Track 21: What are you scared of?

3.2K 256 109
                                    


Kelsey's Point of View


Where are you?

Let's talk.

Tell me why you're mad at me.


Nilock ko ang phone ko ng hindi nagrereply sa mga messages ni Dex. Dinukdok ko ang mukha ko sa unan at saka pigil na sumigaw.

Nakakainis.

Bakit ba ganito?

Umayos lang ako ulit ng upo nang tumunog na naman ang phone ko. Another messages from him.


Sabihin mo sa akin kung ano ang problema kasi mahirap manghula. Please 'wag mo ulit sabihing wala kasi alam kong meron. Hindi ko maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag.

If it's something I did, I want to know. I want to know so I can learn and say sorry sincerely.

I miss you.


I feel so bad.

Kasi kasalanan ko. Ako 'tong biglang umiwas sa kanya pero siya pa rin ang nagpapakumbaba.

Hindi ko kasi alam...

Ewan ko kung bakit ginagawa kong kumplikado ang sitwasyon.

Siguro takot lang ako? Takot ako magdemand ng sagot sa mga tanong ko. Takot ako tanungin siya tungkol kay Ingrid at kung anong relasyon nila. Takot ako ipakita na insecure ako. Takot ako na isipin niya na di ko siya pinagkakatiwalaan kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

Hindi naman siya ang may issue. Ako.

Duwag ako.

Siguro nga tama si Ingrid. Hindi ko deserve si Dex.

Lagi akong tumatakbo. Lagi akong nagtatago.

I don't know what to do.

Tumunog ulit ako ang phone ko pero this time, galing naman kay Ysabella ang message.


Where are you? I'm bored. Let's hang out!

Let's meet sa Studio 5 ng Music Department. 

May practice din kasi Saving Daylights mamaya kaya nakareserve naman 'yon.

Alrighty! See ya!


This is what I need.

Kailangan kong lumabas at makipagkita sa mga tao. Hindi ako dapat magmukmok lang sa kwarto kasi kung anu-ano lang ang papasok sa isip ko. At mas mamimiss ko lang siya kapag nandito lang ako.



Wala pang tao sa studio nang pumasok kami ni Ysabella. May dala akong pagkain habang siya naman ay iced coffee lang ang dala.

Diet daw kasi siya... which I don't understand kasi... bakit?

"I need to maintain my figure obviously," katwiran niya sa akin. "I do photoshoots. I need to take care of my body and watch my weight."

As if naman hindi na siya makapagphotoshoot kapag nadagdagan siya ng timbang.

But this is one of the things I like about her. 'Yung determinasyon niya. Though isa rin 'yon sa hindi ko gusto sa kanya. Kasi minsan dahil doon, nagiging masyado na siyang mahigpit sa sarili niya.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon