Track 17: How Annoying

3.4K 230 116
                                    


Melody's Point of View


"Alam niyo," kwento na naman ni Venice habang ngumunguya. Bilib talaga ako sa kaniya kasi magbuhat nang dumating siya dito sa park, hindi pa siya natitigil sa pagkwento. Nakakatuwa naman ang mga kwento niya kaya hindi na rin ako magrereklamo. "What if this year is the year?"

Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Leo at Jarvis kasi sobrang random ng sinasabi niya. Anong year?

"Madalas talaga gusto na kitang dalhin sa albularyo. Ang weird mo," biro ni Leo at inagaw ang kinakain niya.

Hindi naman na pumalag si Venice at kumuha ng panibagong pagkain. "Naisip ko lang kasi, paano kung ito na ang taon at panahon para magkajowa si Jarvis?"

Nasamid naman si Jarvis dahil sa narinig sa best friend niya. Hindi na ako magugulat kung samahan niya si Leo at hilahin si Venice papunta sa sinasabi nitong albularyo.

"Hala. Nasamid siya. Is this a sign? Totoo na nga kaya?!" turo ni Venice kay Jarvis habang nakatakip pa ang bibig.

Hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa nangyayari sa harapan ko. Sobrang nakakaaliw talaga ang mga 'to. Hindi talaga ako maiinip kapag sila ang kasama ko.

"Ako na naman nakita mo," reklamo ni Jarvis habang pinupunasan ang baba niya dahil sa medyo nabuga rin niya ang iniinom niya dahil sa pagkakasamid kanina.

Kahit talaga ang mga gwapo minsan may mga off moments, ano? Patas pa rin pala ang mundo para sa mga patatas na kagaya ko.

Nagkibit balikat si Venice at sumandal. "Naisip ko lang bigla. Gusto kong makita kung paano ka as a boyfriend at kung paano ka mahulog sa trap ng love. Enjoy siguro 'yon. Para araw-araw rin kami may tutuksuhin."

"Sali ako sa panunukso," taas baba kilay na pagsingit ni Leo. "Tingnan lang natin kung maging sobrang bait at maalaga mo pa rin sa lahat oras na magkaroon ka ng girlfriend."

"Ipanalangin lang niya na hindi selosa ang magiging girlfriend niya," tawa pa ni Venice as if wala dito ang pinag-uusapan nila.

Jarvis looked at me as if asking for some help. But... how? Gusto ko man siyang tulungan, kaya lang I'm so clueless. And how in the world am I going to save him from the teasing combo of Leo and Venice? Parang ang imposible.

Napansin naman ni Venice ang pagsesenyasan namin kaya wala rin.

"Pero bro, may kilala ako na mukhang gustong maging girlfriend mo," akbay sa kaniya ni Leo.

"Parang lahat naman gustong maging girlfriend niya," sabi ko pero narealize kong may mali sa statement ko kaya nagpatuloy ako. "I mean sa mga fans niya. Ang dami kaya."

"S'yempre bukod sa kanila. Malapit lang. Nakakausap mo talaga at kilala mo."

"Let me guess," irap ni Venice. "Si Ysabella."

Pumalakpak si Leo kasi tama raw ang hula ni Venice.

Oo nga pala. Nakwento na niya dati na may gusto si Ysabella kay Jarvis at parang hinihintay lang niya na ito ang gumawa ng first move.

Umiling si Jarvis at tinanggal sa pagkakaakbay ang kamay ni Leo.

"Hindi mo talaga type?"

"Hindi."

"Bakit? Bro, ang ganda kaya ni Ysabella. Ayaw mo talaga?"

"Ayoko."

Wow. Hindi man lang nagdalawang isip. Mukhang ayaw nga niya talaga. Kaya lang bakit parang sinasarado na niya kaagad ang posibilidad na magkagusto siya kay Ysabella? Malay naman niya. Konting push lang.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon