Track 1: Starting Point

134K 3.5K 1.7K
                                    

Melody's Point of View


My hands are shaking. I just received a letter from Concordia Academe. This is the moment of truth. Magkakaalaman na kung tanggap ba ako o hindi.

But please! Please! Sana matanggap ako. Sana matanggap ako para mas malaki ang posibilidad na matupad ko ang pangarap ko.


'Why did you bother applying? As if you'll get accepted.'

'Masyadong mataas ang pangarap mo. Babaan mo lang para maabot mo.'

'Concordia Academe is a prestigious school. Kilala mo ang big stars sa panahon ngayon? 'Yung nanalo ng best actress sa movie festival, 'yung na-cast sa broadway last year, 'yung naging guest sa ibang bansa para kumanta pati na rin 'yung pinasali sa worldwide contest na dance group para i-represent ang Pilipinas? Lahat 'yon alumni ng Concordia Academe. Wala kang pag-asa makapasok do'n.'


Parang kinurot ang puso ko nang maalala ko ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko - maski ang ilan sa mga kamag-anak ko.

I won't make it. I'm good, but not enough.

Confirmation lang siguro ang sulat na 'to sa mga sinasabi nila. Masasaktan lang ako kung bubuksan ko 'to. Alam ko na rin naman ang resulta. Syempre, tama sila, hindi ako makakapasa.

With a sigh, I put the letter under my pillow and called Ingrid, my best friend. She answered it after three rings and I blurted out what's on my mind before she could even speak. "I can't open it. My hands are shaking, Ingrid. What if they rejected me? What if I didn't make it? Masasaktan lang ako kasi hindi na matutupad ang pangarap ko. Anong gagawin ko?!"

"Open it or I'm hanging up," walang buhay niyang sagot sa lahat ng sinabi ko.

"Natatakot ako."

"Isa..."

"But – "

"Dalawa..."

"Ingrid! Best friend ba – "

"Tatlo. Okay, bye – "

"Wait! Okay! Okay, bubuksan ko na." Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko ang phone para masigurado na hindi niya inend ang tawag. Umaandar pa rin naman ang oras.

Ito na talaga. Wala na akong kawala.

Kinuha ko ang envelope sa ilalim ng unan, huminga nang malalim at saka 'yon binuksan. Pumikit muna ako sandali para kalmahin ang sarili ko.

Kahit ano man ang nakasulat sa papel na 'to, kailangan hindi ko sukuan ang pangarap ko. Kailangan sumubok ulit ako. Kailangan ipagpatuloy ko ang pangarap ko.

Okay, this is it!


Dear Ms. Melody Santillan:

Congratulations! It is with immense pleasure that I inform you of your acceptance in the Drama Department at Concordia Academe. This opportunity comes in recognition of your academic and personal achievements and I am positive that you would be a valued member of our university.


Wait. What?

Inulit-ulit kong basahin ang nakalagay sa sulat para masigurado na tama nga ang binabasa ko. Tiningnan ko pa ang ilalim kung may pirma at stamp ang sulat kasi baka joke lang 'to.

Hindi ba ako nananaginip? Totohanan na talaga?!

"Anong nakalagay?" tanong ng nasa kabilang linya.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon