Chapter 4

211 21 9
                                    

(A/N: short update. Not edited)

YOU DON'T FIND YOUR WORTH IN A MAN. YOU FIND YOUR WORTH WITHIN YOURSELF AND THEN FIND A MAN WHO'S WORTHY OF YOU. REMEMBER THAT. - UNKNOWN

"Lou, look oh. Bagay sayo itong dress." Napatingin ako kay Dorothy na hawak ang color baby blue na cocktail dress. Nandito kami ngayon sa Mall. Kaming dalawa lang dahil balik sa trabaho na ang mga bruha.

"Cous, Wala akong pangbayad diyan. Ih sa tela palang alam mo ng mamahalin eh," wika ko.

"Gaga syempre libre ko 'to! Come on Lou! Try it na," agad niyang hinila ang kamay ko papasok sa fitting room. Walang reklamo ko siyang sinunod.

Knowing my sweet cousin, she doesn't take "no" as an answer. Spoiled din naman kasi, ayaw paawat.

Nang matapos ko isukat ang damit ay agad na tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko maiwasang malungkot sa sarili.

I used to be spoiled. I used to be elegance. I used to be happy. I used to be okay.

What did I do to deserve a life like this? Naging mabuti naman akong kaibigan, anak, ina at asawa. Pero bakit parang pinaparusahan ako ng ganito kalala?

Panginoon, kung meron pa kayong awa sakin. Pakiusap, patatagin ninyu po ako. Kailangan ako ng anak ko. Ayokong maranasan niya din ang mawalan. Mas okay nang ako ang nasasaktan, kisa sa anak ko. Kasi ganun naman talaga ang mga magulang di' ba?

Kahit gaanu ka sakit, para sa anak nila. Gagawin nila, kakayanin nila. Because that's what my Parents taught me. Honor your Parents. Show them respect and love. Kasi lahat naman nang ginagawa nila ay para sa ikabubuti natin.

"Lou? Tapos ka na ba? Come out na so I can take a look." Nataranta kong pinahid ang mga luha. I look at myself again and fake a smile.

Lumabas na ako sa fitting room at bumungad sa akin ang pinsan ko na tila naiinip nang makita ako.

"O. My. Freaking. Goddess!" napatili siya dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao sa loob nang shop.

I rolled my eyes at her, masyadong OA naman itong pinsan ko. Halatang ngayon lang nakakita ng diyosa.

"What? Bagay ba?" I smirk playfully.

"Tangina Oo!" she excitedly clap her hands. "Bagay na bagay sayo Cous. Napakaganda mo, I wonder bakit ka pinalit at iniwan ih full package kana?!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Che, lumayo ka saking hayop ka! Nagdidilim paningin ko sa' yo."

Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit na siyang kinagulat ko.

"Bakit?" I ask her. Nakayakap parin siya sa' kin.

"I'm gonna miss you cous. Last day ninyu na dito. Gustohin ko mang bumalik, pero hindi pa ako ready magpakita ulit. Maybe someday matutunan ko ding maging katatag mo." she let go of me and look at me teary eyed. Mabilis niyang pinunasan ang luha.

"I'm wishing for you and Sofio's happiness." She sincerely said. I give her a small smile.

"Kung sakaling magkikita ulit kayo, huwag kang matakot sumugal ulit, huwag kang matakot magmahal ulit, huwag mong pigilan ang tinitibok nang puso mo Lou. Do everything your heart wants you to do. You deserve the best." madamdamin niyang sabi sa' kin. I was about to say something when she cut me off.

"Okay, let's stop being dramatic here. Center of attention na tayo dito, let's go home na." Pipi akong tumango nalang.

Nasa parking lot na kami ng mall nang may nakalimutang bilhin pa daw si Dorothy. Masyado na akong pagod para samahan siya kaya naiwan ako dito sa parking lot.

I look around me, trying to search where Dorothy parked her car. Gosh! Nakalimutan ko palang tanungin siya kung saan banda niya pinarke ang kotse.

I give up finding her car and ending up calling her.

"Cous, san mo nga banda pinarke ang kotse mo? Masyadong maraming nakaparada dito, pagod na akong isa isahin ang mga 'to." I was talking about the cars.

"On the right side, cous. ABS 241 ang plate number. Just keep on searching!" pinatay niya agad ang tawag. Tsk nagmamadali nga ito.

(Reminder: Ang plate number na ginamit ko po dito ay gawa-gawa lang po. Kung sakaling mayroon na kapareha, please inform me para mapalitan agad. Tysm!)

"Saan na ba kasi yun?! Epal naman!" naiinis kong sambit sa sarili.

Halos limang minutos ko pa nakita ang sasakyan ng pinsan ko, maglalakad na sana ako patungo sa kotse ng may isang tao na nakablack hoodie na pilit binubuksan ang pinto ng kotse.

I assumed he's a car snatcher. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya. Like duh, black belter ako sa taekwondo at master din ako sa karate, nu!

"Hey! Stop what are you doing!" napatigil siya sa ginagawa ngunit hindi ito lumingon sa' kin.

"Who are you? Face me, moron!"

Hinawakan ko siya sa balikat at aaktong susuntukin sana ng mamukhaan ko kung sino siya.

What?

Anong ginagawa niya dito?

Mabilis na nagsitaasan ang mga buhok ko sa katawan. Hindi ko na maiwasang pakalmahin pa ang sarili ko dahil sa pagkagulat at galit na nadarama na alam kong ramdam niya iyun.

"It's nice seeing you again this close, Love." kita sa mga mata niyang mala kayumanggi ang mga emosyon na hanggang ngayon hindi ko parin mabasa-basa, pero nakita ko sa mga mata niya ang kasabikan at pagmamahal.

Really? May pagmamahal pa pala siyang nararamdaman?

Akala ko kasi hindi nagmamahal ang mga katulad niyang hayop.

My breathing started to get heavy. Parang hindi ako makahinga ng maluwag. There is something blocking my throat, I can't even say a word! I swallowed hard still not looking at him in the eyes.

Kilala ko anh sarili ko, baka hindi ko mapigilan at mapatay ko siya. Nanginginig ako sa galit. I want him out of my sight.

Nagbabaga ko siyang tinignan ng sinubukan niyang lumapit sa akin. I saw pain in his eyes when I stepped back.

"Lou, please talk to me..." mahina nitong ani. "I miss you." He tried reaching for my hands pero agad ko iyong hinawi.

Putangina niya. May 'i miss you' pa siyang nalalaman eh siya rin naman ang dahilan bakit ko siya iniwan.

Tumawa ako ng nakakainis. Nagmukha akong baliw sa harapan niya pero wala na akong pakialam. Siguro nababaliw na nga talaga ako.

"Lou..."

"Fuck off, Demonteverde! Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sayo!" Tinignan ko siya ng may pandidiri.

"Tabi!"

"Ayoko Lou. Please naman love, let's talk." he pleaded.




"Stay away from me fucker! Putangina naman Sy! Tama na."

"N-no!.. p-please n-no."









Ayoko na siyang makita ulit.






I just want him out of our life.










Nakakatakot.



Nakakasakal.

















The man in a black hoodie was my ex-freaking-husband.

The man I wish to never see again.

to be continue...

His Only Beloved (COMPLETED)Where stories live. Discover now