Chapter 8

161 8 0
                                    




Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Stacy tungkol dun sa half year party na gaganapin two weeks from now. Sa sobrang busy ko sa trabaho, hindi ko na namalayan na magtatapos na ang buwan ng June.

Sina Nurse Telma ay nakabili na ng regalo nila, samantalang ako ay hindi parin makapagdesisyun kong aattend ba ako sa party o hindi. Pero sayang naman kasi kung hindi ako makakadalo, diba? First time ko dadalo sa event ng ospital. Kaya medyo kabado ako na excited rin.

Paano kung si Wander ang mabunot ko? Anong picks ang pipiliin ko sa tatlo? Ang naalala ko, sa sinabi ni Stacy. Ang pick one ay 'tell her or him what you feel.' Aamin ba akong may crush ako sa kanya? Naiisip ko palang na aamin ako pumupula nalang bigla yung pisngi ko! Ayoko, baka mareject pa ako. Mas mabuti pang magstay as friends nalang kami. Pero paano kung pick two or pick three ang mapili ko? Shocks! May natirang kahihiyan pa naman ako sa katawan ko 'no!

Hindi ako inosenteng tao pero may delikadesa ako! Baka iba pa yung maupuan ko at matusok pa ako.

Nasampal ko ang sarili dahil sa naisip. Ka bad talaga ng utak ko! Kung ano naiisip.




"Gago sexual harassment na ata itong naiisip ko," napahawak ako sa dibdiban ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagsign a cross.

"Lord patawarin moko, 'di ko sinasadyang pagnasaan ang kaibigan ko huhuhu."




"Boo!"

"HATDOG NI WANDER!" Napasigaw ako sa gulat ng may tumusok sa tagiliran ko.




Lumingon ako sa likod upang makita kung sinong hampas lupa ang gumulat sa'kin. Nambilog ang mata ko ng makitang si Wander pala iyon.

"Hi," I blink my eyes twice. Nabihag sa ngiti niyang kay tamis. Gwapo siya sa malayo at mas gumuwapo siya sa malapitan. Hindi naman sa nagmamayabang pero isa ako sa mga tao na nginingitian niya. Minsan lang talaga siya ngumiti dahil nakakunot noo siya most of the time. Tanging pasyente niya, kapamilya, kapuso at kapatid lang ang nginingitian niya. At syempre bilang na ako 'dun. Kapuso niya ako eh, eme!

"A-ah hello," nahihiya kong bati din sa kanya.

"Tapos ka na ba mag rounds?" Tanung niya saakin. Umiling ako bilang sagot. Totoong hindi pa ako tapos sa trabaho ko.

"Ganun ba? Sige, samahan na kita." Ngumiti siya sakin saka niya ako inakbayan.

"Samahan mo akong mag rounds?" Nagniningning sa saya ang mata ko.

"Hmm," tinignan niya ako sa mata. "Aw!" Napahawak ako sa noo ko na pinitikan niya gamit ang thumb niya at middle finger. "Gago para saan 'yon?!"

"Tapusin mo muna ang trabaho mo bago mo ako landiin." Umirap siya at nauna ng maglakad. Hinabol ko naman ito at ako na yung kumuha sa braso niya para iakbay sa akin.

Tatlong pasyente ang cheneck ko bago ako nag off sa trabaho. Hinintay ako ni Wander sa corridor ng ospital. Niyaya ko siya na magmeryenda muna sa isang fast food na malapit lang rin sa ospital. Habang naghihintay sa order namin ay inopen ko ang topic about sa gaganapin na half year party. Halos magtatatlong taon na kasi siya sa ospital nagtratrabaho kaya may experience na siya kisa sa akin.

"Sa tatlong taon mo sa ospital, napili mo na ba yung ika-number two at three?" Curious kong tanong sa kanya.

"No, I don't have the face to feed a co-worker of mine a pepero stick using my goddamn mouth or just drunkly dance on her/his lap."

