ka na? 

Habang naghihintay ng reply niya napatingin na naman ako sa phone ko ng bigla itong umilaw. Seriously? Anong oras na ba at parang nagpaparamdam sa akin ang lahat ng tao ngayon? Kinuha ko ito at tinignan ang message na galing pala kay Dr. Valdez, naiilang parin akong tawagin siyang doktor kasi naman parang noon lang iba ang mundo naming dalawa pero ngayon? I don't know wala na akong maisip na iba kondi ang layo na ng narating niya. Napapailing na lamang ako sa naisip ko at binuksan ang message niya.

The OneWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu