Chapter 17

274 5 0
                                    

Fr: Shawn

We're here




Napatingin ako nina Miguel, andito parin kasi kami sa Oppa Cafe nawiwili na kasi silang magkwentuhan, dala din kasi ni Anton ang kanyang laptop na puno ng movie kaya nag movie marathon din kami. Its really a great bonding for us.



"Guys, hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila, kakatapos lang ng pangatlong movie na napanood namin. Tinignan ako ni Miguel, alam kong alam niya kung bakit ko ito tinatanong.



"Andito na siya?" Bulong niya. Tumango ako, napakaswerte ko talaga kay Miguel nalaman niya kasi noon na nahihirapan akong mag-english araw-araw syempre I need a break kaya naman nag-aral talaga siyang magtagalog. I am lucky right?



"Guys, una na ako ha?" Nag text nadin kasi si Shawn na magkikita kami sa church. Muntik ko ng makalimutan na birthday pala ngayon ni Manuel kaya andito sila to celebrate it tapos bukas uuwi na sila. Nagtaka pa nga ako dahil alam ko namang medyo nahihirapan siya sa paggatos papunta dito but still here he is, pupunta siya dito tapos uuwi lang din pala.



"Kj pero sige na nga, bye" sabi pa ni Alex napairap na lamang ako. Bakla ata 'tong isang 'to. Nagpaalam na din ako sa kanila. Ihahatid pa sana ako ni Miguel pero humindi na ako, baka kasi makita siya ni Shawn at may masabi pa. Long distance relationship is really need a big trust at iyon ang hindi ko pa kayang maibigay sa kanya ng buo. Oo alam kong madaya ako, napakalaki ng pabor ang hiningi ko sa kanya. Im not even the best girlfriend kaya nahihiya na din ako sa kanya. He is always there when I need him though not really physically but he made sure that his prescence is always there. Unlike me, sasabihin kong pupunta ako but I will failed him at the end, noong champoinship nila sa basketball sabi ko I will be there pero wala e. Sinira ko mismo ang pangako ko kaya if one of this days iiwan niya ako maiintindihan ko naman dahil kasalanan ko din. Nagkulang ako e.



"Asan kayo?" Sabi ko, andito na kasi ako sa simbahan papasok na, medyo marami ang tao ngayon dahil gabi na at may misa kaya nahihirapan akong pumasok.


[Uh wait lang] nagtaka ako, anong nagyayari?



[Hello andito kami sa loob ng simbahan, malapit sa may fountain] mas lalo akong nagtaka ng si Chanlou ang nagsalita sa kabilang linya, ano ba ang nangyayari? Bakit ganoon? Ayaw niya ba akong kausap? Whats the point of me being here? Oh c'mon, is it a kind of a joke?



"Okay" then i ended the call, nagdalawang isip pa ako kung pupunta ako doon or hindi but still I choose to go there kasi andito na naman ako baka may masabi pa sila kung hindi ako pupunta doon.



Ng makarating ako sa may fountain sa loob ng simbahan, natanaw ko si Shawn, his still the same ang Shawn na hindi nakangiti pero bagay sa kanya. Mas gwa-gwapo siya kung ngingiti siya but then ayaw kong mangyari iyon baka marami akong maging kaagaw. Oo na madamot ako, aba minsan lang kaya akong magmahal ulit. May Jerald rest in peace.



Pero agad napawi ang ngiti ko ng ngumiti siya, ngitian niya ang babaeng kasama niya. Nakakatawa, parang kahapon lang naging cold siya pero ngayon here he is smiling and laughing with that girl beside him na alam ko kung sino ang babaeng iyon.



Ang ex lang naman niya. Nakakatawa, kanina kasama ko si Miguel laughing my ass out but here it is ang kabaliktaran ng lahat, sakit na naman ang idulot. Yes, maybe i am just too paranoid but then look at it they've been together for how many years at kami? 6th months lang naman kaming magkakilala idagdag pa ang one week noong mga bata kami, hindi niyo ba ako masisisi kung mag-isip ng ganito? Yes, I dont trust him fully dahil takot ako. Takot akong masaktan na naman ng taong mahal ko. Mahal ko na siya eh, more than I love Jerald. Gosh, nagpapakatanga na naman ako sa kanya. Like what the hell is happening? Hindi pa ako natoto. Me being so pathetic.



"Ate Ellaine" nahigit ko amg hininga ko ng lumingon sila sa akin. Chanlou, Manuel, Michael and... Shawn with Jen.



"H—hi andito lang pala kayo" I smiled bitterly. Sana lang hindi nila mahalata.



"Andito na pala si girlfriend. Jen, si Ellaine nga pala Shawn's girlfriend" ngitian ko si Jen at inabot ang kamay ko para makipagshakehand sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya naman ibinaba ko na ang kamay ko.



"What's your course?" Nakataas padin ang kilay niya. Aba maldita! Hmp. Paano kaya ito naging ex ni Shawn?



"Pharmacy" umupo muna kami at ang apat naman ay tahimik lang na nakikinig sa aming dalawa. Like seriously? Si tita nga hindi na ako tinanong ng tinanong eh etong babae pa kaya? Gosh ex lang siya anong karapatan niya? Err.



"Uh not bad" pinasadahan niya ako ng tingin. "Magkano ang tuition niyo per semester?" Muntik ng tumaas ang kilay ko, anong klaseng tanong iyon?



"Look im not saying that you are poor or what because its obvious that you are not. We all know that Manuel's family is in a better place. Not too much rich nor poor so its you too? Tell me, anong nagustuhan ni Shawn sa iyo?" Pinipigilan na siya nina Manuel tumayo ako at tinaasan siya ng kilay. Hindi ako mang-aaway sa kanya. I have still respect to God because this is his house kaya naman binalingan ko si Shawn.


"Sorry I really need to go" at umalis na, ang sarap sagutin ng babaeng iyon. Anong akala niya sa akin?! Cheap? Oh c'mon, maganda siya, makinis ang balat niya, matangkad siya but so what? Atleast ako kahit simple ako I am contented of my looks inayos ko na lamang ang eye glasses ko. This is really a bad night. He should know na hindi ako komportable na kasama ang ex niya tapos kanina wala siyang ginawa para patigilin ang babaeng iyon. Is he insane? Like seriously? Ang sarap talagang ipamukha sa kanya na 30,000 pesos ang nagagastos ko per semester for my course. Isali na ang uniform, laboratory gown and equipment, books at iba-iba pa. Letchon siya, hindi lang naman mahiya. Nakakainis. What I am doing here anyway?



Tss. Never na ata talaga akong maging masaya. Napatunayan na iyon, when that jerk just kill my heart hindi pa talaga ako natoto. Kailan ko ba maitatak sa isip ko na wala na? I mean, walang forever, walang meant to be o destiny dahil ang mundo a isang malaking tuso. Minsan napapaligaya ka pero sobrang sakit naman ang balik. Oh c'mon, ano ba naman itong nangyayari sa akin. O.A na ako masyado for saying this nor doing this. Wala lang imik si Shawn kanina pero kung makapag.isip ako sobra na. Tama pa ba ito? Tsk.



Makauwi na nga.

The OneWhere stories live. Discover now