"Hmm, bakit naman kasi ganun yung choices? Ano ba tingin ni Mr. Guzman sa atin?"

"Well maybe because he likes matching up his employees a lot. Ewan ko din kung bakit yun ang tripping ni Tito Sandro. At isa pa, alam naman niyang walang pipili sa number two at three. Halos lahat ng mga staff, number one ang pinipili every half year party."

"So you mean, walang pumili sa pick two and three?"

"Kung ikaw ba naman, tinaguriang propesyunal na doktora tapos machichismiss ka na sa half year party ng ospital natin pinakain mo katrabaho mo ng pepero stick gamit ang bibig. O 'di kaya sumayaw ka ng sexy dance sa lap ng katrabaho mo. Ano nalang sasabihin sayo ng mga tao? Propesyunal nga, malandi naman. Want mo ba matawag na ganun?"




Umiling iling agad ako, may point siya. Tama naman kasi si Wander. At isa pa, hindi ko naman pipiliin talaga ang dalawang choice. Number one naman talaga ang pipiliin ko, kung sakaling makapunta ako.

"Nakabili ka na ba ng regalo mo?" Tanong niya sa akin. He sip his ordered hot chocolate while eyeing on me.

"Not yet, hindi ko pa nga alam kong pupunta ako eh."

Telma said, hindi naman daw nila pinipilit ang iba kung ayaw talaga.




"Bakit naman?"

"Ano naman sasabihin ko sa mabunot ko kung wala naman akong ideya kung sino o ano siyang klase ng tao." Hindi naman kasi lahat ng hospital staff ay kaibigan ko. Sina Natalie, Nurse Telma, Stacy at Wander lang naman kakilala ko.




Nakita ko ang pagtango ni Wander.




"Samahan mo nalang ako,"

"Huh?"




"Hindi naman kasi makakaattend si Sy sa party. Kami lang naman ni Hanz ang makakapunta. Sama ka nalang kaya?"




"Umm.. sige na nga," I act like na napilitan lang ako pero deep inside ay excited ako sa party kasi kasama ko si Wander.

"Sama mo nalang rin ang mga kaibigan mo, si Stacy and sino nga ulit yung isa?"




"Natalie," sagot ko sa kanya.







"Ah.. yeah. Natalie.." napansin ko ang paglambot ng boses niya nang bagitin niya ang pangalan ng kaibigan ko. Hindi ko nalang pinansin. Tinuon ko nalang ang atensiyon sa kinakain kong spaghetti.




Nang matapos kami kumain ay nagpasya kaming gumala sa SM. Maaga pa naman at tsaka wala naman akong gagawin sa bahay kaya naglibot muna kami. At dahil nasa supermarket na rin naman kami bumili nalang ako ng groceries. I let Wander push my cart while I shop.




"Sis, tignan mo sila oh. Sobrang bagay nila," napalingon ako sa gawi ng nasa gilid namin ni Wander. Ring na rinig kasi ang bulungan nila at nakompirma kong kami ang tinutukoy nila dahil nakatitig sila sa amin.

I looked at Wander at nahuli ko siyang nakatitig rin sa akin. I smiled and cock my brows.

"Bagay daw tayo," I wiggle my brows to tease him more. Ngising napaiwas siya ng tingin sa akin.

After a hour of groceries shopping ay naglakad na kaming dalawa sa parking lot ng SM. May dala kasing sasakyan si Wander at ganun rin ako kaya nag convoy nalang kami. Pagkatapos niyang ilapag ang mga binili kong groceries sa likod ng sasakyan ko ay ngumiti siya sakin.




"All done," masigla pa niyang sambit.

"Thank you." I sincerely said.

I reached for his neck and kiss his cheeks. Nagulat siya kaya nagmadali na akong pumasok sa kotse ko. I didn't even say goodbye to him.

His Only Beloved (COMPLETED)Where stories live. Discover now