Chapter 39

280 6 0
                                    

"BEST WISHES!!"





Iyan ang bumungad sa amin ni Shawn ng makapasok kami sa reception hall. Actually ang plano namin, pagkatapos agad ng kasal ay pupunta na kami sa Hongkong ang kaso mas gusto ko munang makipag bonding sa kanila kahit konti lang kaya hindi pa muna kami pumunta doon at isa pa mamaya pa naman ang flight namin.






"Congrats" nakangiting sigaw ni Chanlou sa amin. Napapailing na lamang ako sa kahyperan niya.





Umupo na kami at sinimulan na ng Emcee ang program. Syempre hindi nawala iyong mga message nila sa amin. May ibinigay pa ngang gift sa akin ang mga co-workers ko habang si Chanlou naman ay may ibinigay kay Shawn hindi ko nga lang alam kung ano dahil ibinulong iyon sa kanya kaya naman ay nakatanggap siya ng kutos kay Shawn.





Matapos niyon ay iyong bouquet naman at kung ano-ano pa. Nagsayaw pa nga kaming dalawa at nilalagyan nila kami ng pera.






"Tara na?" aniya matapos kaming kumain. Tinignan ko ang orasan at nakitang 1 hour nalang ay flight na namin kaya naman ay nagpaalam na kami sa iba. Si Chanlou naman ay uuwi daw siya pagkatapos niyang makiparty sa mga kaibigan namin.





Pagdating sa airport ay nagbihis na muna ako at pinauna ko na si Shawn. Mukhang mahaba-habang upuan ito ah. 13 hours and more gosh, nakakabored.







Ng makasakay na kami at sumandal ako sa balikat ni Shawn may 15 minutes pa naman bago ang flight.







"So pagdating natin, saan mo gustong pumunta?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya.








"Sa disneyland of course" sabi ko na lang. Napapikit ako ng maramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon