Chapter 22

281 5 0
                                    

Note: So this is it pansit. After this chapter agad ko ng e-publish ang chapter 23-27 or 28 today.  Why dahil tatapusin ko 'to para masimulan ko na ang mga nakadrafts na story sa works ko. Like hello? Ang hirap kaya gumawa ng book covers tapos hindi ko lang siya e-pupublish right? Mahirap mag-isip ng plot at itatapon ko nalang basta-basta. I don't care if walang masadong nag babasa nito but one thing is for sure guys, I just want to share kung ano ang nasa utak ko so suportahan niyo man o hindi atleast in the near future masabi ko sa sarili ko na 'Good Job may nagawa ka din' so sa mga sumuporta sa akin kahit na konti lang. Thanks pa din. Love. Love. Love 

"S-shawn?" Hindi ako makapaniwala na siya ang naglagay ng iyon doon.

"Hi" agad na lumapit ako sa kanya at tinignan siyang nakataas ang kilay. Aba akala niya mauuto niya ako ulit? Yes mahal ko siya pero ... ewan ko na.

"Ano 'to Shawn?" takang tanong ko sa kanya kasi the last time I check ay wala na kami at matagal na iyon. Ano naman kaya ang trip ng isang 'to? Oo inaamin kong hindi pa ako nakakamove on kaya nga nagtataka ako kung bakit andito siya. The last time I check ay sabi niya sa akin na e-secure na muna niya ang future ng magiging soon to be wife niya so that's mean na hindi ako iyon dahil andito siya at may ibinigay sa akin ng kung ano-ano.

"Let me explain first Zel" again with the Zel, wala siyang karapatang tawagin ako sa pangalan na iyan because he is nothing to me now, wala ng ako at siya. Gaya ng sabi ko Zel is only for the man I love, for the man that is special to me and yes he was that man. But was past tense and never magiging present tense. 

"Spill it" umupo ako sa bench na nakalagay dito at tumabi naman siya sa akin. Well with the very long space of course, naiinis parin ako sa kanya dahil parang may routine siya e. Isang araw okay kaming dalawa as in okay na okay tapos ilang araw lang ang nagdaan ay wala na parang naglaho ang naging samahan namin to the point na nawala na nga iyon ng tuluyan then now, ito na o andito siya sa harap ko want me to listen to his explanation. O c'mon, nawala man lang ang gutom ko dahil sa pakulo niya. 

"Last month, after our 6th monthsary naisip ko na malapit na pala ang Valentines Day at syempre as your boyfriend kailangan kong gumawa ng isang surprise sa iyo at nasabi iyon sa akin ni Manuel na nasabi din sa kanya ni Dende na your valentines day is nothing but a plain family bonding. May boyfriend ka nga pero never ka nmang sinurprisa, so I came with a decision na gumawa ng isang bagay na hindi pa nagagawa ng iba... I want it unique in your eyes..." tumingin siya sa akin kaya ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa harapan ko. Napabuntong hininga siya bago ulit nagsalita.

The OneWhere stories live. Discover now