Chapter 35

296 5 0
                                    

"So hijo, pag-uwi niyo ba ay kasal na kayo?" muntik ko ng maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi ng tito niya. Kasal agad? Kakabalikan nga lang namin tapos kasal na ang pag-uusapan?


"Nako tito, masyado pa pong maaga para diyan" napangiti ako ng pilit ng bumaling sa akin ang tito niya.


"Aba ilang taon ang sinayang niyo para diyan. Mas mabuting magpakasal na kayo baka kasi makawala pa ang isa sa inyo" sabi niya sabay tawa kaya napipilitang tumawa kami ni Shawn.


"Si tito talaga, dadading po tayo diyan wag kayong mag-alala" hirit ni Shawn sabay kindat sa akin.


Nag-usap-usap pa silang dalawa tungkol sa hospital na papasukan ni Shawn sa Cebu. Napapatingin ako sa isang gawi kung saan nakikita ko ang isang kilalang ka trabaho ko kasama ang head namin sa Z pharmacy. Seriously? May relasyon ba ang dalawang ito? Oh well bahala na nga sila diyan.


"Ikaw Hija, anong plano mo pagbalik sa Pinas?" napa 'huh' ako sa tanong ng tito ni Shawn kaya natatawang inulit niya ang tanong niya kanina.


"Uh hindi ko pa po alam, maybe magpapahinga na po muna ako sa pagtratrabaho" sabi ko sa kanya. Well, tinatamad pa kasi akong maghanap ng trabaho tsaka isa pa gusto ko munang mag liwaliw dahil pagtapos ng graduation ko ay agad akong pumunta sa Canada para magtrabaho at of course pinasa ko muna ang board exam ko bago nag abroad.


"Well, I can offer you a job. Sa hospital ko ulit" tumango na lamang ako at ngumiti.


"Pag-iisipan ko po tito"


"Okay, but don't worry kahit matagal pa bago ka makapagdesisyon ay may slot talagang para sa'yo" natawa na lamang ako sa sinabi niya. Ang saya dito sa Canada, sana lang sa pagbalik ko ay masaya din ang lahat.


"Uh sige hijo, hija. Una na ako sa inyo ha? Kailangan ko pang asikasohin ang company ko para makauwi agad sa Pinas alam niyo na ang asawa ko masyadong praning akala niya tuloy nagliwaliw ako mag-isa dito sa Canada at hindi ko siya sinama" natatawang tumango na lamang kami sa kanya bago tuluyang nagpaalam.


"Pagpasensyahan mo na si tito ha? Ganoon talaga 'yon. Masyadong atat" hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.


"Okay lang, alam ko naman kung bakit siya nagmamadali e" sabi ko ng maisip ko ay ang tinutukoy niyang sinabi ng tito niya kanina. Iyong kasal na gusto ng tito niya.


"Bukas nga pala may pupuntahan tayo" paalala niya sa akin. Tumango ako at inaya na siyang umalis.


"Uwi na tayo, inaantok na ako" sabi ko sa kanya. Tumayo na naman siya at inalalayan ako.


Napapaisip ako habang pauwi na kami. Kung aalokin pa ako ni Shawn ng kasal o-oo agad ako? Mahal ko siya pero kailangan ba naming magmadali? Eight years ang nakalipas at kung hindi kami nag-away o hindi ako umalis alam ko naman na sa hiwalayan parin ang punta naming dalawa. Wala naman akong magagawa dahil alam ko naman na masyado pa kaming bata noon. Pero ngayon ba ganoon padin? Bata pa ba kami para doon?

The OneWhere stories live. Discover now