Chapter 6

181 9 1
                                    


(A/N: short update & not edited)

Before you "Assume" try this crazy method called "Asking".

"So how was your first month of work, Loui?" bumaling si Lou kay Wander na kumakain nang pulang mansanas. Pinagpatuloy niya ang pagayos ng mga gamit dahil off duty na niya ngayon.

"Nakakapagod, pero para sa mga bata, kakayanin." Napangiti si Wander sa sinagot ng kaibigan. Lou's really fond of kids.

"What a good doctor." Puri niya kay Lou. Natatawang binaling siya nito, "Hindi pa ako masyadong magaling, kakaumpisa ko pa nga lang diba? But yeah, I'm doing my very best to be a better doctor for them. Kilala mo naman ako, ilalaban ko sila kay kamatayan." Lou said with full of hope and authority.

Magsasalita pa sana si Wander ng tumunog ang cellphone nito. "I'll just answer this call. Wait for me so I can drive you home, Lou." Mabilis siyang umiling, rejecting his offer.

"I have my car with me, so no worries. Sige na, mukhang emergency pa yang phone call. See you tomorrow, Wander."

"Fine, magiingat ka." Saad nito na parang nalugi. Naglakad na ito palabas at sinagot ang tawag. "Yo, wassup Sy?"

Kinuha na rin ni Lou ang Bag niya at umalis na sa loob ng headquarters nila.

"Uuwi na ba kayo doc?" kuha attention sa kanya ni Natalie Santos, isa itong Nurse na naging kaclose niya na din. Tulad niya ay baguhan din ito sa Hospital.

"Hi Nat, tapos na yung shift ko. Ikaw ba?" Tanong niya ng mapansing may dala din itong bag.

"Same here, tara kain muna tayo kwek-kwek. Huwag kang magalala, libre ko naman." Hindi na siya nakasagot pa dahil hinila na siya ni Natalie palabas nang Hospital.

Tahimik na lang rin na nagpahila si Lou sa kanya, medyo gutom na din kasi siya.

Pagkatapos nilang bumili ng street foods, umupo sila sa isang bench sa plaza. Ito ang favorite tambayan nilang dalawa. Pareho kasi sila ng schedule kaya lagi din silang magkasama.

Natalie's fun to be with. Hindi niya akalain na maging ka-close niya ito. Hindi tulad ng iba niyang mga kaibigan, Natalie's the type of friend that you don't need to worry bringing in so many places, kasi madali siyang makisama. Parang lahat ata ng tao, tropa ng bruhang ito.

She saw Wander talking to a guy, nakatalikod pa ito sa kanya, kaya hindi niya kita ang mukha. But his back looks familiar thou.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita muli ang lalaking nakabangga niya noong nakaraang lunes. Sobrang bilis ang tibok ng puso niya na tila hinahabol ito ng mga kupido.

Out of the blue, she felt butterflies inside her stomach. Hindi siya mapakali at parang tangang kinikilig sa inuupuan nilang bench. Nahigit ang hininga niya ng makitang papalapit ang dalawang makisig na binata sa kanilang puwesto.

Agad na nagayos ng buhok si Natalie habang nakatingin parin sa kaibigan niyang si Wander.

"Lou, I thought you already left." Bati sa kanya ni Wander. Binigyan niya ito ng tipid na ngiti bago magsalita, "I was... Ahm we're hungry, kaya we decided to buy foods muna bago umuwi." Pansin niyang may nakatitig sa kanya kaya naman binaling niya ang tingin sa lalaking kasama ng kaibigan.

Once their eyes met, parang may kumuryente sa kanya. Damn, this man in front of her gives her unbelievable chills.

"Oh, by the way. This is my friend, Sy."

"Doktora Guzman," Gosh, his voice that gives shivers on her system.

"Am.. hello." Awkward na bati ni Lou sa binata.

Nginitian siya ng tipid ni Sy. Binaling niya ang atensyon kay Natalie na naghihintay sa kanya na ipakilala ito.

"By the way, Wander I want you to meet my friend, Natalie." Lou gave Wander the space, para makipagshake hands ang dalawa.

"Hello po Doctor Wander." tila nahihiyang bati ni Natalie sa kaibigan.

"I've seen you inside the hospital many times, but never properly introduced myself to you. And please, cut the 'po' we're obviously have the same age." Wander smiled at Natalie who's face are already reddish.

"Anyways, I have to go now. Cesar's looking for me already." Nakipagfistbam pa ito kay Wander bago bumaling sa kanilang dalawa ni Nat.

"Cesar? His one of my patients, kamusta na ang anak mo?"

She's trying to act professional infront of the man.

Hindi naman sa mapanghusga siyang tao pero mukhang ang bata pa nito para maging ama.

Napataas ang kilay ni Sy. Umiwas siya ng tingin sa binata para hindi nito mahalatang kinakabahan siya.

Ang bibig kasi Lou! Baka isipin pa ng gunggong na ito na may crush ako sa kanya. Like duh! Totoo naman kasi!

"He's doing great, Doktora Guzman." Professional na sagot sa kanya ni Sy. She was about to say something when he cut her.

"And for your information. His not mine, he's my older sister son." Sy teasingly wink at her that made her knees weak.


































to be continue.

His Only Beloved (COMPLETED)Where stories live. Discover now