Chapter 34

263 7 0
                                    

"S-sorry" agad na sabi ko kay Miguel ng magkita kami. Nagtatakang tinignan niya ako, marahil ay nalilito siya kung bakit ako nag so-sorry gayong kakakita lang naman namin. Napabuntong hininga na lamang ako at tumabi sa kanya. Andito kami sa park ngayon tinawagan ko kasi siya kahapon na magkita kami ngayon dahil may importante akong sasabihin.





"Alam ko na Zel, na ang pangako ay napapako talaga at hindi na ako magtataka na wala na ang pinangako mo tsaka sino ba naman ako para diktahan ka? Alam ko naman na mahal mo parin siya hanggang ngayon.." napatulala ako sa sinabi niya. Alam niya ang nangyayari?






"..tsaka kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil ayaw kitang masaktan ulit pero narealize ko na ganoon na talaga ang love diba? Masasaktan ka talaga" napangiti na lamang ako at sumanding sa balikat niya. Napapikit ako at inalala ang nangyari kahapon.






"Yes" sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napapangiti na lamang ako sa nangyayari.






"I am so happy Zel, that this time you decide it." napangiti ulit ako. Kumalas ako sa yakap niya at tinapos ang gagawin ko ng biglang may naalala ako.






Sometimes, it's the smallest decision that can change your life forever






Smallest Decision? Bakit ang pagdecide ba na bigyan ng second chance ang nasirang relasyon namin ay isang maliit na decision nga ba? Hmmm tingin ko hindi naman pero kahit na ganoon alam kong sa decision ko pa lang na iyon ay may magbabago talaga. Hindi ko pa man alam kung ano iyon pero alam ko soon malalaman ko din.






Inayos na namin ang pinanoon namin at ng magsimula na ay humilig ako sa balikat niya at niyakap niya ako. Isang bagay na hindi namin nagagawa noon. Dahil wala kaming freedom gawin ang mga ganitong bagay but now? I guess no one can say no to us. It's our time to be together dahil marami ng nagbago sa aming dalawa. I became independent also he already have a better life gaya ng sinabi niya sa akin noon. Nakakaproud talagang naging doctor na siya.





The OneWhere stories live. Discover now