Track 24: Backstabbing

3.2K 251 102
                                    


Venice's Point of View


Ugh! Kainis!

Napapadyak ako nang makalimutan ko na naman ang step ng sinasayaw ko. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin sandali at nagsayaw ulit.

Mag-isa ako ngayon sa may practice room. Halos dalawang oras na matapos ang klase namin at wala namang ibang gagamit ng room na 'to kaya naisipan ko na lang magpractice. May isa kasi akong choreo na inaaral. Gusto ko sana bago matapos ang araw na 'to kabisado ko na ang bawat steps.

I need to do advanced practice para kabisado at perpekto ko na bago pa man maituro ng mentor namin.

Sayaw lang ako nang sayaw kahit tumutulo na ang pawis ko at pagod na pagod na ko.

Napatigil lang ako nang biglang humina ang volume ng speaker. At nang mapatingin ako sa gumawa noon ay napangiti na lang ako nang makita sina Jarvis at Leo.

"What's up, people?" energetic na sabi ko sa kanila kahit hinahabol ko na ang aking hininga.

Lumapit si Leo sa may speaker at inabot ang earphone niya. Itinaas at ipinakita niya rin 'yon sa akin. "Nakalimutan ko kaya binalikan ko lang."

"Good thing pala na nandito lang ako. Baka nasama na 'yan sa nalinis o baka may kumuha na niya n'yan kung sakali palang umalis ako."

Kumunot ang noo ni Leo sa sinabi ko. "Nandito ka lang? Hindi ba halos 2 oras na ang nakalipas magbuhat nang idismiss ang klase?"

Bago pa man din ako makasagot ay hinila na ako ni Jarvis papalapit sa salamin at pinaupo ako sa sahig habang nakasandal sa salamin. Kinuha rin niya ang bimpo at inumin ko na nasa gilid at parehas na inabot 'yon sa akin.

Umupo rin silang dalawa sa harapan ko. Mukhang alam ko na ang kasunod nito.

"You're overworking yourself," sabi sa akin ni Jarvis. "Again. Look at you. Pagod na pagod ka na pero ayaw mo pa rin magpahinga. Ilang beses ka na namin pinagsabihan tungkol dito."

Sabi na nga ba. Tama ako. Best friend mode na naman itong si Jarvis.

"Kilala ko naman ang katawan ko kaya alam ko kapag hindi ko na kaya. Eh kaya ko pa naman kaya go lang," I grinned at them pero wala silang dalawang naging reaksyon. Parehas lang nakatingin sa akin. "I'm just practicing for a bit?"

"Two hours? A bit? At kakagaling lang natin sa klase bago 'yon," reklamo ni Leo at pinitik nang mahina ang noo ko.

Napasibi ako at pinaglaruan ko ang daliri ko habang nakayuko. Feeling ko pinapagalitan ako ngayon ng magulang ko.

"I just want to perfect this choreo," katwiran ko.

Narinig ko ang sabay na pagbuntong hininga ng dalawa.

"H'wag mong pwersahin ang sarili mo. Mahal mo ang pagsasayaw. Nag-aalala lang ako na baka kakapwersa mo sa sarili mo, baka hindi mo na maenjoy ang ginagawa mo. Baka hindi mo na makita ang pagsasayaw bilang bagay na mahal mo."

"It's just that... I..." Sumandal ako sa salamin at ipinatong ang bimpo sa mukha ko. "I feel like I have to be the best, you know? I'm tired of being the second best."

Dito sa pagsasayaw may mas nangunguna sa akin in terms of grades. Sa bahay naman, pangalawa lang din ako kung ikukumpara sa kapatid ko. For once gusto ko rin maging best.

Hinila ni Jarvis ang bimpo sa mukha ko kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko para pagaanin ang loob ko. Kasi kahit hindi ko sabihin, alam kong alam niya na naprepressure ako. Pinepressure ko ang sarili ko kahit hindi ko naman gusto.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon