Chapter 20

339 5 0
                                    

It's been a weeks since wala na kami. That's it, bigla na lamang nawala. How pathetic right?



February 3, 2015 that date. Gosh, hindi man lang niya sinaktong February 1 kung saan 7th monthsary namin. I really hate him. I really really hate him.

 



"Oh anyare sayo?" umiling lang ako sa tanong ni Dianne. Andito kami sa school cafeteria and as usual kasama na naman namin ang barkada. Si Miguel nga tahimik dahil pre-finals namin ngayon. Napapailing na lamang ako sa pagiging seryoyoso niya ngayon. Seriously? Ngayong pre-finals pa siya mag sesryoso?

"What? Makatingin naman 'to parang may dumi sa mukha ko" sabi niya na ikinatawa naming lahat. "Ewan ko sa'yo magbasa ka nalang diyan para naman sure na sure ka ng perfect" sabi ko at ibinaling na ang atensyon sa librong hawak ko. Ang binasaba ko ngayon ay sa major subject namin na PHARM 1 nakakalito nga e pero okay lang kaya pa ata ng brain cells ko. Well, I just need to focus dahil kung wala ako sa focus ko for sure naman na hindi papasok sa utak ko ang lahat ng binabasa ko. Hmmm...

After one hour napapahilot na lamang ako sa noo ko. Bukod sa maingay na dito sa cafeteria hindi na din ako makakabalik sa focus ko kaya naman tumigil na ako sa kakabasa.

"Seriously guys? Nakakaintindi pa kayo sa binabasa niyo?" sabi ko sa kanila kaya naman ay sabay-sabay silang umiling sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako after one hour simula na ng exam namin at kailangan na kailangan na naming mag focus ngayon kaya tumayo ako at pinulot lahat ng gamit ko.

 "Library tayo guys" sabi ko dahil for sure ay hindi maingay doon. Nagsimula naman silang magligpit ng gamit at lumabas na kami ng cafeteria. Kakatapos lang sigurong mag take ng exams ng mga med-tech at nursing kaya ang ingay tapos kung dito pa naka based ang ibang courses for sure mas iingay pa talaga.

"So saang library guys?" nakabuklod kasi ang library sa dalawa, kung saan aircon nga pero computer naman ang meron. No books just a plain computer tapos ang isa naman ay fan lang at halos lahat ng andoon ay libro may computer din naman pero isa lang. Parang incase of emergency lang iyon.

"Alangan namang sa computer library tayo" sabi ni Valene kaya naman ay natatawang pumunta na lamang kami doon. And as expected maraming studyante pero keri lang naman malaki naman kasi ang library nila dito. Sabay-sabay kaming ng buklat ng libro at nag focus na, buti na lamang ay madali lang talaga ibalik ang focus kapag hindi maingay ang paligid. 

The OneWhere stories live. Discover now